8 Amazing Sex Positions Kapag Maliit ang Ari ni Mister

Hindi naman hadlang ang pagkakaroon ng maliit na ari sa inyong sexy time basta alam mo kung anong posisyon ang makakapagpasaya sa iyong partner.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliit ang ari ni mister? Subukan ang mga sex positions na ito para maging mas masaya ang inyong sexy time.

Mababa sa artikulong ito:

  • Ano ang average size ng ari ng mga lalaki?
  • Mahalaga ba sa mga babae ang size ng ari ng lalaki?
  • Sex positions na nirerekomenda kapag maliit ang ari ni mister

Nakakatulong sa pagsasama ng mag-asawa ang pagkaroon ng healthy at satisfying na sex life. Kaya naman mahalaga na mapapaligaya mo ang iyong partner kapag nagtatalik kayo.

Para sa mga lalaki, importante ang napapaligaya nila ang kanilang misis pagdating sa sex. At karaniwang naiuugnay ang pagiging magaling sa kama sa laki ng ari ng isang lalaki. Nakakadagdag rin kasi ito sa kanilang confidence at sa kanilang palagay, sa kanilang sex appeal.

Paano mo masasabing may maliit na ari ang iyong partner?

Kung hindi ka naman sexually active dati at wala kang pagkukumparahan, hindi mo naman talaga malalaman kung maliit ang penis ng iyong partner maliban na lang kung siya mismo ang nagsabi nito.

Pero ano nga ba ang “tamang” laki o haba ng ari ng isang lalaki?

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2015, ang average na penis size ng isang lalaki ay nasa 5.16 inches. Kung ang ari ni mister ay mas maiksi kaysa rito, masasabing statistically, ito ay mas maliit kaysa sa karaniwang haba.

Wala namang paraan para mapahaba ng isang lalaki ng isang ari dahil ito ay nakadepende sa kaniyang genes, hormones at nutrisyon. Bagama’t may paniniwala na kapag binabanat ang ari ay lalaki ito, kaunti lang naman ang pwede nitong maitulong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit mahalaga ba talaga ang liit o haba ng ari ng lalaki sa pagkakaroon ng masayang sex life?

Mahalaga ba kay misis kung may maliit na ari si mister?

Larawan mula sa Unsplash

Taliwas sa iniisip ng mga kalalakihan, “Size doesn’t matter” pagdating sa kanilang mga partners. Sa katunayan, ayon sa mga pag-aaral, walang masyadong pakialam ang mga kababaihan sa laki o liit ng ari ng kanilang sexual partners.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Some men make the mistake of comparing themselves to porn stars—the Olympic athletes of sex—and that just isn’t realistic,” ani Dr. Holly Richmond, isang license marriage and family therapist at certified sex therapist.

Sa kaniyang practice, natuklasan niya na hindi naman ang laki ng ari ang gusto ng mga kababaihan kundi ang performance at ugali niya habang nakikipagtalik.

“In my therapeutic experience, most women do not talk about wanting a man with a big penis. They talk about wanting a man who is good in bed. That means someone who is communicative, takes his time, and is attentive to her needs.”

Hindi naman kailangang maging hadlang ang pagkakaroon ng maliit na ari sa inyong sex life. Hindi rin ibig sabihin na kapag maliit ang iyong ari ay hindi mo mapapaligaya si misis.

Bagama’t mayroong mga ilang sex positions ang mahirap gawin, marami pa rin namang mga sex positions para na makakapagbigay ng pleasure sa mag-asawa.

BASAHIN:

7 sex positions na makakapagpaligaya kay misis

Mom confession: “Nagkaroon ako ng vaginal tear dahil sa rough sex with my husband”

Magkaiba ba ang hilig ninyo ni mister pagdating sa sex? Hindi ito dapat maging problema!

Sex positions para sa may maliit na ari

1. Two spoons

Sa spoon position, nakahiga ng magkatabi si misis at si mister. Sa likod ang pasok ni mister, dahil sa posisyong ito ay mas naaabot niya ang G-spot ni misis. Nagkakaroon ng deep penetration o mas malalim rin ang pasok ni mister, kaya mainam ang posisyon na ito kapag hindi gaanong “well-endowed” si mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Doggy style

Ang rear entry o mas kilala sa tawag na doggy style ay isang “classic” na sex position. Si misis ay nakaposisyon na parang nakatuwad o naka “all fours) habang sa likod naman ang pasok ni mister.

Dahil sa palikod na anggulo nito, mas malalim ang pasok ni mister, at mas mararamdaman ni misis ang bawat thrust ni mister. Siguradong magugustuhan ito ni misis, kahit ano pa ang size ng ari ni mister!

3. Reverse cowgirl

Ang mga “woman on top” na positions ay epektibo para sa mga lalakeng hindi malaki ang ari. Ito ay dahil mas may kontrol si misis, at mas maganda ang posisyon niya upang tamaan ang kaniyang G-spot.

Kabilang na rito ang reverse cowgirl kung saan ay sa halip na nakaharap sa iyo si misis, nakatalikod siya. Okay ang posisyon na ito dahil mas naaabot ang G-spot, at may kontrol si misis sa bilis, lalim, at direksyon ng pagpasok.

4. Woman on top

Ito ang pinakaepektibo at pinaka-straightforward na position para sa mga mister na hindi malaki ang mga ari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay dahil puwedeng ma-stimulate ni misis ang kaniyang clitoris, at maaari rin niyang kontrolin ang posisyon, lalim, at bilis ng pagpasok ni mister. Ibig sabihin, mas mapapalapit siya sa pagkakaroon ng orgasm, at hindi kinakailangan na magkaroon ng malaking ari para masarapan sa position na ito.

5. Face off

Larawan mula sa Unsplash

Isang bagay na nakakatulong sa maligayang pagtatalik ay kapag ramdam mo na konektado kayo ng iyong partner. Sa posisyong ito, siguradong mararamdaman ng mag-asawa na konektado sila sa isa’t isa.

Uupo si mister sa dulo ng kama at uupo si misis sa kaniyang ari nang nakaharap sa kaniya. Masisiguro nito ang deep penetration at clitoral stimulation ng babae. Makakatulong rin ang karagdagang foreplay dahil pwede mong halikan ang iyong asawa o hawakan ang mga erogenous zones niya habang nasa posisyong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. Legs on shoulders o knees on chest

Sinisigurado ng posisyon nito ang maximum penetration kaya naman talagang masasarapan kayong mag-asawa sa posisyon na ito.

Ito ay may pagkakapareho sa missionary position kung saan nakahiga si misis at papasok mula sa ibabaw si mister. Subalit sa posisyong ito, itataas ni misis ang kaniyang mga paa (hangga’t sa kaya niya, kung maari, malapit na ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib) at papasok si mister nang nakaluhod.

Maganda ang posisyong ito dahil nakataas ang balakang ng babae at maaring kontrolin ng lalaki ang lakas ng kaniyang thrusts. Mas magandang gawin ang posisyong ito sa isang carpeted na sahig o couch.

7. Flat iron

Ito ay isang rear entry position na nirerekomenda rin kapag may maliit na ari ang lalaki.

Padapain si misis kung saan magkadikit ang kaniyang mga binti. Para makatulong sa penetration, maglagay ng unan sa kaniyang balakang para bahagyang nakataas ito. Sa likod naman papasok si mister.

Dahil ang balakang ni misis ay mas nakasara, magkakaroon ng mas matinding friction sa kaniyang vaginal wall. Habang pinagdidikit niya ang kaniyang mga binti, lalong sisikip ang pakiramdam ay madadagdagang ang pleasure na nararamdaman ng mag-asawa..

8. Oral sex

Ang isa pang tip para sa mga mister na may maliit na ari ay ang pagbibigay ng oral sex kay misis. Hindi naman kinakailangan na ma-penetrate si misis upang siya ay magkaroon ng orgasm.

Sa katunayan, posible pa nga na mas mapadalas ang orgasm ni misis kapag binibigyan siya ng oral sex kumpara sa penetrative sex!

Larawan mula sa Pexels

Habang sinusubukan ang mga posisyong ito, huwag kalimutang tanungin ang iyong partner kung komportable ba siya rito. Kung hindi, maari namang sumubok ng ibang posisyon.

Para sa mga mister: huwag mag-alala kung hindi kalakihan ang iyong ari. Huwag ma-insecure at huwag ring ikumpara ang iyong sarili sa iba. Hindi naman ito gaanong mahalaga pagdating sa pakikipagtalik. Ang mas importante ay ang iyong confidence, maayos na komunikasyon at ang iyong willingness na sumubok ng mga paraan para mapaligaya si misis.

Source: Health.com, Men’s Health, Women’s Health Mag

 

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara