Base sa bagong pag-aaral, isa raw sa bawat tatlong adults ang nagpa-fantasize ng kanilang sexual desire sa mga taong kinagagalitan nila.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- ‘The more you hate, the more you love’ pagdating sa sexual desire, ayon sa isang survey
- Mahalaga nga ba ang pakikipagtalik sa mag-partner?
‘The more you hate, the more you love’ pagdating sa sexual desire, ayon sa isang survey
Pagdating sa pakikipagtalik, ano nga ba ang iyong sexual desire? Sino ang naiisip mo sa tuwing nagi-imagine ka tungkol sa pakikipagtalik? Ayon sa isang pag-aaral, sa tuwing tinatanong daw ang adults patungkol dito ay bihirang sinasabi nila ang kanilang partner o kaya ang kanilang celebrity crush.
Bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong fantasies ang isang tao? Ang ganitong fantasies ay nakaugnay sa Bondage, Discipline, Dominance, Submission, Sadism, and Masochism o BDSM lalo na sa dominance at sadism. Nagkakaroon ng ganitong arousal ang mga tao dahil sa pakiramdam ng pagkakaroon ng degree of control at power patungo sa isang indibiduwal.
Maaari rin itong konektado sa pagkakaroon ng mababang self-esteem. Dahil para sa kanila ang idea ng pagpapantasya sa kanilang kaaway ay isang uri ng self-punishment at hindi nila deserve ng partner na minamahal sila.
Isa sa maaaring dahilan rin ang pagkakaroon ng thrill sa pakikipagtalik. May mga tao kasing patuloy na naghahanap ng sensation lalo sa mga bagay na pinagbabawal o hindi dapat ginagawa sa normal na gawain. Nakadadagdag ng fantasy ito para sa kanila.
Dahil sa mga dahilang ito, inalam ng mga researcher sa 4,175 participants na American adults ang pagpa-fantasize nila pagdating sa sex. Lumabas sa resulta na 31 percent sa mga adult na ito ay minsan nang nag-fantasize sa kanilang kaaway. At 3 percent dito ang madalas na ginagawa ito.
Pagdating sa gender, 18% sa mga heterosexual women ang nagawa na ito dati at 1% naman ang madalas nang gawain ang mag-fantasize sa kanilang kinagagalitan. Samantalang sa heterosexual men naman ay 31% ang nagpa-fantasize sa kanila dati at 4% ang madalas nang ginagawa ito.
Kung ang sa usapin naman ay sa gender ng mga gay at bisexual men, 35% dito ang nagawa na ito noon at 3% naman ang madalas na gawain na ito. Habang sa trans at non-binary naman ay 31% ang porsyento ng nagpa-fantasize sa kanilang kaaway at 4% ang gawain na ito nang madalas.
Ang pagkakaroon daw kasi ng matinding emosyon tulad ng galit at pagkadismaya sa isang tao ay nakapagpapataas ng sexual attraction. Base sa paliwanag ng mga social psychologist, kung minsan daw ay napagkakamalan ng mga tao na ang mga strong emotion na ito ay sexual arousal.
BASAHIN:
Ilang tips sa sex para maglevel-up ang experience ng mag-asawa sa kama
Mahalaga nga ba ang pakikipagtalik sa mag-partner?
Madalas napag-uusapan ang emotional relationship sa mag-partner, pagdating sa usapin ng sex maituturing nga bang mahalaga rin ito sa mag-partner? Ang kasagutan ay walang konkretong oo at hindi,
Hindi naman talaga kailangan ang sex upang magtagal na ‘healthy’ ang isang relationship. Marami kasing dahilan kung bakit hindi nagugustuhan ng isang tao na makipagtalik. Iyong iba ay mayroong mababang sex drive o libido, may pinagdadaanang medical condition, paniniwala sa religion, o kaya ay gustong matapos na ikasal makipag-sex.
Sa iba namang magkakarelasyon ay importante ito dahil sa iba’t iba ring dahilan. Ang ilan sa mga dahilan ay:
- Pagkakaroon ng sexual connection sa kanilang partner.
- Kagustuhang magkaroon ng bond sa isa’t isa.
- Sa ganitong paraan nila napapakita ang ang kanilang love and affection sa kanilang karelasyon.
- Nakukuha nila ang pleasure at fun sa tuwing nakikipagtalik.
- Goal ng mag-partner na magkaroon na ng anak.
- Nakapagpapataas ng kanilang self-confidence at self-esteem.
- Nakawawala ng stress.
- Nagsisilbing regular na exercise nila.
- Nakapagpapa-improve ng immune system.
- Tinitignan nila ang sexual compatability sa isa’t isa.
Ilan lamang ito sa rason ng mga ayaw o gustong nakikipagtalik sa kanilang karelasyon. Mahalagang alamin talaga din ang sexual compatibility makipagtalik man ngayon o kung matapos man ikasal. Lalong importante ito kung mayroong plano ang magkarelasyon na magkaroon ng anak. Isa sa susi nito ay ang healthy na communication sa partner upang maging bukas kayo sa mga nais at hindi nais lalo sa pakikipagtalik.
Ang katanungan kung mahalaga ba ang sex sa mag-partner ay nakadepende pa rin ang kasagutan sa bawat coupl. Kung ano ang nais nilang gawin na tingin nila ay makapagpapa-develop pa lalo ng kanilang relasyon. Dapat lang tandaan din ng magkarelasyon na bagaman parte ng relasyon ay hindi dapat dito tumatakbo ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.