Bottle-fed o dumedede si baby sa bote? 7 senyales na busog na si baby

Walang dapat ipag-alala sa pag-ooverfed kay baby kung exclusively breastfeeding ka. Pero kung si baby ay nagbobottle-feed na ay narito ang mga dapat mong malaman para maiwasang ma-overfed siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalagang maging maalam sa mga senyales na busog na si baby kung pinapadede mo ito sa bote. Maaari kasing makaapekto sa kalusugan at kaligtasan ng iyong anak ang overfeeding sa baby.

Senyales na busog na si baby

Bagama’t gusto nating lumaki nang mabilis at malusog si baby, hindi naman dapat sumusobra ang pagpapadede sa kaniya. Sapagkat ang overfeeding sa baby ay maaaring magdulot ng discomfort o pain sa kaniyang tiyan.

Ganoon din ang paglungad niya ng gatas o pagsuka. Maaaring maging dahilan din ito upang siya ay maging overweight o obese sa katagalan.

Pero paano nga ba malalaman kung busog na si baby?

Ayon sa mga eksperto, ang mga sanggol na breastfed ay hindi maaaring ma-overfed. Ito’y dahil ang mga sanggol na breastfed ay mayroong self-regulation system na nagsasabi sa kanilang dumede nang dumede hanggang sila ay gutom pa at tumigil kapag sila ay busog na.

Hindi katulad ng mga sanggol na dumedede na sa bote o bottle-fed na hindi kayang kontrolin ang gatas na nasisipsip nila. Ito ang isa sa mga sinasabing dahilan ng discomfort o pag-iyak ng isang sanggol na madalas nating inaakala na dahil sa kabag, reflux, allergy o lactose intolerance. Paano nga ba malalaman kung busog na si baby?

Mahalagang malaman natin ang senyales na busog na si baby. Pati na ang mga paraan kung paano ito maiiwasan para sa kaniyang ligtas at maayos na paglaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

Narito ang ilang senyales na busog ng si baby at dapat nang itigil ang pagdede:

  • Madali nang madistract ang baby sa mga nangyayari sa paligid. Kapag tila hindi na ito interesado sa pagdede at gusto nang makipaglaro.
  • Tuwing inilalayo nito ang bote o iniiwas ang bibig sa bote ng gatas. O kaya naman ay iniluluwa ang tsupon tuwing isinusubo ng nagpapadede.
  • Kapag unti-unti nang nagrerelax ang mga braso, binti, at daliri ng bata, senyales ito na busog na si baby at gusto lang magpahinga.
  • Mapapansin na bumabagal ang pagsupsop nito sa tsupon ng gatas. Kapag gutom kasi ang bata ay tila sabik na sabik itong sumipsip ng gatas mula sa bote.
  • Tulad ng matatanda maaaring magreak ang katawan ng baby kapag busog na ito. Kapag narinig mo itong dumigay o tila sininok ay senyales ito na busog na si baby.
  • Kung umiyak ang baby sa umpisa pa lang ng pagpapadede, maaaring hindi pa ito gutom at nagbibigay ng senyales na ayaw pa nitong kumain. Gayundin naman kung umiyak ito sa kalagitnaan ng pagpapadede sa kaniya. Paraan ito ng baby na sabihin na busog na siya.
  • Unti-unti nang nakakatulog ang baby at nawawalan na ng interes sa pagsipsip ng gatas mula sa bote.

Mahalagang bantayan ang mga senyales na ito para maiwasan ang labis na pagpapadede sa bata.

Senyales na overfed na si baby

Ayon sa lactation expert at nurse na si Rowena Bennett, ang mga sumusunod ang signs ng overfeeding sa baby na dapat nating bantayan.

  • Mabigat si baby kumpara sa normal na weight na dapat mayroon siya para sa kaniyang edad.
  • Madalas matamlay si baby at may foul-smelling na dumi.
  • Lagi siyang may kabag.
  • Malakas siyang dumighay.
  • Laging siyang lumulungad ng gatas.
  • Iritable si baby.
  • Hindi siya makatulog ng maayos o mabuti.

