X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ano nga ba ang lasa ng semilya ng mga lalake?

3 min read
Ano nga ba ang lasa ng semilya ng mga lalake?

Ating alamin kung ano nga ba ang lasa ng tamod o semilya ng mga lalake, at kung paano ito naaapektuhan ng kalusugan at ng pagkain.

Isa siguro sa mga tanong na mahirap sagutin ay kung ano ang lasa ng tamod o semilya.  Ito ay una, hindi naman lahat ng mga babae ay gustong bigyan ng oral sex ang kanilang asawa. Minsan naman ay hindi na ito namamalayan.

Pero alam niyo rin ba na ang lasa ng tamod o semilya ay may kinalaman din sa kalusugan ng isang lalake? Isa rin itong paraan upang malaman kung mayroong reproductive problems ang isang lalake.

Ano ba ang dapat na lasa ng tamod o semilya?

Posibleng maging iba-iba ang lasa ng tamod. Ito ay dahil maraming iba't-ibang mga chemical compounds ang nakahalo dito, at nababago rin ito depende sa kinakain ng isang lalake.

Ngunit ang madalas na lasa nito ay mayroong kaunting alat, at mainit. Pagdating naman sa pagkain, iba iba ang magiging epekto nito sa lasa ng semen.

Ang mga sumusunod na mga pagkain ay posibleng magbigay ng mapait na lasa at kakaibang amoy sa tamod:

  • bawang
  • sibuyas
  • broccoli
  • cabbage
  • mga dahong gulay
  • asparagus
  • karne at gatas

Ang mga pagkain namang ito ay sinasabing nakakatulong raw upang maging mas "masarap" ang lasa nito:

  • pinya
  • celery
  • parsley
  • wheatgrass
  • cinammon
  • nutmeg
  • papaya
  • orange

Ngunit hindi naman nito ibig sabihin na kapag kumain ang isang lalake ng maraming papaya ay magiging lasang papaya ang tamod niya. Nakakatulong lang ang ganitong mga pagkain upang mabawasan ang hindi kaaya-ayang lasa ng semilya.

Hindi mabuti sa lasa ng tamod ang alak at paninigarilyo

Kung ang isang lalaki ay madalas na uminom ng alak, o kaya ay naninigarilyo, siguradong may epekto rin ito sa lasa ng kaniyang tamod.

Posible raw magbigay ng mapait o maasim na lasa ang beer sa sperm ng isang lalake. Ang mga hard drinks naman ay puwedeng magkaroon ng mas matinding epekto sa lasa, kaya mas mapait pa raw ang magiging lasa kumpara sa beer.

Ang paninigarilyo naman ay nakakadagdag raw ng pait, asim, at magiging mas matapang o mabaho ang amoy nito.

Bukod dito, may epekto rin ang paninigarilyo at alak sa quality at kalusugan ng semilya, kaya't mabuting umiwas sa mga ganitong bisyo upang malusog palagi ang sperm.

Nakakatulong ang proper hygiene sa lasa ng sperm

Ang pagiging malinis rin ay may malaking naitutulong sa lasa ng tamod. Mahalagang panatiliing malinis ang genital area, at sabunin ito ng maigi upang makaiwas sa mga impeksyon at kung anu-anong bacteria.

Nakakatulong rin ang pag-trim o pagbawas ng pubic hair dahil pinamumugaran rin ito ng mga bacteria na posibleng magbigay ng masamang amoy o lasa sa sperm.

Mahalaga rin ang pagiging malusog at ang pag-ehersisyo upang manatiling malusog at malakas ang sperm.

Tandaan, kapag mas malusog ang sperm, ay mas fertile rin ang isang lalaki. Kaya't kung gusto ninyong magkaroon ng anak ng iyong asawa, mahalaga ang pagkakaroon ng malusog na sperm, pati na rin malusog na pangangatawan.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Source: Healthline

Basahin: Here’s how to know if your partner’s sperm is healthy just by LOOKING at it

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ano nga ba ang lasa ng semilya ng mga lalake?
Share:
  • Sperm ng mga lalake, 'niluluto' daw ng paggamit ng cellphone!

    Sperm ng mga lalake, 'niluluto' daw ng paggamit ng cellphone!

  • Masama ba sa vagina ang hindi pagtatalik ng matagal?

    Masama ba sa vagina ang hindi pagtatalik ng matagal?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Sperm ng mga lalake, 'niluluto' daw ng paggamit ng cellphone!

    Sperm ng mga lalake, 'niluluto' daw ng paggamit ng cellphone!

  • Masama ba sa vagina ang hindi pagtatalik ng matagal?

    Masama ba sa vagina ang hindi pagtatalik ng matagal?

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.