Ipinakita ni “Mega Star” Sharon Cuneta sa kanyang bagong Youtube vlog ang kanyang watch collection.
Sa pagsisimula ni Sharon Cuneta, sinabi niyang gusto niyang ibahagi sa kanyang mga fans ang mga relong may mahalagang meaning sa kanya at mahal raw talaga niya.
Mga relo ni Sharon Cuneta
-
Classic Omega watch
Ang relong ito umano ang namana niya pa sa kanyang nanay na namana pa nito sa kanyang ama. Noong nasira umano ito ay naghanap talaga si Sharon Cuneta ng paraan upang maayos ito.
“Noong nasira po, pinilit kong magpahanap ng face niya, ‘yung dial niya. Wala na pong mahanap. But we were able to find a Rolex na kapalit.”
Naglalaro ang preso nito sa $21,000 o Php 1,000,000 mahigit sa ating pera
-
vintage 1970’s Corum
Screen capture from Sharon Cuneta’s Youtube channel
Isa itong swiss brand at ibinigay umano ito ng kanyang tatay noong siya’y grade 4 pa lang. Ito raw ang unang relo na ibinigay sa kanya ng ama kaya naman mahalaga para sa kanya ito. Mayroon itong solid gold at diamond sa bawat corner.
Pagkukuwento pa niya “When I brought this to Zurich when I had my concert tour in Europe, which was in 2011 or 12, I think, I wanted to have it refurbished kasi luma na siya… Sabi nila don’t touch it because they don’t make it like this anymore. So iba ang craftsmanship na pumasok dito.”
Nagkakahalaga ito ng $11,000 o higit pa, sa ating pera ay aabot ito ng Php 500,000
-
1950’s Girard-Perregaux and Rolexes
Screen capture from Sharon Cuneta’s Youtube channel
Isa rin sa mga paborito na relo ni Ate Shawie ang relo na mula sa kanyang nanay. Siya raw ang bumili nito para sa ina noon. Pero namana rin niya ito nang mamatay ang kanyang nanay. Mayroon itong diamonds at saphhires. Nagkakahalaga rin ito ng Php 1,000,000 o higit pa
-
Cartier Ballon Bleu
Ang relo naman na ito ay nabili niya na may purple strap subalit pinapalitan niya raw ito ng gold strap sa Singapore noon. Pero na-realize niyang hindi pala dapat.
“Now I realized why… because this is a large ballon bleu its not the usual medium. Like my mom’s is smaller. See, this is a medium and this is the large. Uhm, I realize na why it come with the strap and not this gold bracelet kasi napaka bigat po. Now I want the purple strap back on it.”
Palagi raw niya itong sinusuot sa kanyang mga show sa tv. Naglalaro rin ang presyo nito ng Php 1,000,000 piso pataas.
-
1986 Rolex DateJust
Ito ang ang kauna-unahang relong mamahalin nabili ni Sharon Cuneta sa kanyang sarili. “This is the first Rolex I was able to buy,”
Starter rolex daw ito wala raw itong kahit anong bato pero precious ito para sa kanya. Ang presyo rin nito ay aabot sa Php 1,000,000 pataas.
Sumunod naman niyang binili na Rolex in Solid Gold, at Rolex Daytona. Ang mga presyo ng mga sumunod na relo na kanyang binili ay mas mahal pa sa kanyang mga nauna. Naglalaro ang mga presyo nito mula Php 1,000,000 hanggang Php 3,000,000 pataas
-
Piaget Polo
Ang relong ito raw umano sabi ni Sharon ang napansin ng kanyang katrabaho noon na si Christopher De Leon. Umaabot ang presyo nito sa Php 600,000 pataas.
“Among all my watches this was the one Chirstopher De Leon noticed. He said, “Ganda niyan, ano ‘yan?” “It’s a Piaget.” “I love it.”
Dagdag pa ni Sharon Cuneta
Mayroon din umanong mga g-shock, toy watches, at kahit Swatch na nasa affordable price points naman.
Hindi nakakapataka kung gaano kalaki ang net worth ni Sharon Cuneta dahil sa ipinakitang niya mga relo. Paniguradong hindi lamang ito ang pag-aari niyang relo.
“This is my collection, part of it. That’s not to brag, that’s the truth and that’s my life. And so I’ve shown you some sentimental pieces and why they’re important, and some just because I love.” dagdag pa ni Sharon.
Maganda umanong mag-invest sa mga mamahaling relo dahil pagdating ng panahon ay tumataas ang value nito lalo na’t kung nasa mabuti pa itong kundisyon. Kaya naman kung nagnanais kang bumili ng relong mamahalin katulad ng Rolex ay hindi rin talaga masasayang ang pera mo. Dahil kinalaunan ay maganda itong investment para sa iyong future.
SOURCE:
Sharon Cuneta Network
BASAHIN:
Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico
Anne Curtis, naiyak matapos magkuwento tungkol sa anak na si Dahlia
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!