Sharon Cuneta niregaluhan ng basic cellphone ang anak na si Miguel sa 13th birthday nito

Sharon proud at thankful sa pagiging ina sa kaniyang adopted son na si Miguel.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sharon Cuneta may simpleng regalo sa only son niyang si Miguel sa 13th birthday nito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Regalo ni Sharon Cuneta sa only son niyang si Miguel sa 13th birthday nito.
  • Sharon thankful sa adopted son na si Miguel.
  • Paano sinusuportahan ni Sharon ang mga anak.

Regalo ni Sharon Cuneta sa only son niyang si Miguel sa 13th birthday nito

Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

May simple ngunit special na regalo ang Megastar na si Sharon Cuneta sa only at adopted son niyang si Miguel sa 13th birthday nito. Si Sharon ibinahagi ito sa kaniyang Instagram account kalakip ang larawan ni Miguel na hawak ang kaniyang espesyal na regalo.

Ito ay isang de keypad na cellphone katulad rin umano sa mga naging unang cellphone ng mga ate niya. Si Miguel makikitang very happy sa binigay na regalo ng kaniyang Mommy Sharon sa kaniya.

“Someone is turning 13 on Oct.29 (and 27. He likes “having two birthdays!”) and got a new, simple phone! All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one! ❤❤❤”

Ito ang caption ng post ni Sharon Cuneta tungkol sa regalo niya sa adopted son na si Miguel.

Ang mga netizen humanga sa simpleng pagpapalaki ni Sharon sa mga anak. Ayon sa kanila, kahit kilala at mula sa mayamang pamilya sina Sharon at Kiko Pangilinan ay makikitang tinuturuan nila ng simple at pangkaraniwang buhay ang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I really love the way you & Sen. Kiko raised your children. ♥”

“I love how you raised them ate. Not entitled. Saktong sakto lang. Lucky kids.”

“Woww what simple gift but then makes.miguel so happy...this is the true guidance to the teens biw a days..his.mom can afford to buy even the lalest iphone.”

Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens sa regalo ni Sharon sa anak na si Miguel.

Hindi kaila sa marami na si Miguel ay adopted son ng mag-asawang sina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. Ito ay proud namang ibinabahagi ng mag-asawa na hindi kahit minsan ipinaramdam kay Miguel na siya ay naiiba.

Sharon thankful at proud sa adopted son na si Miguel

Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaniyang Instagram ay minsan ng nag-alay ng mensahe ang Megastar sa one and only son niyang si Miguel. Kalakip nito ang isang larawan na tampok ang quote na ito:

"Family is not about blood. It's about who is willing to hold your hand when you need it the most."

Ayon pa sa Mega Star, ang anak na si Miguel ang best gift na natanggap niya at kaniyang pamilya mula sa Maykapal. Ito nga daw ang “son” na hinihiniling niya sa Diyos.

“Miguel Samuel Mateo, my only son, YOU are the best gift God Almighty has given to our family - to MAMA. Thank you for being the kind of son I always dreamed I could have.”

Dagdag pa ng Mega Star, ikinararangal niya at thankful siya na maging ina ni Miguel.

“We have the same love language/s and your love has gotten me through some of the toughest times I have had to go through in your twelve years of life. I love you with all of my heart and soul. I AM GRATEFUL, HONORED AND PROUD TO BE YOUR MOTHER. Thank you for being MY SON.❤❤❤”

Ito ang sabi pa ni Sharon sa isang IG post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan ng ibinahagi ni Sharon sa isang vlog na sa lahat ng magkakapatid si Miguel ang pinakamalambing sa kaniya at mister na si Kiko Pangilinan.

Maliban sa paraan ng pagpapalaki sa adopted son na si Miguel ay hinangaan rin si Sharon ng marami sa pagtanggap niya at pagmamalaki sa gender ng anak niyang si Miel.

Paano sinusuportahan ni Sharon ang mga anak

Larawan mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Matatandaang nitong Hunyo ay inanunsyo ni Miel na siya ay miyembro ng LGBT community. Siya'y proud at thankful rin sa suportang ipinapakita sa kaniya ng mga kaibigan at lalo na ng kaniyang pamilya.

“This June, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer."

“I really can’t figure out the words to say right now. It’s a really emotional and freeing time right now, and I’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as I’ve grown and explored my own gender and sexual identity.”

Ito ang sabi noon ni Miel sa isang Instagram post.

Matapos ang pag-come-out ni Miel ay agad na nagpahayag ng suporta ang kaniyang ina na si 'Megastar' Sharon Cuneta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi ng aktres, labis siyang natutuwa sa pag-come out ng anak niya. Dahil sa ngayon ay ganap na itong free na i-express ang sarili niya at kaniyang identity. Wala rin daw itong problema sa gender preference ng anak niya.

“What’s next is that I will have a happier daughter who is now “free” and will always be a good person with a good heart - and still always courageous. She is cute in that her crushes on boys especially in K-Pop are genuine. And if she likes girls that’ll be genuine too.”

Ito ang sabi noon ni Sharon sa pag-come out ng anak na si Miel.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement