Shaira Diaz sa engagement nila ng aktor na si EA De Guzman: “From ‘me’ to ‘we’, to FOREVER ?”

EA may sweet na mensahe sa kaniyang fiancée sa kanilang 11th anniversary bilang magkarelasyon.

Shaira Diaz engaged na sa long-time boyfriend at aktor na si EA De Guzman.

Mababasa dito ang sumusunod.

  • Shaira Diaz engaged na kay EA De Guzman.
  • Mensahe ni EA kay Shaira.

Shaira Diaz engaged na kay EA De Guzman

ea de guzman at shaira diaz engaged na

Larawan mula sa Facebook account ni Shaira Diaz

Nitong Biyernes ay nagulat ang marami sa Instagram post ng aktres na si Shaira Diaz. Si Shaira nag-share ng mga larawan nila ni EA De Guzman na kung saan makikita ang backdrop na “Will you marry me?”

Si Shaira makikitang naluluha sa mga larawan. Ito nga ay nilagyan niya pa ng caption na “From ‘me’ to ‘we’, to FOREVER 💍” na mas kinakilig ng kanilang mga followers.

Ibinida niya rin sa kaniyang IG post ang princess-cut diamong ring na ginamit ni EA sa wedding proposal niya sa longtime girlfriend.

 

Base naman sa isa sa mga post ni EA sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi niya na December 25, 2021 pa sila engaged ni Shaira. Ibinahagi niya rin ang video ng ginawa niyang proposal noon sa aktres.

shaira diaz at ea de guzman engagement

Larawan mula sa Facebook account ni Shaira Diaz

Mensahe ni EA kay Shaira

Sa mga sumunod niyang Instagram post ay ibinahagi naman ni EA ang naging prenup shoot nila ni Shaira. May mensahe rin siyang ibinigay sa aktres bilang pagdiriwang sa kanilang 11th anniversary bilang magkarelasyon.

“My Fiancée 💍

Thank you for 11 YEARS of unwavering love, my rock, my everything. The best is yet to come. Always grateful for you @shairadiaz_ Happy Anniversary!”

Ito ang caption ng isa sa mga IG post ni EA na ibinibida ang maganda niyang fiancée at ang diamond ring na ibinigay niya dito.

Si Shaira maikli pero makahulugan naman ang naging reply sa post na ito ni EA.

“Habangbuhay❤❤❤”, sagot ni Shaira.

Una ng ibinahagi ni Shaira na gusto niyang mapakasalan si EA bago siya grumaduate sa kolehiyo. Si Shaira nakatakdang magtapos sa college nitong Agosto.

Ang pagmamahalan ni Shaira at EA nagsimula ng magsama sila sa isang reality show. Ito ay mas yumabong pa ng naging madalas ang pagsasama nila sa mga mall shows.

shaira diaz at ea de guzman

Larawan mula sa Facebook account ni Shaira Diaz

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!