Isang senior citizen na sumailalim sa swab test at kinilalang COVID-19 suspect ang nagpakamatay nang ito ay tumalon sa 3rd floor ng building ng isang hospital sa Cagayan. Ngunit matapos lumabas ang resulta, ito pala ay negatibo sa nasabing virus.
Senior citizen na COVID-19 suspect, nagpakamatay
Isang nakakalungkot na balita ang nangyari sa isang hospital sa Cagayan. Ito ay nang may magpakamatay na isang senior citizen at kinilalang COVID-19 suspect ng dumaan ito sa swab testing. Ayon sa balita, tumalon ang senior citizen sa 3rd floor ng Cagayan Valley Medical Center ng malamang siya ay COVID-19 suspect.
Ngunit nang lumabas ang resulta ng test sa kanya, napagalamang negatibo pala siya.
Labis ring nalungkot ang chief ng Cagayan Valley Medical Center na si Dr. Glenn Baggao sa nangyari. Ayon sa kanya, makakauwi na sana ang pasyente nang araw ding iyon dahil negatibo ito sa COVID-19.
“Nakakalungkot dahil hindi na nahintay ng suspect patient ang swab result at makakauwi na sana ito ngayong araw.”
Dagdag ni Dr. Baggao, handa sila sa anumang imbestigasyong kukunin. Mas hinigpitan rin nila ang seguridad at monitoring sa buong ospital.
Bukod dito, kailangan ring bantayan at i-check every 30 minutes ng mga nurse ang mga pasyenteng nasa isolation room na kasalukuyang may depression dahil sa kanilang kaso.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Ang mga common symptoms ng COVID-19 ay ang:
- Lagnat
- Dry cough
- Pagkaramdam ng pagod
- Hirap sa paghinga
May iba naman na nakakaranas ng:
- Sore throat
- Diarrhea
- Runny nose
- Nausea
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
Senior namatay sa bahay nang hindi tanggapin sa 6 na hospital na pinuntahan
STUDY: Mas madaling kapitan ng COVID-19 ang mga kulang sa Vitamin D
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.