Nung nalaman kong buntis ako, iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko. Nag-aaral pa kasi ako that time and buti na lang talaga online class kami noon dahil sa pandemic. Kaya naipagpatuloy ko ‘yong pag-aaral ko.
I was 21 years old at that time and wala pa akong plano sabihin sa parents ko or even my friends kase feeling ko parang ang aga kong nabuntis (fyi guys, I am independent woman actually since 17 years old tumayo na ako sa sarili kong paa dahil kailangan).
My pregnancy journey
My 1st trimester was really really hard kase ultimo ‘yong gustong gusto kong kainin is isusuka ko rin and grabe ‘yong hilo, sakit ng ulo, maya’t maya ang pagsusuka ko. Pagkatapos napaka-sensitive ko sa mga maaamoy ko and bigla-bigla na lang nag-iiba ‘yong mood ko and ‘yong paglilihi? Grabe talaga.
Minsan naiiyak na lang ako kasi grabe talaga ‘yong pinagdadaanan ko at totoo talaga ‘yong sinasabi nila na napaka-emosyonal ng mga buntis.
Iyong tipong ang babaw lang grabe na tawa ko and kapag may napanood ako na something or nakita bigla nalang akong maiiyak basta hindi ko rin ba maintindihan and mga momsh, andami kong mga bagay na iniwasan para sa health namin dalawa ni baby.
And ganon pala ‘yong pakiramdam no? Kapag nakita mo ‘yong baby mo I mean not actual but thru technology like ultrasound, parang maiiyak ako that time nung nakita ko si baby sa screen and dun ko lang na feel and na-realize na mommy na pala ako.
Ang sobrang sarap sa pakiramdam na tipong parang ang sarap ng iluwal ni baby dahil sa excitement na gusto mo na siyang makita sa personal. Share ko lang sainyo mga mamsh na, sobrang swerte ko sa partner ko dahil talagang prinovide niya ‘yong mga needs namin ni baby simula sa milk, vitamins, check-ups and etc.
Ultimo check ups ko, lagi siyang kasama kahit late na siya sa work talagang sasamahan nya ako at ihahatid sa bahay pauwi, kung ano gusto ko binibigay niya and sobrang bait pa and responsableng tao talaga siya.
Plus, ang swerte ko rin sa biyenan ko dahil napaka-bait din, very supportive and caring minsan nga parang ako ung mas anak nya kesa dun sa partner ko and wala akong masabe sa biyenan ko na ‘yon dahil sa kabutihan ng puso nya.
Back to my journey, 2nd trimester ko is parang medyo okay okay na dahil nakakakain na ko ng mga gusto kong pagkain na hindi ko sinusuka, ‘yon nga lang lumalaki na ang tiyan ko.
Kaya medyo mabigat na sa pakiramdam and dun ko nafi-feel na nahihirapan nako maligo kasi ang nahihirapan nakong sabunin mga paa ko ganon at nag-start na rin akong umihi ng madaling araw.
Pagsapit ko ng 6 months nagsimula ako mag-exercise dahil siyempre ayaw nating mahirapan manganak ‘di ba. Then sa 3rd trimester, ay grabe mga mamsh nung 2nd trimester kaya kaya ko pa magsabon sa paa kahit medyo hirap pero nung 3rd trimester na.
Larawan mula sa Shutterstock
Naku po sobra-sobra ang hirap and kailangan pa mag-ingat baka madulas sa cr, and sobrang maya maya ‘yong pag-ihi ko, pati sa madaling araw maya-maya ihi ko. Grabe rin dahil nangingitim na ‘yong mga mata ko dahil sa eyebags ko dahil nga may times na hindi pako naaantok at napuputol ang tulog ko dahil nagigising nga ako sa madaling araw para umihi)
Isa rin sa mga worst na na-experience ko ay iyong magka-cramps ‘yong mga paa ko and nagigising talaga ako sa madaling araw dahil sa sobrang sakit ng paa ko.
Samahan pa na ang hirap huminga kasi feeling ko nalulunod ako kapag hihiga or nakahiga na ako dahil nga malaki na ang tyan ko. Parang araw-araw ata ng kada hapon is lakad-lakad ako para’ di mahirapan sa pag-labor and kinakausap ko si baby na huwag pahihirapan si mommy.
Ang pagle-labor ko
Larawan mula sa Shutterstock
Mga mamsh sobrang hirap mag-labor, bale 9 hours ako nag=labor sa baby ko and napagdaanan ko ata lahat ng cm. Simula 2,3,4,6,7,9 up to 10 cm ang na-experienced ko bago lumabas si baby. Grabe rin ang IE mga mamsh kasi maya-maya nila ako ina-IE ang sakit na ng pwerta ko sa kaka-IE pero tiis talaga para kay baby.
And sobrang sarap sa pakiramdam na nailabas ko na si baby ng healthy at maayos and grabe na excitement ko nun makasama ang baby ko kase gustong-gusto ko na siya yakapin,halikan,padede-in.
Dahil sa malaki ang baby ko hanggang puwet ang tahi ko mga mamsh and ang nakakangilo pala kapag nililinis ang matres at ang sakit ng tahi. Kayo mga mommy ano ang pregnancy journey at labor stories niyo?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!