Sharon Cuneta proud sa pag-come out ng anak na si Miel bilang miyembro ng LGBTQIA+ community.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Miel Pangilinan nag-come out bilang queer
- Reaksyon ni Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa pag-come out ng anak na si Miel
Miel Pangilinan nag-come out bilang queer
May revelation na ginawa ang isa sa mga anak ng aktres na si Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan na si Miel. Sa kaniyang Instagram account ay inihayag ni Miel na siya ay proud na miyembro ng LGBTQIA+ community.
At sa kaniyang pag-come out ay nakaramdam siya ng freedom na naging posible sa suporta ng kaniyang kaibigan at higit sa lahat sa kaniyang pamilya.
“This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer.”
“I really can’t figure out the words to say right now. it’s a really emotional and freeing time right now, and I’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as I’ve grown and explored my own gender and sexual identity.”
Ito ang bungad ni Miel sa kaniyang Instagram post.
Dahil sa kaniyang inanunsyo, sabi ni Miel ay makakatulog na siya ng maayos. Siya ay mas komportable na rin sa kaniyang sarili at hindi na ikinahihiya o tinatago ang kaniyang tunay na identity.
“I know it sounds silly, but posting this truly feels cathartic. I’ve spent so many sleepless nights over the span of much of my childhood and teenage life worrying and wondering about a plethora of things surrounding my identity.”
“And it only feels right that I post this at the point I’m in now where I’m comfortable enough in who I am and who I love and how I choose to present. It’s kind of a full circle moment for me, in a way.”
BASAHIN:
Sharon Cuneta to adopted son Miguel: “Your love has gotten me through some of the toughest times”
12 Awesome celebrities who love and support their LGBT relatives
Reaksyon ni Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa pag-come out ng anak na si Miel
Matapos ang pag-come-out ni Miel ay agad na nagpahayag ng suporta ang kaniyang ina na si ‘Megastar’ Sharon Cuneta.
Sabi ng aktres, labis siyang natutuwa sa pag-come out ng anak niya. Dahil sa ngayon ay ganap na itong free na i-express ang sarili niya at kaniyang identity. Wala rin daw itong problema sa gender preference ng anak niya.
“What’s next is that I will have a happier daughter who is now “free” and will always be a good person with a good heart – and still always courageous. She is cute in that her crushes on boys especially in K-Pop are genuine. And if she likes girls that’ll be genuine too.”
Ito ang sabi ni Sharon.
Dagdag pa niya, aminado siyang siya ay isang magulang na naniniwala pa rin sa traditional values, pero magkaganoon man ay tanggap na tanggap niya ang anak sa kung sino ito. At sinisiguro niya na ang anak na si Miel ay itatrato ng kanilang pamilya na hindi naiiba at patuloy na mamahalin ito.
“She will certainly be treated no different by us her family and those who truly love her. I will love her just the same, if not more. Like I said, all my children are PERFECT. I may be a Mom with traditional values, but that doesn’t mean that my mind is too tiny to accept people for what they are – what more my own child?”
Bilin pa ng aktres sa anak, maging strong at huwag makinig o pansinin ang sasabihin ng iba. Basta sila na kaniyang pamilya ay proud sa kaniya. Lagi rin lang daw sila nasa likod ni Miel at patuloy na mamahalin ito ng buong puso.
“I am proud of my girl and always will be. Needless to say, she will always have my support and love. No big deal. I love you, my Yellie. With all of my heart, and more than life itself. Be strong! It’s your life, no one else’s. Don’t give any negative commenters any attention. They don’t matter. We do. And we’ve got your back. Forever and ever.”
Ito ang sabi pa ni Sharon Cuneta.
Sa kaniyang Facebook account ay ibinahagi rin ng aktres ang naging reaksyon at mensahe naman ng ama ni Miel na si Sen. Kiko Pangilinan sa pag-come out nito. Tulad ni Sharon, si Sen. Kiko ay all out rin ang support sa anak na si Miel.
Ang mga netizens, hindi naman mapigilang ma-touch sa pagiging supportive ng mag-asawa lalo na si Sharon sa anak na si Miel. Hirit nila, napakaswerte ni Miel na magkaroon ng mga magulang na naiintindihan siya. At ginagawa ang lahat para maiparamdam sa anak na siya ay minamahal at hindi naiiba.
“Love makes a family indeed.”
“She’s blessed to have understanding, accepting & supportive parents like you..Wish it was the same w/ all.”
“Medyo naiyak po ako, thank you for being an accepting mom. Bare minimum siya, pero in this conservative society, it doesn’t come as easy. Happy for Miel”
Ito ang ilan sa naging reaskyon ng mga netizens.