Real Stories: Selosong mister pinunit ang passport at boarding pass ng misis niyang OFW sa NAIA

Ayon sa misis na pabalik na sana sa Qatar para magtrabaho ay sinasaktan din siya ng mister niya sa tuwing nakakainom ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Selosong mister kulong matapos punitin ang passport at boarding pass ng OFW na misis sa NAIA.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Selosong mister na pinunit ang passport at boarding pass ng misis niya.
  • Mister sinasaktan din pala ang kaniyang asawa.

Selosong mister na pinunit ang passport at boarding pass ng misis niya

Larawan mula sa GMA News Report

Nagkaroon ng komosyon sa NAIA nitong January 10 matapos humagulgol sa iyak ang isang babae na kinilalang si Myren Detaro Onato. Siya ay 31-anyos na OFW na nagmula sa Roxas City, Capiz. Ayon kay Myren, nakatakda sana siyang bumalik sa trabaho niya sa Doha, Qatar bilang isang OFW ng punitin ng mister niya ang passport at boarding pass niya sa airport.

Kuwento pa ni Myren, tumawag ang mister niya at sinabihan siyang lumabas sa departure area para man lang sana sa farewell embrace. Pero hinatak daw siya nito at pinipilit na huwag ng umalis. Saka nito binato ang kaniyang cellphone at pinunit ang passport pati boarding pass niya. Si Myren ay pabalik na sana sa Qatar matapos magbakasyon at makasama ang pamilya niya nitong pasko at bagong taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mister sinasaktan din pala ang kaniyang asawa

Larawan mula sa GMA News Report

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Myren, nakipaghiwalay na siya sa mister niyang kinilalang si Jonard Banate, 34-anyos nitong bagong taon. Ito ay matapos siyang saktan nito ng dahil sa selos. Lagi daw itong ginagawa ng kaniyang mister sa kaniya sa tuwing nakakainom. Kaya naman bago siya umalis ay tinapos niya na ang ugnayan nila. Pinipilit daw siya nitong huwag ng umalis at bumalik sa Qatar. Pero sagot ni Myra, kailangan niyang lumabas ulit ng bansa para sa kinabukasan ng tatlo niyang anak.

“Ayoko na nga tumira doon kasi binugbog niya ako. Ano hintayin ko patayin pa niya ako? Seven years ako nagtatrabaho dun, walang trabaho ‘yan.”

Ito ang pahayag ni Myra sa isang panayam.

Ang mister niya ay humaharap sa patong-patong na kaso. Kabilang na dito ang Violence Against Women and Children Act o VAWC na kung saan umaabot ng mula sa 6 na buwan hanggang 20 taon ang kulong na parusa. May multa rin itong nagkakahalaga ng P100,000 hanggang P300,000.

Nilabag niya rin ang Philippine Passport Act sa ginawa nitong pagpunit ng passport ng misis. Ito ay may kaukulang parusa na pagkakabilanggo nang hanggang anim na taon. Siya rin ay magmumulta ng P60,000 hanggang P150,000 ayon sa batas.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement