Kailangan magsuot ng face mask during sex ngayong may banta ng COVID-19. Ito ang rekomendasyon ng isang doctor mula sa Canada.
Bawal kiss! Face-to-face contact habang nagtatalik hindi recommended ng isang doktor
Ang karaniwang tanong ng ating mga moms and dads, nakakahawa ba ang COVID-19 sa pamamagitan ng sex o pagtatalik?
Pero bago ang lahat, ang virus na COVID-19 ay naipapasa sa pamamagitan ng mga water droplets na nagmumula sa taong infected nito sa pamamagitan ng pagbahing. Nahahawaan nito ang isang tao once na ang maliliit na droplets na ito ay pumasok sa katawan.
Kailangan magsuot ng face mask during sex ngayong may banta ng COVID-19. | Image from Unsplash
Kaya naman rekomendasyon mula sa isang doctor sa Canada na si Canada’s chief public health officer, Theresa Tam, kailangang magsuot ng face mask kapag magtatalik ang isang couple. Sa paraang ito, maiiwasan ang pagkahawa ng COVID-19 sa isa’t-isa.
“Sex can be complicated in the time of COVID-19, especially for those without an intimate partner in their household or whose sexual partner is at higher risk for COVID-19.”
Naiintindihan niya ang pangangailangan ng bawat mag-asawa ngayong COVID-19. Lalo na para sa mga couple na may intimate relationship. Dagdag pa nito na, mas mababa ang tyansa ng COVID-19 kung sasarilinin muna ang sexual activity.
Mataas ang tyansa ng mga couple na nagtatalik kung hindi sila magkasama sa iisang bahay. Expose kasi sila sa public at maaaring asymptomatic o carrier na pala ng COVID-19 ngunit hindi pa nakikitaan ng sintomas. Mahigpit na pinapaalalahanan ang bawat isa na bawal muna ang paghalik. Kasama na rito ang face-to-face closeness. Isa pa ring paraan para maprotektahan ang sarili ay ang pagsusuot ng face mask.
Bukod pa rito, sinabi rin nito na ‘very low likelihood’ ang transmission ng COVID-19 sa pamamagitan ng semen ng lalaki at vaginal fluid ng babae. Ngunit mas protektado pa rin kung gagamit ng condom habang nagtatalik at nakasuot ng facemask.
Iba pang pag-aaral tungkol sa COVID-19 at sex
Payo ng mga eksperto, bawal muna ang yakap at paghalik sa ngayon para maiwasan ang pagkahawa ng COVID-19.
Ngunit para sa mag-asawa, safe ba ang pagtatalik o sex kahit na alam niyong hindi kayo carrier pareho ng COVID-19?
Nakakatawa mang isipin ngunit ayon sa Terrence Higgins Trust, pwede namang magtalik ang mag-asawa ngunit dapat ay iwasan muna ang paghalik at ang posisyon ninyo ay malayo ang mukha sa isa’t-isa. Kung mabuti pa nga ay, kailangan magsuot ng face mask para makasigurong walang contact na mangyayari.
Komplikado siya kung iisipin ngunit kailangan itong isagawa para maging safe. Maaaring ito ay matatawag na ‘New Normal Sex‘ para sa panahon ngayon.
Kailangan magsuot ng face mask during sex ngayong may banta ng COVID-19. | Image from Unsplash
Isa pang rekomendasyon ay ang paggamit muna ng mga sex toy o sex on phone. Wala kasi ditong physical contact na magaganap.
Para makasiguradong safe at secured ka sa COVID-19, iwasan muna ang pakikipagtalik sa ibang tao lalo na kung hindi mo ito kasama sa bahay.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Kailangan magsuot ng face mask during sex ngayong may banta ng COVID-19. | Image from Unsplash
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
South China Morning Post
BASAHIN:
Maaari bang mahawa sa coronavirus through sexual intercourse?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!