Sana all payat! Sharon Cuneta wows in slimmer figure, wears medium clothes

Anong sikreto ng Megastar sa kaniyang weight loss journey? Alamin dito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Megastar Sharon Cuneta pumayat na!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sharon Cuneta pumayat na, alamin dito ang ginawa niya.
  • Mensahe ni Sharon sa mga gusto ring magbawas ng timbang.

Sharon Cuneta pumayat na! Paano niya ito nagawa?

Image from Sharon Cuneta’s Instagram account

Kagabi sa kaniyang Instagram account ay ipinakita ni Megastar Sharon Cuneta ang mas payat niya ng katawan. Bagama’t ang kaniyang ibinibida sa naturang IG post ay ang suot na t-shirt para Christmas station ID ng ABS-CBN, mas umagaw sa atensyon ng mga netizens ang mas “manipis” na katawan ng Megastar.

“Grabe ka! So thin!”

“Grabeeeee ang seksi naman ng nanay grabeeeee!!!!! 😍😍😍”

“Yays! Panipis na ng panipis. 😍”

Ilan lamang ito sa komento ng mga netizen sa mas payat na figure ngayon ni Sharon Cuneta. Pero paano niya nga ba ito nagawa?

Paano nagpapayat si Sharon Cuneta

Maliban sa pagpopost niya sa social media, mas naging kapansin-pansin ang pagbabawas ng timbang ni Sharon Cuneta ng ito ay bumida sa pelikulang “Revirginized” nito lamang taon. Doon ay makikitang malayo na ang laki at bigat ng katawan ng Megastar na nakuhanan noong 2016.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon noon kay Sharon, ang malaking dagdag sa timbang niya ay dahil siya ay na-depress at nag-resort sa emotional eating para kahit paano ay maibsan ang depression na kaniyang nadarama.

Pero pag-amin niya ay hindi na maganda sa pakiramdam ang bigat at laki niya. At nahihiya na rin siyang lumabas dahil sa kaniyang itsura. Kaya naman ng taong ding iyon ay sinikap ng Megastar na magkaroon ng pagbabago sa kaniyang lifestyle at eating habits.

Image from Sharon Cuneta’s Instagram account

Exercise at change in diet ang ginawa niya

Sa isa sa kaniyang Instagram post noong nakaraang taon ay makikitang nagte-treadmill ang Megastar. Pag-amin niya hindi siya fan ng pag-e-exercise pero kailangan niya itong gawin para ma-achieve ang weight loss goal niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“To be honest, this is the first time I am doing the treadmill in a very, very long time. I partly missed it, but a big part of me really does not like it. But I have to do it for my health, and I want to look good in my clothes!”

Ito ang nasabi ni Sharon sa Instagram post niya noong October 18 ng nakaraang taon.

Base naman sa isang panayam, ang treadmill ang exercise na napili niyang gawin dahil sa maaari siya ditong mag-multitask. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit na-push na rin siyang mag-exercise.

“My favorite is the treadmill kasi it allows to me multitask. By doing the treadmill I can watch my favorite show or I can be reading something,” sabi ni Sharon.

Sa parehong panayam ay sinabi rin ni Sharon na maliban sa pag-exercise ay kailangan ding mahigpit na bantayan ang diet o mga kinakain niya.

Pili lang ang mga pagkain na allowed niyang kainin at ito ay dapat limitado o may sukat na dapat niyang mahigpit na sundin sa pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“You have to stick to certain foods with a weight allowance per day, I had to follow.”

Sabi pa ng Megastar, isang mahirap na journey ang pagpapayat. Pero proud siya na ito ay nagawa niya. Ngayon ay nakakapag-suot na siya ng medium-sized clothes.

Nakapag-post na rin siya ng naka-swimsuit bagamat sabi niya ay kailangan niya pa ring magpatuloy sa pagbabawas ng timbang. Ito ay hindi lang para makapagsuot siya ng mga damit na gusto niya kung hindi para na rin sa kalusugan niya. Dahil sa edad na 55-anyos ayon sa Megastar ay may mga health issues na siyang nararanasan.

Image from Sharon Cuneta’s Instagram account

Sharon very happy sa payat niyang katawan

Ngayong malaki na ang nabawas sa timbang niya, pagbabahagi ng Megastar at very happy siya sa achievement niya.

“But I really have NOT been THIS HAPPY in many years! You can always see the real state of my heart in my EYES. Losing weight is hard. Being INSPIRED 😍 to do it or anything else is harder to come by.”

Ito ang sabi pa ng Megastar sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

STUDY: Pag-inom ng kape, nakakapayat

STUDY: Pagkain ng breakfast, mas nakakataba para sa mga gustong mag-diet

Epektibo nga ba ang Apple Cider Vinegar na pampapayat?

Mensahe ni Sharon sa mga netizens na gusto ring magpapayat

Samantala, dahil sa naging malaking pagbabago sa kaniyang timbang ay maraming netizens ang na-inspire na magpapayat din tulad ng Megastar. Ito ang mga payo niya para sa kanila.

“Believe it or not, eat anything. AND THIS IS THE IMPORTANT PART-just TASTE. In the beginning if you’re serious cut out all carbs.”

Dagdag niya pa ang sikreto rin ay dapat hindi nagpapalipas ng gutom o ginugutom ang sarili. Umiwas din dapat sa mga pritong pagkain. Dapat ay dahan-dahanin rin ang pagpapayat. Slowly but surely nga ika ng Megastar.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

ABS-CBN Cinema, GMA