Epekto ng overfeeding sa baby

Obesity

Lahat naman ng sobra kung kumain ay maaaring humantong sa obesity. Kapag labis ang pagpapakain sa baby, malaki ang tiyansa na maging obese ito o maging overweight. Ang kondisyong ito ay maaaring magdulot ng iba pang mga sakit sa kaniyang pagtanda. Tulad na lamang ng sakit sa puso at high blood pressure.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gastroesophageal reflux disease (GERD)

Maaaring humantong sa pagkakaroon ng gastroesophageal reflux disease ang overfeeding sa baby. Kapag labis ang gas sa kaniyang tiyan dulot ng sobrang pagdede, tataas din ang kaniyang acidity. Kung may acidity problem na noon pa ang iyong anak, mas titindi ang epekto nito kung siya ay mao-overfed.

Pagsusuka

Isa rin sa senyales na labis ang pagkabusog ng baby kung ito ay nakararanas na ng pagsusuka. Ang mga baby na overfed ay madalas na nasusuka tuwing padededehin ito. Ang chronic vomiting ay maaaring magdulot ng iba pang mga sakit sa pagtanda ng baby.

Mahalagang alamin ang senyales na busog na ang baby para malaman kung kailan dapat itigil ang pagpapadede sa kaniya. Importanteng sapat lang ang dami ng gatas na nakokonsumo nito para sa kaniyang maliit pang bituka. Tandaan na lahat ng labis ay masama.

Dahilan kung bakit na-ooverfeed ang baby

Ang overfeeding sa mga sanggol ay maari namang maiwasan dahil sa ito ay dulot ng mga sumusunod na dahilan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kawalan ng maayos na tulog na nakakaapekto sa kaniyang gana kumain.
  • Pagmi-misinterpret sa pagsa-suck ni baby sa pag-aakalang si baby ay gutom.
  • Dahil sa active sucking reflex o masyadong mabilis na pagdede o pagsipsip ni baby.
  • Hindi makontrol na flow ng gatas sa bawat pagsipsip ni baby.
  • Feeding-sleep association o ang paghahanap ni baby ng dede dahil sa nakasanayan niya na itong bilang kaniyang pampatulog.
  • Kawalan ng kaalaman sa baby cues na ipinapakita ni baby kaya naman kahit ayaw niya na o busog na siya ay pinipilit parin siyang dumede pa.

Larawan mula sa Pexels kuha ni Sarah Chai

Ayon sa article na isinulat ng Healthline, mayroon pang ibang dahilan na maaaring sanhi ng pag-overfed sa baby.

Kung ang mommy ng sanggol ay mayroong postpartum depression, posible umanong mapasobra ang pagpapadede nito sa kaniyang anak. Dahil isa sa mga sintomas ng postpartum depression ay ang hirap sa concentration, posibleng maging makakalimutin ang mommy at mapadede ulit nito ang anak kahit hindi pa oras. Karaniwan din na pagpapadede ang ginagawang paraan ng mga mommy na dumaranas ng depresyon tuwing umiiyak ang kanilang anak kahit na hindi naman gutom ang dahilan.

Kung ikaw ay dumaranas ng depresyon o kaya naman ay may mahal sa buhay na mommy na dumaranas nito, makabubuti ang magpakonsulta sa doktor para ito ay malunasan. Hindi lang banta sa kalusugan ng ina ang depresyon kundi maging sa kaligtasan ng baby.

Sa kabilang banda, posible ring kahirapan ang dahilan ng overfeeding sa baby. May mga nanay kasi na hirap sa buhay o dumaranas ng economic hardship ang nagdaragdag ng kanin sa gatas na ipinapadede sa anak. Ginagawa nila ito para matagal maubos ang gatas o kaya naman ay para matagal ba

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano maiiwasang ma-overfeed ang isang sanggol?

Mahalaga talaga ang breastfeeding sa sanggol. Kung breastfed ang bata tiyak agad na hindi ito magkakaroon ng isyu sa overfeeding. Kaya hangga’t maaari ay pasusuhin sa iyong dibdib ang iyong anak. Pero kung hindi ito posible o nasa sitwasyon kung saan ay kailangan talagang itigil ang breastfeeding at mag-switch sa bottle feeding bantayan ang mga palatandaan kung gutom o busog na si baby.

