Sibuyas sa talampakan ng baby at iba pang mga simpleng lunas sa sipon at ubo. Punong-puno ito ng mga vitamins, minerals, at mga enzyme na mabuti sa katawan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sanhi ng pagkakaroon ng sipon at ubo
- Sibuyas sa talampakan ng baby at bawang bilang gamot sa sipon at ubo
- Maaaring gawin kapag may sipon at ubo
Ito rin ay anti-bacterial, at nakakatulong labanan ang mga infection. Bukod dito, nakakatulong rin ito sa sakit ng tiyan, at nakakapagpababa ng kolesterol sa katawan. Kaya’t hindi na rin nakakagulat na pwede itong gamiting gamot sa ubo ng bata.
Kahit sinong magulang ay alam kung gaano kahirap kapag nagkaroon ng sipon at ubo ang kanilang mga anak. Kahit na hindi naman ito nakamamatay na sakit, nakakaawa pa ring makitang nahihirapan ang sarili mong anak dahil sa sipon at ubo.
Kaya’t ibinahagi ng isang ina, si Hanezfarjaz Zulaiqah, ang kaniyang lunas* para sa sipon at ubo ng bata gamit ang bawang!
Tandaan, mas mabuti pa rin ang magpakonsulta sa doktor at bigyan ng wastong gamot ang iyong anak. Huwag gamitin itong kapalit ng medical treatment.
Sibuyas sa talampakan ng baby at bawang bilang gamot sa sipon at ubo
1. Balatan ang bawang
Kumuha ng isa o dalawang piraso ng bawang. Balatang mabuti.
2. Lutuin sa apoy ang bawang hanggang masunog
Pagkatapos nito, buksan ang kalan, at lutuin sa apoy ang bawang hanggang masunog ang labas nito.
3. Ihalo sa mantika, at durugin
Haluan ng mantika ang bawang. Pwede kang gumamit ng cooking oil, olive oil, coconut oil, sesame oil, o kahit ano pang uri ng oil, basta safe sa bata. Pagkatapos, durugin ang mantika at haluing mabuti.
4. Handa nang gamitin ang langis
Ngayong may oil ka na, pwede mo itong ipahid sa dibdib at leeg ni baby matapos maligo. Ito ay makakatulong na maibsan ang sintomas ng kaniyang sakit at kadalasang aabutin ng mga 30 minuto bago umepekto ito.
Kung nahihirapan pa rin si baby, pwede mo ulit ilagay ang langis matapos ang 30-60 minuto at masahihin ito ng mabuti.
Tandaan: Wag masyadong maraming oil ang gamitin kay baby. Ilang patak muna ang iyong gamitin, dahil sensitive ang mga baby. Kung wala ka namang nakikitang masamang epekto, pwede mo nang ipagpatuloy ang paggamit nito.
Garlic detox para kay mommy at daddy
Alam niyo ba na hindi lang kay baby effective ang bawang? Pwede niyo rin itong gamitin para makapag-detox! Subukan niyo ang inumin na ito para ma-detox ang inyong katawan! (hindi ito pangbata o kay baby)
Mga hakbang
1. Maghiwa ng bawang.
2. Haluan ng isang kutsarang tubig at lemon water extract. Haluin.
3. Pwede mo nang inumin ang iyong garlic detox! Gawin ito araw araw, at huwag kalimutang uminom ng maraming tubig upang makatulong sa pag-detox ng iyong katawan.
*Unang ibinahagi ni Mrs. Hanezfarjaz Zulaiqah ang mga recipe na ito sa Facebook. Ang orihinal niyang post ay mayroong mahigit 8,000 na share at maraming ina ang sumasang-ayon sa pagiging epektibo nito.
Umaasa kaming makatutulong ang simpleng lunas na ito sa mga inang naghahanap ng gamot sa ubo ng bata. Ngunit palaging tandaan, hindi ito pwedeng gamitin pamalit sa medical treatment. Kung malala ang sakit ng iyon anak, huwag mag-atubiling magpatingin sa doktor.
