X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?

2 min read
Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?

Ating alamin kung ano ang ibig sabihin ng iba't-ibang mga sex dreams, at kung paano ito nakakaapekto sa relasyon ninyong mag-asawa.

Sinasabi nila na ang mga panaginip raw ay may itinatagong mga bagay tungkol sa atin. Ngunit paano kung nagkaroon ka ng sex dreams? Ano nga ba ang ibig sabihin nito?

Kapag nanaginip ka ba na nangangaliwa ang iyong asawa, ibig sabihin na unfaithful siya sayo? Paano naman kung ikaw ang nangangaliwa sa panaginip mo? Ating alamin kung anu-ano ang mga ibig sabihin ng mga panaginip na ito, at kung ano ang epekto nito sa pakikisama mo sa iyong asawa.

Ano ang ibig sabihin ng mga sex dreams?

1. Pag napanaginipan mong nangangaliwa ang iyong asawa

Kung napanaginipan mo na nangangaliwa ang iyong asawa, hindi nito ibig sabihin na may tinatago siya sa’yo. Ang posibleng paliwanag dito ay nakakaramdan ka ng insecurity sa inyong relasyon.

Sa mga ganitong sitwasyon, mahalagang unawain mo kung may problema ba kayo ng iyong asawa. Baka wala ka masyadong tiwala sa kaniya, o kaya masyado kang selosa. Mahalagang harapin ninyo ang mga problemang ganito kaysa pabayaan lang at lumala pa.

2. Pag napanaginipan mong nakikipagtalik ka sa iyong ex

Kapag napanaginipan mo ang iyong ex, hindi naman nito ibig sabihin na gusto mong makipagbalikan. Ang ibig sabihin nito ay baka may mga nararamdaman kang takot sa relasyon mo ng iyong asawa, na naranasan mo sa ex mo. Posible rin na mayroon ka pang mga feelings na hindi naaayos tungkol sa isang nakaraang relasyon.

Sa mga ganitong pagkakataon, mabuting hayaan mo na lang at subukang kalimutan ang mga feelings na ito. Normal lang makaranas ng ganito, at hindi mo ito dapat gaanong ipag-alala.

3. Kapag nakikipagtalik ka sa kaparehas mo ng kasarian

Nakakapagtaka rin kapag nanaginip ka na nakikipagtalik ka sa parehas na kasarian, kahit alam mo na straight ka. Ang posibleng paliwanag dito ay mayroon silang katangian na nais mong meron ka din. Kumbaga, isa itong simbolo ng mga gusto mong baguhin sa iyong sarili, o kaya ang mga bagay na gusto mong maging iyo.

4. Nanaginip ka na nakikipagsex sa mga kaibigan

Medyo ‘weird’ mapanaginipan na ikaw ay nakikipagsex sa isang kaibigan. Ngunit sa katotohanan ay hindi nito ibig sabihin na may pagnanasa ka sa iyong mga kaibigan. Ang ibig sabihin lang nito ay malapit sila sa iyo, at gustong-gusto mo silang nakakasama.

Sadyang may mga pagkakataon na weird lang ang mga panaginip ng tao, at isa na ito sa mga pagkakataon na ‘yun.

 

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

Source: Women’s Health

Basahin: What do your strange pregnancy dreams really mean?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng mga sex dreams?
Share:
  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

    When Love Hurts: What We Can Learn From the Meiko and Patrick Cheating Controversy

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko