Bilang may sintomas ng 11 weeks na buntis, maaari kang makadama ng pagka-overwhelmed, excitement, pag-aalala, at kasiyahan, o lahat ng nabanggit. Ito ang pagbubuntis para sa iyo at normal lamang ang mga ganitong pakiramdam.
Hindi rin maitatanggi na sobrang full ng nasa isipan mo lalo na sa ika-2 months mo bilang buntis. Dagdag pa, nasa point ka maaari ng time na ito na sure na sure na ngang buntis ka, na may maliit na buhay na sa loob ng sinapupunan mo.
Magkakaiba din naman ang bawat nagbubuntis, pero, lalo na ngayong may mga kapansin-pansin na sintomas ng 2 months na pagiging buntis mo, ay natural na ma-anxious ka.
Ano-ano kaya ang mga nangyayari sa iyong baby sa loob ng iyong tiyan? At ano-ano ang mga senyales at sintomas na – “Confirmed!” – buntis ka na?
Talaan ng Nilalaman
Paano na nag-develop si baby sa loob ng 11 weeks na pagbubuntis
Sa ika 2 months ng iyong pagbubuntis, ang iyong baby ay nagsisimula ng magdevelop ng maliit na ilong, bibig, at tenga. Nagsimula na rin siyang magkaroon ng talukap sa mata, na mananatiling dikit hanggang matapos ang ikalawang trimester.
May mga mahahalaga ring development ng organ na nangyayari sa buwan na ito. Ang baga ni baby ay nakakonekta na sa sa kanyang lalamunan sa pamamagitan ng breathing tubes o trachea.
Tulad ng baga, ang puso ni baby ay marami pang pagdadanan sa development nito, pero, tumitibok na ito sa bilis na 105 beats kada minuto!
Hindi lang iyan. Sa pagtatapos ng week 8, o halos katapusan ng 2 months, meron pang nakakasabik na milestone ni baby. Graduate na siya sa pagiging embryo at ganap na siyang fetus (batay sa medical terms)!
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Sa dulo ng 2 months mo bilang buntis, ang baby mo ay kasing laki na ng isang raspberry. Siya ay may habang 1.27 hanggang 2.54 cm o kalahati hanggang isang pulgada. Dagdag pa, may timbang na siya na 9.45 g.
Development ng iyong anak ng 11 weeks na buntis at sintomas
Ang bolang binubuo ng mga cell ay nagiging embryo sa 2 months period na ito sa pagsisimula ng ika 6 na linggo. Ang embryonic stage na ito ng pagbubuntis ay tumatagal ng hanggang 5 weeks. Dito, nagaganap at nagsisimula ng magdevelop ang mga major organs ni baby.
Narito ang mga development ng 2 months ng buntis batay sa sintomas kada linggo.
Ano ang nangyayari sa week 5-6?
- Ang embryo ay mas maikli sa 1/5 pulgada (4-5 mm kahaba)
- Isa sa mga bahagi ng embryo ay nagpapamalas ng cardiac activity. Para itong heartbeat kapag napakinggan sa ultrasound, pero hindi pa ito ganap na nagiging puso. Ito ang earliest stage ng pagdevelop ng puso ni baby.
- Nagsisimula nang tumubo ang buds para sa mga braso at binti.
- Nabubuo na rin ang neural tubes. Ang neural tube, kapag tumagal, ay bubuo sa utak, spinal cord, at major nerves.
- Ang bud ng buntot ay nabubuo na rin.
- Nag-uumpisa na ring lumitaw ang umbilical cord.
Ano ang nangyayari sa week 7-8?
- Hahaba na sa 1/4 hanggang 1/2 pulgada ang embryo (7-14 mm kahaba).
- Nabuo na sa period na ito ang puso.
- Sumusulpot na rin ang mga daliri sa kamay at paa.
- Nagbebend na ang braso sa siko.
- Ang external na tenga, mata, talukap, atay at upper lip ay nagsisimula nang mabuo.
- Magkapareho lamang ang nangyayari sa sex organ, mapalalaki man o babae, sa lahat ng embryos hanggang week 7 o week 8. Kapag na-trigger ng gene ang pagdevelop ng testes, malilikha ng embryo ang biological male. Kung wala namang pag-trigger na nangyari, magdedevelop ang embryo ng ovaries at magiging biological female.
Sintomas ng 11 weeks na buntis
Ang mga sintomas ng buntis ay mas nagiging evident kapag sumapit ang 2 months. Ang mga karaniwang discomfort tulad ng paninigas at pananakit ng suso, sobrang pagkapagod, madalas na pag-ihi, heartburn, nausea, at pagsusuka ay mas lumalala.
Nagpo-produce ng mas maraming dugo ang iyong katawan kapag buntis ka. Kasabay nito, mas bumibilis ang pagtibok ng iyong puso at mas nahihirapang magpadaloy ng extrang dugo.
Huwag masyadong mag-expect na mas makikita ang pagkabuntis mo. Maaaring may mga sintomas ka ng 2 months na buntis pero ganun pa rin ang laki ng iyong tiyan. Ang mas kapansin-pasin, kung sa usapin ng sensitivity at pamamaga, mas nagiging malaki ang iyong dibdib o suso.
Kung ang pre-pregnancy na timbang mo ay nasa normal na BMI range, maaari kang payuhan ng iyong healthcare provider na magdagdag ng timbang na 11.3 hanggang 15.9 kg. Samantala, sa pagtutuloy ng iyong pagbubuntis, madadagdagan ka ng timbang na 0.4 hanggang 2.3 kg.
Mga senyales ng 11 weeks na buntis
Para sa napakaliit na buhay na nasa iyong sinapupunan, nagdudulot ang baby mo ng iba’t ibang sintomas at senyales ng buntis ng 2 months na. Para sa iyo, marahil ay nakakainis ang mga senyales na ito, pero lahat naman ay normal.
Ilan sa mga ito ang mga senyales na maaaring mapansin o makita kapag 2 months ka nang buntis:
- Unti-unting mababawasan ang pagsusuka o morning sickness.
- Bloating
- Pagkadagdag ng pananakam o food aversions o cravings
- Pagkakaroon ng sobrang laway
- Minsan, pwedeng maging constipated
- Makakaranas pa din ng sakit ng ulo at mga mood swings kasabay ng fatigue at stress. Huwag mag-alala dahil mas magiging mabuti ang iyong pakiramdam pagdating ng second trimester.
- Ang ibang buntis ay maaaring makaranas ng pagbigat ng dede at pag-itim ng mga utong o areola. Normal lamang ito habang naghahanda ang katawan para sa pagdating ng iyong anak.
Minsan, maaaring magdulot ng pangangamba ang cramping o pananakit ng sikmura, at spotting sa early stage ng iyong pagbubuntis. Pero, sa pagtagal ng iyong pagbubuntis, magkakaroon talaga ng madalas na cramping, pero dahil early stage pa lamang, “mild” pa ito.
Sa katunayan, ang pagdudurugo sa early pregnancy, katulad ng 2 months na buntis, ay normal na sintomas. Karaniwan itong nangyayari sa halos 25 percent ng pagbubuntis, at hindi laging nangangahulugan na may komplikasyon sa iyong pagbubuntis.
Pangangalaga sa may sintomas ng 11 weeks o na buntis
Ang lahat ng pagbubuntis ay magkakaiba sa bawat mommy at babae. Pero, common na ang pagbubuntis ay talagang maselan. Kahit pa na sabihing malusog ang pangangatawan ng isang babae, hindi masasabi kung kelan magiging maselan o hindi ang kanyang pagbubuntis.
Narito ang ilan sa mga dapat tandaan ng mga mommies sa pangangalaga ng kanilang sarili habang nagbubuntis:
- Iwasan ang mga gawaing bahay na ipinagbabawal ng iyong gynecologist. Humingi ng tulong sa iyong asawa upang magawa ang mga ito.
- May mga buntis na nakakaisip na hindi sila “blooming” sa first trimester. Pagaanin ang iyong pakiramdam sa pamamagitan ng bagong haircut.
- Gumamit ng mga chemical-free na produkto.
Checklist
- Kumonsulta sa iyong gynecologist kung kinakailangan ba ang fetal anomalies assessment at kung kailan ito dapat gawin upang makapagpaschedule ka.
- Laging magkaroon ng prenatal appointments upang masiguro ang kalusugan ni baby.
- Magpokus sa pagpapanatili ng iyong healthy at balanseng diet, at laging sumunod sa payo ng iyong doktor. Maaari ring magsimulang uminom ng prenatal vitamins.
- Mag-keep track ng paglaki ng iyong pregnant belly sa bawat photos.
- Pwedeng mag-follow at mag-subscribe sa theAsianParent Philippines para makakilala ng mga mommies na may experience ng first time pregnancy at makakuha ng first-hand tips.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Dagdag na ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.