Mahalaga para sa mga mag-asawa ang sex. Nakakatulong ito para mapatibay ang pagsasama, at panatilihing buhay ang romance sa mga mag-asawa. Kaya’t kapag nagkakaroon ng mga problema tungkol sa sex ang mga mag-asawa ay malaki ang epekto nito sa kanilang pagsasama. At kabilang na rito ang pagiging selfish sa kama.
Ibig sabihin nito, ang asawa mo lamang ang nagkakaroon ng orgasm, o kaya siya lamang ang nasasarapan kapag kayo ay nagtatalik. Ngunit hindi naman porke’t hindi ka nasasarapan sa sex ay selfish na agad ang iyong asawa. Heto ang ilang mga palatandaan na dapat mong alamin.
Pagiging selfish sa kama, ano ba ang senyales nito?
1. Nagmamadali ba siya sa foreplay?
Mahalaga ang foreplay pagdating sa sex, at hindi ito dapat binabalewala. Pero kung napapansin mo na tila ay nagmamadali ang iyong asawa sa foreplay, o kaya ay gusto nila na diretso agad sa sex, posibleng selfish sila sa kama.
Ito ay dahil mas iniisip nila ang sarili nilang pleasure kaysa sa pleasure mo. Iba-iba kasi ang temperament ng mga tao pagdating sa sex. Minsan mas kailangan ng isang tao ang stimulation, at ang iba naman ay kahit kakaunti lang ang foreplay ay sapat na.
Kung madalas ay hindi ka pa ready na mag-sex at gusto mo pang magforeplay, pero nagmamadali ang asawa mo, posibleng selfish nga siya sa kama.
2. Wala ba siyang pakialam sa pleasure mo?
Minsan, posibleng walang pakialam sa pleasure mo ang iyong asawa kaya’t nagmamadali sila sa foreplay. May mga pagkakataon na pagdating sa sex ay sarili lang nila ang kanilang iniisip, at hindi ito maganda. Normal lang naman na pagdating sa sex, ay gusto mong masarapan. Pero siyempre, mahalaga rin na nasasarapan ang iyong asawa, at hindi lang ikaw.
Kung selfish ang asawa mo, ibig sabihin nito, madalas ay hindi ka rin satisfied kapag nagsesex kayo, dahil mas inuuna niya ang kaniyang sarili, kaysa sa isipin ang pleasure mo.
3. Nagyayabang ba siya sa mga kaibigan niya?
Sa mga ibang tao, okay lang na magkwento sila tungkol sa kanilang mga sex life sa kaibigan. Talagang mayroong mga mag-asawa at magkakaibigan na malapit sa isa’t-isa, at hindi problema ang ganitong mga usapan.
Ngunit kung umabot na sa pagyayabang ang ginagawa ng iyong asawa, ay nakakasama na ito. Wala namang masama kung magkwento ang iyong asawa na napapaligaya ka niya sa kama. Pero hindi ito dapat gawing pagyayabang, lalo na kung hindi mo naman gusto na nagkkwento siya sa mga barkada niya.
4. “Trophy” ba ang iyong orgasm?
Para naman sa ibang mga tao, “trophy” sa kanila ang pagkakaroon ng orgasm ng kanilang asawa. Ibig sabihin, hindi nila iniisip kung nasasarapan ba talaga ang kanilang asawa, basta’t magkaroon lang sila ng orgasm.
May mga pagkakataon kasi na mas masarap at intimate ang foreplay, o kaya ang sex kahit walang orgasm. At minsan kapag masyadong mapilit ang iyong asawa na magkaroon ka ng orgasm, hindi na nagiging masaya o nakakatuwa ang sex.
Posibleng senyales ito na selfish nga sa kama ang iyong asawa.
Kung sa tingin mo ay selfish sa kama ang iyong asawa, mahalagang pag-usapan ninyo itong dalawa. Hindi dapat binabalewala ang ganitong mga bagay dahil malaki ang epekto nito sa inyong pagsasama. Mahalagang magkaroon kayo ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan pagdating sa sex upang hindi lumaki ang mga problema.
Source: Men’s Health
Basahin: 5 sex positions upang magkaroon ng multiple orgasms
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!