Ang akalang ordinaryong araw lang para sa isang 62 years old na lolo sa Camarines Sur ay magiging isang trahedya pala para sa kanya. Ito ay nang pumila ang senior para sana sa relief goods na ibabahagi sa kanila ngunit ito ay nawalan ng malay at kalaunan ay namatay.
Senior citizen hinimatay habang nakapila para sa relief goods, namatay
Day 40 na ngayon ng Enhance Community Quarantine na nagsimula noong March 15. Sa itinaas na protocol na ito upang mapigilan ang tuluyang pagdami at pagkalat ng virus sa bansa, suspendido muna ang mga public transportation. Hindi rin maaaring umalis ng kani-kanilang mga bahay habang walang face mask at quarantine pass ang mga tao. Ngunit sa kabila nito, may mga kwento pa rin tayong hindi alam tungkol sa ibang mga kababayan natin. Marami rin sa kanila ang apektado ng ECQ at nauubusan na ng pagkain sa pang araw-araw. Kaya naman kabi-kabila na ang pagbibigay ng ayuda ng ibang sangay ng gobyerno at ng mga LGU ng relief goods para sa mga kababayan nating nangangailangan.
Senior na pumila sa relief goods, namatay | Image from GMA News
Ngunit hindi isang ordinaryong araw para kay tatay Roger ng Camarines Sur ang araw sana na kukuha siya ng relief goods sakanilang barangay.
Nakapila lamang sa covered court noon para kumuha ng relief goods ang 62 years old na senior citizen mula sa Camarines Sur na si Tatay Roger Relano Abillona nang mangyari ang insidente. Ayon sa salaysay ng isang barangay tanod, magkausap sila ng biktima nang bigla itong matumba. Agad rin itong sinaklolohan ng mga barangay official at dinala sa health center.
Ayon sa barangay tanod na si Ernesto Millente,
“Kakuwentuhan ko rito, pagtalikod ko, bigla na lang siyang bumagsak dito. Maputla siya eh. Pinaupo namin diyan. Naninigas na siya,”
Sinugod rin agad ito sa ospital pero binawian rin agad ng buhay.
Napagalamang mag-isa lamang si Tatay Roger ng mga oras na ‘yon sa kanilang bahay dahil wala ang asawa nito kaya siya ang kumuha ng relief goods. Samantalang naabutan naman ng Lockdown sa Maynila ang mga anak nito.
Bahagi naman ni Nanay Leonida, asawa ni tatay Robert, hindi niya lubos maisip na mangyayari ito. Dahil walang sakit at iniindang karamdaman ang 62 years old niyang asawa.
Senior na pumila sa relief goods, namatay | Image from Freepik
Paglilinaw ni Lilia Azul, barangay kagawad ng nasabing barangay, mahigpit nilang pinaalalahanan ang kanilang mga kababayan na bawal pumunta at kumuha ng relief goods ang mga senior citizen, maysakit, menor de edad at buntis.
Ayon kay Lilia nag-disseminate sila sa bawat bahay ng stab kaya naman hindi pinapapunta lahat sa venue. Dagdag nila, handa silang magbigay ng tulong para kay tatay Robert.
Mass gathering in COVID-19
Senior na pumila sa relief goods, namatay | Image from Unsplash
Upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng nasabing virus, kasama sa paalala ng Department of Health na iwasan muna ang makihalubilo o pumunta sa mga matataong lugar. Mataas kasi ang tyansa na makakuha dito ng virus.
Pinapayuhan rin nila na iwasan muna ang mga mass gathering at pagpulong pulong ng maraming tao sa iisang lugar. Mahigpit na inuutos rin na ugaliin ang social distancing.
Dahil ang virus na ito ay delikado sa mga senior citizen. Sila ang malakas kapitan kasama na ang mga may current medical condition. Kasama na ang mga taong may sakit sa respiratory system katulad ng asthma at iba pa.
Source: GMA News
BASAHIN: Senior namatay sa bahay nang hindi tanggapin sa 6 na hospital na pinuntahan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!