Pahayag ng isang doktor
Ayon naman kay Dr. Gel, isang paediatrician, hindi umano siya eksperto sa home remedies subalit naniniwala siya na ang bawang ay may taglay na anti-inflammatory properties,
“Im no expert on home remedies but I believe garlic has anti-inflammatory properties that probably can help, since in adults naman we use this for detox, blood cholesterol control as well as anti-flammatory.”
Paalala niya pa sa mga magulang na gumagamit ng mga home remedies,
“Parents should keep in mind that even if they are using home remedies, they should watch out for signs of respiratory distress, if child is not improving, they have to seek consult because there might be a need for further management.”
Mas mainam pa rin umano ang magpakonsulta sa isang doktor kapag may sakit ang iyong anak. Narito umano ang sanhi at sintomas ng pagkakaroon ng ubo at sipon sa paanong ulat ni Ana Isabel Manalang,
Posibleng sanhi ng ubo at sipon
Bago ang lahat, alamin muna natin kung anu-ano ang maaaring pagmulan ng sakit na sipon at ubo.
Ang sipon ay isang nakakahawang sakit na unang tumatama sa ating upper respiratory tract o ilong at lalamunan. Kadalasan itong may kaakibat na ubo kapag naiirita ang airways sa ating lalamunan.
Mayroon din namang pagkakataon na sipon lang o ubo lang ang maaaring maranasan ng isang tao.
Ayon kay Dr. Ann Meredith Trinidad, isang eksperto sa internal medicine, mahigit sa 200 uri ng virus ang posibleng sanhi ng sipon at ubong dumarapo sa ating katawan. Ilan rito ang rhinovirus, coronavirus, adenovirus, respiratory syncytial virus at parainfluenza virus.
Pagbabahagi ni Dr. Trinidad,
“Ito ay nakukuha mula sa pagsagap ng airborne droplets na nagtataglay ng virus o direct contact sa mga bagay na nakapitan ng infected secretions tulad ng sipon o plema. Taliwas sa mga karaniwang paniniwala, ito ay hindi direktang naidudulot ng malamig na pahahon, pagkabasa sa ulan o natuyuang pawis,”
Bagamat hindi naman ito malalang uri ng sakit, ang pagkakaroon ng sipon at ubo ay nakakapagdulot parin ng hirap at iritasyon sa mga taong mayroon nito.
Sintomas ng sipon at ubo
Narito ang ilan sa mga sintomas na maaari mong maramdaman:
- masakit na lalamunan
- pagbabahing
- pamamaos
- pagbabara ng ilong
- hirap sa paghinga
- sakit ng ulo o katawan
- pananamlay at sinat
Karaniwang nagsisimulang maranasan ang mga sintomas ng sipon at ubo sa loob ng 2-3 araw; sa panahon ding ito pinakamadaling makahawa ang pasyente. Pero maaari siyang makahawa sa buong panahong siya ay nakararanas ng karamdaman.
Kadalasan, kusang gumagaling ang sipon at ubo sa loob ng 7 hanggang 10 araw, depende sa uri ng nasagap na virus at pangkalahatang kalusugan ng pasyente.
Ibig sabihin, maaaring mas matagal gumaling ang mga taong may mahihinang resistensiya ang katawan. Gayundin ang may mga kaakibat pang ibang karamdaman o bisyo, tulad ng paninigarilyo.
Samantala, kung makararanas ng mataas na lagnat ang pasyenteng may sipon at ubo, maaaring sintomas ito ng tumamang trangkaso (flu) o bacterial infection, tulad ng pulmonya at kailangang magpatingin sa doktor.
Mayroon ding mga paraan para gamutin o pabilisin ang iyong paggaling mula sa sipon at ubo. Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin sa loob ng bahay:
- pag-inom ng maraming tubig
- sapat na tulog at pahinga
- alamin ang tamang paraan ng pagsinga
- magmumog ng maligamgam na tubig at asin
- humigop ng mainit na sabaw
- gumamit ng air humidifier
- kumain ng mga pagkaing lumalaban sa impeksyon
Dapat tandaan na habang nagpapagaling mula sa sipon at ubo sa loob ng iyong bahay, ugaliing magsuot ng mask at maghugas ng kamay para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Basahin ang buong ulat ni Ana Isabel Manalang dito!
Source:
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.