Ang unang paraan para maiwasan ma-overfed si baby kung siya ay dumedede sa bote, ay padedehin siya sa oras na siya ay gutom na. Itigil ang pagpapadede sa kaniya kapag siya ay busog na.

Signs of overfeeding baby/ Photo by Purnachandra Rao Podilapu on Unsplash

Ang mga madalas na palatandaan na ipinapakita ni baby kapag siya ay gutom na ay ang sumusunod:

  • Ginagalaw niya na ang kaniyang ulo sa magkabilang side.
  • Binubuksan niya na ang kaniyang bibig na parang ready na sa pagdede.
  • Nilalabas niya ang kaniyang dila.
  • Inilalagay niya na ang kaniyang kamay o daliri sa bunganga.
  • Tila sinisipsip niya na papasok ang kaniyang labi.
  • Isinusunod niya na ang kaniyang ulo sa bawat bagay na sumasagi sa kaniyang pisngi.
  • Pag-iyak.

Dapat namang itigil na ang pagpapadede kay baby sa oras na siya ay magpakita ng senyales na siya ay busog na:

  • Tinutulak niya na palayo sa kaniya ang bote o ang iyong suso.
  • Iniaalis niya na palayo ang kaniyang ulo sa bote o sa iyong suso.
  • Iniluluwa niya na ang gatas.
  • Mukha na siyang hindi interesado.
  • Nakakatulog na siya.
  • Humihina na ang kaniyang pagsisip.
  • Nagre-relax na ang kaniyang mga daliri, braso at binti.

Maliban sa pagiging aware sa senyales na si baby ay gutom at busog na, dapat ay malaman din ang normal amount ng gatas na dapat dinedede ng isang sanggol base sa kaniyang edad. Ayon sa Standford Children’s Organization, narito ang amount ng formula at dalas na dapat dumedede ang isang sanggol sa loob ng 24 oras.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby photo created by valuavitaly – www.freepik.com 

Amount ng formula at breastmilk na dapat dinedede ng sanggol

Edad Amount ng formula milk sa kada feeding Bilang ng breast o formula feedings sa loob ng 24 Hours Maximum na dami ng formula feeding sa loob ng 24 hours
Newborn ½ ounce 8 hanggang 12 beses 6 ounces
1 month 2-4 ounces 6 hanggang 8 na beses 24 ounces
2 months 5-6 ounces 5 hanggang 6 na beses 32 ounces
3 to 5 months 6-7 ounces 5 hanggang 6 na beses 32 ounces

Ang overfeeding sa isang sanggol ay hindi lang nangyayari sa mga buwan na siya ay dumedede pa. Maaari rin siyang ma-overfeed kapag siya ay nagsisimulang kumain ng solid foods na.

Sa pagkakataong ito ay maaari pa namang maiwasan na ma-overfeed siya sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga body cues niya. Ang mga signs na kung siya ay gutom pa ba o busog na. Saka siya padedehin nang naayon sa dami ng gatas na kayang i-take ng maliit pa niyang tiyan.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor?

Kung napansin mo na tila nadaragdagan ang timbang ng anak nang labis ayon sa tamang growth curve nito, maaaring kumonsulta sa doktor. Kapag pakiramdam mo ay masyado na itong mabigat para sa kaniyang edad at nagdudulot ito ng pagkabahala sa iyo, pumunta sa doktor at alamin kung normal bai to para sa iyong anak.

Iba’t iba ang growth curve ng bawat bata kaya mahalagang kausapin ang iyong pediatrician. Bukod pa rito, kung nakararanas pagsusuka ang bata tuwing padededehin mo ito, o kaya naman tila hindi ito nabubusog at hindi makatulog sa gabi, magpakonsulta rin sa doktor.

Sa pagtingin ng doktor sa iyong anak, malalaman kung overfed ba ang iyong anak o may iba pang underlying issue na dapat lunasan.

 

Karagdagang impormasyon sinulat ni Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.