Sharon Cuneta sinabing magiging malungkot ang Christmas niya ngayon. Dahil ang panganay niyang si KC hindi niya makakasama ngayong pasko.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Sharon Cuneta magiging malungkot ang Christmas.
- Pakiramdam ni Sharon sa pagsasama ng kaniyang mag-ama.
Sharon Cuneta magiging malungkot ang Christmas
Ibinahagi ng Megastar na si Sharon Cuneta sa isang panayam na hindi tulad ng mga nakaraang Pasko ngayong taon ay maiiba. Dahil ang actress-singer, hindi makakasama sa unang pagkakataon ang anak na si KC this Christmas. Si Sharon umaming magiging bahagyang malungkot ang Pasko niya. Nakaugalian daw kasi ni Sharon na kasama ang lahat ng miyembro ng kaniyang immediate family sa tuwing nag-nonoche Buena.
Magkaganoon man, happy rin naman daw ang Megastar para sa anak na si KC. Dahil makakasama nito ang amang si Gabby Concepcion ngayong Pasko. Isang bagay na hindi nila nagagawa noon. Kaya naman kahit medyo sad ay pinagbigyan niya ang kahilingan ng anak.
“Simple lang ako mag-Pasko. Simple lang kami lagi. Sa Noche abuena, kami lang. Just my immediate family.”
“But it will be the first Christmas that KC will be spending with her father. They never spent Christmas together,”
“It’s going to be different for me. It’s a little sad. But I’m also happy for them because they do it for the lost time.”
Ito ang sabi pa ni Sharon sa isang panayam.
Pakiramdam ni Sharon sa pagsasama ng kaniyang mag-ama
Sa isa pang panayam ay ikinuwento niyang nagpaalam ng maayos si KC kung puwedeng makasama nito ang ama ngayong Pasko. Hindi niya daw ito pinigilan sapagkat nakikita niya ngayon na mas nagiging malapit ang relasyon nila. Bilang isang ina, ito daw ay matagal ng hinihiling ni Sharon. Masaya siya na ngayon ay unti-unti na itong nangyayari at nakikita niya masaya ang panganay niyang si KC Concepcion.
Matatandaang muling nagkasama sina Sharon at Gabby sa isang concert kamakailan lang. Ang anak nilang si KC ay nagpunta sa concert at nakasama nila sa stage. Si KC labis ang saya na makasama ang kaniyang mga magulang sa iisang stage sa unang pagkakataon.
Larawan mula sa Facebook account ni KC Concepcion
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!