Sa mga mag-asawa, mag partner at in a relationship status, mahalaga ang trust at give and take para buuin at patibayin ang isang relasyon. Mahalaga rin na nasa-satisfy ang isa’t isa dahil ang pagpasok sa relasyon ay isang commitment. Kinakailangan din dito ng effort at energy, kasama na ang pangangalaga sa physical at mental health ng bawat isa.
Sa mga kasalukuyang pag-aaral, tinitignan ang pakikipagtalik o romansa at sexual activities bilang isa rin sa mga factor ng pagpapatibay ng relasyon.
Sa modern age natin, ang sex ay hindi na taboo para pag-usapan. Lagi na itong iniuugnay sa usapin ng health at laging may gabay sa maingat or safe sex.
Pero, paano nga ba nagiging factor sa pagpapatatag ng relationship ang sex at romansa?
Relasyon ng mag-asawa at romansa
Sa usapin ng romansa at relasyon ng mag-asawa, may pagko-consider din na nangyayari pagdating sa pangangailangan. May mga partner na dahil wala sa mood at inuuna ang sariling pangangailangan at meron din namang inuuna ang pangangailangan ng kanilang partner o asawa.
Ang mga ganitong sitwasyon ay nagdudulot ng mas less satisfaction kapwa sa mag-partner. Kailangan maging mutual palagi ang ganitong usapin para mas maging matibay ang relasyon ng mag-asawa.
Imahe mula sa | pexels.com
Kaakibat nito, ayon sa relationship researchers na sina John at Julie Gottman, natuklasan nila na ang mga mag-asawa na may masayang sex life at mas passionate ay kadalasang sincere sa mga sinasabi sa isa’t isa.
Gayundin kapag mas open silang pag-usapan ang tungkol sa kanilang pagtatalik. Napatunayan din nilang mas malakas ang orgasm at mas positibo ang pakiramdam sa pagtatalik.
Sex bilang factor sa pagpapatibay ng relasyon
Nati-trigger ng sex at romansa ang oxytocin. Ang oxytocin ay kilalang hormones na nakakatulong sa pag-boost ng trust at bonding. Ayon sa narebyung pag-aaral ng Psychology Today, hindi lang nakakatulong ang oxytocin sa matibay na relasyon, kundi maging sa pag-iwas na mag cheat ang isa sa mag-partner.
Kaugnay nito, ang “pillow talk” ay nakakatulong din na makapag-open up ang mag-partner pagkatapos ng romansa. Dito mas nabi-build ang relasyon at mga pangangailangan na inoopen up ng bawat isa.
Tandaan
Ang sex ay isang bagay rin na kailangan ng consent, hindi lang sa married couples, kundi maging sa mag boyfriend and girlfriend din. Isang bagay rin ang pag papractice ng safe sex para mas healthy ang inyong relasyon.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!