TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ang mga pangalawang anak ay pasaway, ayon sa science

3 min read
Ang mga pangalawang anak ay pasaway, ayon sa science

Ayon sa pag-aaral, karamihan sa mga middle child ay rebelde at madalas makabilang sa gulo. Ano nga ba ang explanation sa second child personality na ito?

Ikaw ba ay panganay na anak o kaya naman bunso sa magkakapatid? Napapansin mo ba ang ibang pag-uugali ng kapatid mong second child? Ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya-kanyang katangian. Ngunit ngayon, pag-uusapan natin ang second child personality!

Ang mga pangalawang anak ay pasaway, ayon sa science

Ayon sa pag-aaral ng Massachusetts Institute of Technology, talagang nagkakaiba ang pag-uugali ng isang bata base sa kung kailan ito pinanganak.

Ang mga pangalawang anak lalo na kung lalaki ay sinasabing may problema sa pag-uugali.

Napag-alaman na ang 40% ng mga pangalawang anak na lalaki sa datos na kinuha sa Denmark at Florida ay maagang nakukulong at sumasailalim sa Juvenile Justice System. Ang iba naman sa kanila ay nasu-suspend sa school.

second-child-personality

Image from Dreamstime

Ngunit ano nga ba ang explanation sa pag-aaral na ito? Ipagkumpara natin ang mga first-born sa second-born child.

Hindi maikakaila na majority ng mga panganay ay nakukuha ng buo o madali ang atensyon ng kanilang mga magulang. Dahil sila ang first born, sila ang nagiging malapit agad sa kanilang mga magulang at halos kanang kamay na din sa magkakapatid. Iba naman ang kaso ng mga pangalawang ipinanganak. Hindi maiiwasan na hindi sila nabibigyan ng sapat na atensyon ng kanilang magulang at makabuo ng matibay na pundasyon sa relasyon nila.

“Second-born children tend to have less maternal attention than do their older siblings.”

“Bakit hindi mo na lang gayahin ang kuya/ate mo?” ito ang mga katagang hindi napapansin ng mga magulang na nakakasakit sa kanilang pangalawang anak.

Dahil nga hindi nakakatanggap ng sapat na atensyon ang pangalawang anak sa kanilang bahay, kadalasan sila ay nasa mga kaibigan. Dito nila nararamdaman o nakukuha ang atensyon na hindi nila makuha sa kanilang bahay.

“They’re usually the first of their siblings to take a trip with another family or to want to sleep at a friend’s house,” -Linda Dunlap, Ph.D., professor of psychology

second-child-personality

Image from Hunter Johnson on Unsplash

Second Child Personality

Bukod sa pagiging ‘delinquent’ ng mga middle child, maipagmamalaki mo pa rin sila sa kanilang kakaibang pag-uugali. Narito ang ibang katangian ng isang second born:

1. Peacemaker

Sa isang pagkakaibigan, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintidihan ng bawat isa kaya naman nagdudulot ito ng pag-aaway. Ngunit maswerte ka kapag middle child ang iyong kaibigan. Sila ay kadalasang pumapagitna sa away at pinapagbabati ang magkabilang panig.

2. People-pleaser

Ang mga pangalawang anak ay may ugali na talagang magugustuhan ng mag tao. Ito ay ang pagiging ‘people-pleasers‘. Sila ay kilala sa pagiging nice at matulungin sa kapwa tao. Maaasahan mo sila sa lahat ng bagay. Kumbaga ‘one-call away’ ang mga middle child.

 

second-child-personality

Image from Shutterstock

3. Friendship keeper

Sila rin ay kadalasang asset ng grupo. Nariyan ang pagiging mapagmahal nila sa bawat myembro. Pinapahalagahan ang isang pagkakaibigan at itinuturing na pamilya.

Ito ay base lamang sa pag-aaral at wala pa rin ang makakapagsabi na tunay na rebelde ang second child. Tandaan din na ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang katangian at kakayahan.

 

Source: Hit Network

BASAHIN: Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin
Nurture Your Child’s Potential: Unlocking Optimal Growth and Development with Nutrilin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Ang mga pangalawang anak ay pasaway, ayon sa science
Share:
  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko