Tulog na ang mga bata, naka-lock na ang pinto, ready na si mister—ngunit paano ito? May bisita pa si misis! Pwede ba mag sex kahit may period? Pwede ba iputok kapag may regla? Mabubuntis ba ako?
Maraming nag-aatubiling makipagtalik dahil makalat, maaaring matagusan, at sa totoo lang, medyo kadiri talaga ang dugo. Ngunit huwag mag-alala, posible pa rin ang sex kahit may period!
Ayon sa isang survey noong 2016, 55% ng mga natanong na mga babae at lalaki ang nagsabi na normal lang magtalik kahit na may regla ang babae.
Sa katunayan, may mga nagsabing nagustuhan nila ang experience na ito. Bukod sa karamihan ng mga babae ay mas nalilibugan talaga tuwing may period.
Nakakabuntis ba kapag ng may regla? | Image from Freepik
Pwede ba mag sex kahit may period?
Ayon kay Dr. Mary Jane Minkin, propesor sa Yale University, kung kalusugan ang pag-uusapan, wala naman daw masamang mangyayari kung mag sex kahit may period. Ngunit, dagdag nito, mas madali lang kumalat ang bacteria na nagdadala ng chlamydia o gonorrhea (tulo). Ang solusyon? Condom!
Kung nais niyo pa rin mag sex kahit may period si misis, kailangan muna siyempreng sabihin kay mister para alam niya na may dalaw ka. Isaisip lang din na may consequence ang sex kahit period dahil tataas ang risk factor na magkaroon ng impeksyon ang mag-asawa. Prone rin kasi ito na magkaroon ng STD (sexually transmitted diseases) at HIV (human immunodeficiency virus).
Benepisyo ng pakikipagtalik habang may period
Narito ang ilang mga benepisyo ng pakikipagtalik habang may regla, ito ay ang mga sumusunod:
1. Nakakatulong ito sa sintomas habang may mens
Para sa ilang mga babae, ang orgasm na natatanggap mula sa pakikipagtalik ay maaaring magdulot ng paglabas ng mga kemikal tulad ng endorphins, na maaaring makatulong sa pag-alis ng mga sintomas ng dysmenorrhea o masakit na regla. Ito ay maaaring magdulot ng pansamantalang kaginhawaan mula sa sakit at pamamaga ng puson.
2. Pagkakaroon ng natural na lubrication
Ang ilang mga babae ay maaaring magkaruon ng natural na lubrikasyon sa kanilang reproductive system kapag sila ay may regla. Ito ay maaaring makatulong sa mas komportableng pakikipagtalik.
3. Pampatanggal stress
Ang orgasm mula sa sexual activity ay kilala rin na maaaring makatulong sa pagtanggal ng stress at pag-aalis ng tensyon sa katawan.
Ito ay maaaring maging isang mahusay na paraan upang magkaruon ng mas mataas na kalidad ng buhay sa kabila ng mga sintomas ng regla.
4. Maaari makutolong ito sa mga migraine attacks
Ang pakikipagtalik habang may period ay maaari umanong makatulong para sa mga babaeng may migraine. Sa isang pag-aaral noong 2017 ayon sa NCBI, halos kalahati ng mga babaeng may migraine ay nakakaranas ng migraine attacks kapag sila’y may period o regla.
Kaya naman natuklasan sa isang study na ang mga babaeng nakikipagtalik habang may regla ay nakakatulong para tuluyang ma-relieve sa mga migraine attacks na ito.
5. Pagkakaroon ng mas maiksing araw ng period o regla
Pwede ba mag sex kahit may period?
Ang pakikipagtalik habang may period ay makakatulong din para magkaroon ng mas shorter period days. Sapagkat ang pagkakaroon ng orgasm ay nakakatulong para mailabas ng mas mabilis ang mga uterine contents, na maaaring magresulta sa mas maikling araw ng period o regla.
Disadvantage ng pakikipagtalik habang may regla
Ayon sa Healthline, ang isa sa mga disadvantage dala nito ay ang pagkakaroon ng mataas na tiyansa sa pagkakaroon ng sexually transmitted disease (STD). Ang paggamit ng condom sa pakikipagtalik ay makakatulong para mabawasan ang ang risk sa pagkakaroon ng STD.
Gayunpaman, mahalaga ring tandaan na ang reaksyon ng bawat tao sa pakikipagtalik habang may regla ay iba-iba. May ilang mga babae na maaaring hindi komportable sa ideya nito, o maaaring magkaroon ng mas matinding mga sintomas na nagpapahirap sa kanilang pakikipagtalik.
Ang mahalaga ay ang pagiging bukas sa komunikasyon sa iyong partner, pagkakaroon ng respeto sa bawat isa, at pag-unawa sa pangangailangan at kagustuhan ng isa’t isa. Kung may mga alalahanin o katanungan, maari ring magkonsulta sa doktor para sa karagdagang impormasyon at payo.
Pwede ba iputok kapag may regla? Mabubuntis ba ako?
Pwede ba iputok kapag may regla? Ayon sa mga eskperto, hindi rin ibig sabihin na kapag nag sex kahit may period, hindi na mabubuntis.
“May mga babae na sa tingin nila hindi sila mabubuntis kapag nakipagtalik sila habang may period sila. Hindi ito totoo.
Ang sperm ng lalaki ay maaaring manatili sa katawan ng babae ng ilang araw at kung maaga kang nag-ovulate sa buwang iyon, malaki ang tsansa na mabuntis kung walang contraception.”
So, paano nga magkaroon ng masarap na sex kahit na may period? Heto ang mga tips, ayon sa Women’s Health:
1. Gamitin ang extra dulas sa iyong advantage
Imbis na alalahanin ang mga lumalabas na dugo, isipin na advantage ito dahil nagiging parang lubricant ito. Nakakatulong ang pagtatalik para maibsan ng sakit ng ulo o puson habang may bisita ka.
2. Ihanda ang kama
Kung inaalala mo natagusan ang bedsheet habang kayo ay nagtatalik ni mister, maglagay ng dark-colored towel bilang sapin.
Pwede ba mag sex kahit may period? | Image from Freepik
3. Dalihin ang pagtatalik sa banyo
Kung tamad kang maglaba ng natagusan na twalya, bakit hindi niyo dalihin ni mister ang sex sa shower? Mas magiging exciting din ang pagtatalik ninyo dahil wala kayo sa nakagawian na kama.
4. Planuhin mabuti
Tanggalin ang napkin o tampon, kapag magtatalik na. Sa totoo lang, hindi naman babaha ng dugo kapag tinanggal mo ito. Hindi naman lumalabas ang dugo nang tuloy-tuloy. Pabugso-bugso naman ito. Bukod pa rito, kung patapos na ang regla mo, mas hindi rin ito magiging makalat.
Nakakabuntis ba kapag ng may regla? | Image from Freepik
May mga mesntrual cup na hindi kailangan tanggalin habang nagse-sex—siguraduhin na basahin ang instructions na kalakip ng produkto. Nananatili ito sa loob upang saluhin ang dugo kahit nagtatalik kayo ni mister.
Ang pinaka-mainam na posisyon para hindi makalat ay ang missionary o kung saan nasa tuktok si mister. Ito ang posisyon na pinaka-safe para hindi ka matagusan. Ngunit kung mas kumportable kayo sa ibang posisyon, gawin niyo iyon dahil ang pinaka-importante ay mag-enjoy kayo ni mister.
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!