Para sa mga magulang na naghahanap ng seat sale sa January 2020, mayroong ilang mga airlines na nag-offer ng sale upang salubungin ang paparating na Chinese New Year.
Alamin dito kung kailan at kung alin ang mga airlines na may seat sale ngayong January 2020.
Seat sale January 2020
Cebu Pacific
Ngayon January 16, ay buong araw na magkakaroon ng seat sale ang Cebu Pacific. Kada 8 oras ay magbabago ang mga flights na naka-sale, kaya’t kung may nais kayong puntahan na destinasyon, siguraduhin na magpunta sa website sa tamang oras upang makakuha ng discounted na tickets.
Kabilang sa seat sale na ito ang mga local at international na flights. Heto ang naging Facebook post ng Cebu Pacific tungkol sa kanilang seat sale:
Listahan ng mga airlines na mayroong Chinese New Year #SeatSale | Image from Cebu Pacific Air
Philippine Airlines
Para naman sa mga nais mag-book ng flight sa Philippine Airlines, magkakaroon sila ng seat sale sa Monday, January 20 hanggang January 24. Ang mga flights naman na ito ay para sa July 1, hanggang December 10, 2020.
Ang mga local flights ay magsisimula sa 20 pesos, at ang mga international flights naman ay magsisimula sa $20. Kabilang rin sa mga flights na ito ang mga bagong routes tulad ng Manila-Perth, Davao-Manado, Zamboanga-Kota Kinabalu, Davao-Iloilo, Cebu-Zamboanga, Cebu-Dipolog, at Zamboanga-Tawi-Tawi.
Importance of vacation in family
Sa isang pag-aaral na isinagawa ng University of Toronto, napag-alaman na ang mas mahalaga ang bakasyon ng pamilya kumpara sa mga materyal na bagay tulad ng bagong laruan.
Sabi ng mananaliksik na si Cindy Chan, nagdudulot ang karanasan ng matinding emotional response. Halimbawa nito ang takot na nararamdaman sa pag-pasok sa haunted house o ang adrenaline rush sa roller coaster.
Kapag nababahagi ang karanasan sa pamilya, hindi lang nito napapatibay ang bonding sa isa’t isa. Ang pamilya rin ay mas sumasaya kahit pa matagal nang tapos ang bakasyon.
“Kung gustong magbigay ng bagay na magpapalapit sa inyo, magbigay ng karanasan,” dagdag ni Chan.
Listahan ng mga airlines na mayroong Chinese New Year #SeatSale | Image from Unsplash
UK: Bakasyon ng pamilya ang paboritong alaala ng pagkabata
Nagsagawa ng survey ang Family Holiday Association sa UK. Napag-alaman dito na 49% ng mga Briton ay kinikilala ang mga bakasyon ng pamilya bilang paboritong alaala sa pagkabata.
Lagpas kalahati ng mga lumahok ang nagsabi na “nabigyan sila ng mga bakasyon ng masasayang alaala na mananatili sa kanila habang buhay.”
Sa komento ng Chief Executive ng Family Holiday Association na si John Mcdonald, sinabi niyang ang mga bakasyon ng pamilya ay nagsisilbibg “happiness anchor.” Kapag ang pamilya ay may pinagdadaanan, malaki ang natutulong ng mga masasayng alaala.
“Sa pamamagitan ng paggamit sa mga alaalang ito bilang anchor, nahaharap natin ang mga problema nang may bagong pananaw,” dagdag ni Mcdonald.
Napapatalino ng bakasyon ng pamilya ang mga bata
Bukod sa mga mental na benepisyo, mas tumatalino rin ang mga bata kapag nagbabakasyon ang pamilya.
Ayon kay Dr. Margot Sunderland, eksperto sa child mental health mula UK, ang pagpunta sa bagong lokasyon ay nakakapagbigay sa bata ng brain booster dahil hindi ito pamilyar sa kanila.
Listahan ng mga airlines na mayroong Chinese New Year #SeatSale | Image from Freepik
Sa kanyang article sa the Telegraph, sinabi ni Sunderland ang naihahandog ng lokasyon ng bakasyon. Ayon dito, ang lokasyon ay naghahandog ng “bagong karanasan na pinapagtibay ng social, physical, cognotive at sensory interaction.”
Ang mga simpleng aktibidad tulad ng paggawa ng sandcastles ay makakatulong sa frontal lobe ng bata. Ito ang nagko-kontrol sa emotional expression, problem-solving at lengwahe.
Ang mga adventurous na aktibidad ay nakaka-trigger ng neurochemicals tulad ng oxytocin at dopamine. Ang mga neurochemicals na ito ay “nakakabawas ng stress at nagbibigay ng magagandang pakiramdam sa isa’t isa.”
Kaya mga magulang, sa susunod na pag-isipan ang magiging gastos, tandaan na sulit ito dahil sa mga dalang benepisyo!
Source: GMA
Basahin: 20% student discount sa lahat ng public transportation—pati eroplano at barko
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!