Kung may matututunan man tayo sa malisyosong komento ni Senator Tito Sotto, ito ay marami pa rin sa lipunan natin ang hindi nakakaunawa at rumerespeto sa mga single mom.
Anuman ang sabihin ng iba, marangal at kahanga-hanga ang mga single moms. Dahil sila ay nagsasakripisyo para maalagaan at mapalaki nang mabuti ang kanilang mga anak. Kahit na wala silang katuwang sa buhay. Kung ikaw ay isang single mom, siguradong makaka-relate ka sa mga ito.
1. Hindi ka na apektado sa mga negatibong komento tungkol sa single mom
Siguradong marami ka nang na-encounter na mapanghusgang tao pero hindi ka na nagpapa-apekto sa kanila. Kahit si J.K. Rowling, ang sikat na author ng Harry Potter series ay na-experience din ito. Sinabi niya sa isang interview na proud siyang single parent. Dahil dito, siya ay dumaan sa mga pagsubok. At nahubog siya bilang isang babae na matatag at independent.
2. “Master multitasker” ka na walang back-up
Kahit wala kang katuwang, natuto ka namang pagsabayin ang lahat ng bagay. Ang iyong career, pag-aalaga sa bata, at mga kaganapang pansarili. Dahil hindi ka na umaasa sa iba, napipilitan kang masanay sa scenario na ito. Oo, pwedeng may yaya ang anak mo o may mga kamag-anak na tumutulong sa’yo. Pero alam mo sa sarili mo na kaya mo pa rin, mawala man ang kanilang suporta.
3. Mas sinasama mo ang mga anak mo sa desisyon
Dahil wala kang partner, madalas kinokonsulta mo ang mga anak mo sa mga desisyon sa buhay. Lalo na kung teenagers na sila. Ang maganda dito, natutuo maging independent at matulungin ang mga anak mo. Kahit na sa simpleng pagpili lang kung saan gaganapin ang susunod nilang birthday. O sa malalaking desisyon tulad ng pagpili ng paaralan. Mahalaga para sa iyo ang kanilang opinyon dahil lahat naman ng ito ay para sa kanila.
4. Bilang single mom, minsan ay nao-overwhelm ka na
Normal lang na makaramdam na parang hindi mo na kaya ang mga responsibilidad. May mga panahon talaga na feeling mo nag-iisa ka na lang. Sa burden ng pag-aalaga sa mga anak mo at sa pagta-trabaho, madalas ay makakaramdam ka ng pagod. Ang importante ay huwag mong kalimutang alagaan din ang sarili mo. Dahil kung malusog at masaya ka, mas maalagaan mong mabuti ang mga anak mo.
5. Pero lagi mong sinisikap maging positibo
Kahit na nakakaramdam ka ng pagod at lungkot, bilang single mom alam mo na ikaw lang ang inaasahan ng mga anak mo, kaya kahit anong mangyari o ano mang dagok ang dumating sa buhay mo, sinisikap mong manatiling positibo dahil mahal mo ang mga anak mo at gusto mong ipakita sa kanila na kakayanin mo ang lahat para lang mapabuti ang kinabukasan nila.
READ: An open letter to Mr. Tito Sotto from a single mother’s daughter
Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!