Alamin kung ano ang mga sintomas ng 16 weeks na buntis at iba pang mahalagang impormasyon patungkol sa development ng iyong baby habang nasa loob siya ng iyong sinapupunan. May mga ilang tips na makakatulong sa iyo mommy upang masiguro na healthy kayong dalawa ni baby.
Talaan ng Nilalaman
16 weeks na buntis at sintomas: Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang avocado. Siya ay may habang 11.6cm at timbang na 100g.
Sa 16 weeks na pagbubuntis, ang iyong fetus ay humigit-kumulang 5.3 pulgada mula sa korona hanggang puwitan. Ito ay halos kasing laki ng lemon o avocado. Ang mga ito ay tumitimbang ng humigit-kumulang 2.5 ounces (oz.).
Ang fetus ay nasa simula ng isang growth spurt na makikita itong doble sa laki sa susunod na buwan.
Maaari rin itong magsimulang gumalaw at mahawakan pa ang umbilical cord sa yugtong ito. Ang nervous system ay umuunlad pa rin, at ang fetus ay nagsisimula nang iflex ang kaniyang muscles sa mga paa.
Ang iyong anak ay magsisimula ring bumuo ng mga ekspresyon ng mukha sa yugtong ito, bagama’t hindi pa nito makokontrol ang mga ito. Kung nakikita mo ang fetus, maaaring mukhang nakasimangot o duling ito sa mga ibang pagkakataon.
Ang mga mata at tainga ng fetus ay ganap na ngayong gumagalaw at kalaunan ay mabubuo na hanggang sa final appearance nito.
Ang development ng iyong anak sa 16 weeks na buntis at sintoams nito
Narito ang mga development pagsapit ng 16 weeks na pagbubuntis.
- Ang iyong baby ay maaaring may timbang na 3 to 4 ounces at may haba na 4 to 5 inches.
- Nagsisimula nang tumigas ang mga kalamnan ng iyong anak lalo na sa kaniyang likod at mukha.
- Kaya na ng iyong anak na sumimangot.
- Nakaramdam na din ng liwanag ang talukap ng kaniyang mga mata.
- Mayroon na din siyang kilay at pilikmata.
- Nagsisimula na din ma-develop ang kaniyang pandinig. Kaya naman naririnig ka na ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan.
- Sa pagkakataong ito lumalakas na ang puso ng iyong anak. Kaya na ng kaniyang puso na mag-pumo ng 25 quarts ng dugo sa isang araw.
- Nagsisimula na ring mag-sucking reflex ang iyong anak sa loob ng iyong sinapupunan.
Mga sintomas ng 16 weeks na buntis
Larawan mula sa iStock
Ano ba dapat ang iyong mga nararamdaman kapag ikaw ay nasa 16 weeks na pagbubuntis na?
- Mararamdaman mo na ang mabilis na paglaki ng iyong baby sa loob ng iyong sinapupunan.
- Madadagdagan ang iyong timbang dahil lumalaki na rin ang iyong baby.
- Nararamdaman mo na ang paggalaw ng iyong anak.
- May mga pagkakataon na kinakapos ka sa hininga.
- May mga pagkakataon din na ikaw ay constipated dahil sa ang iyong uterus ay nakadagan sa iyong mga bituka.
- Mabilis tumubo ang iyong buhok at mga kuko. Mas maganda rin ang bagsak ng iyong buhok at nagsisimula nang mapansin ang iyong “pregnancy glow”.
- Patuloy pa rin ang paglaki ng iyong mga dibdib o breast. Hinahanda na kasi ng iyong katawan ang pag-breastfeed sa iyong baby.
- Maaaring mag-increase ang iyong vaginal discharge. Kapag hindi na normal ang discharge at kulay dugo na ito agad na magpatingin sa iyong doktor.
- Makakaranas ka rin ng pananakit ng ulo.
- Dito rin nagsisimula ang pagkakaroon ng varicose veins. Upang maiwasan ito magkaroon ng healthy weight gain. Sundin ang rekomendasyon ng iyong doktor.
- Sa pagkakataon din na ito mommy, maaari kang makaranas ng pananakit ng likod. Upang maiwasan ito subukan ang prenatal massage o kaya naman maligo ng warm water.
- Mapapansin mo rin na may dugo kapag ika’y nagsisipilyo. Sanhi ito ng iyong pregnancy hormones na nagdudulot ng gum inflammation. Kaya naman mas susceptible ito sa bacteria, irritation at bleeding. Normal lamang ito. Importante magsipilyo lagi. Pumunta rin sa dentista kahit isang beses lamang habang ika’y buntis upang maiwasan ang mga gum disease na maaari magdulot ng pregnancy complications.
3 months na buntis
Parang panaginip ang nangyayari kapag ikaw ay 3 months ng buntis. Nakalampas ka na sa lugar na mapuno sa wakas: tapos na ang unang trimester, at mas nagiging confident ka na sa iyong pagbubuntis. Baka ibinabalita mo na rin sa mga kakilala ang paparating na baby mo.
Kasabay ng mga kaganapang ito, dumami rin ang mga kailangan mong asikasuhin mommy. Ang pagbubuntis ay isang marathon, hindi lamang sprint. Sa pagiging 3 months na buntis, nasa 1/3 ka pa lamang ng buong course ng pagbubuntis.
Pero mga mommies, hindi kailangang mag-alala. Narito ang ilang kaalaman para sa mga 3 months na buntis na gaya mo.
Sintomas ng 3 months na buntis
Maaaring nakakaramdam ka ng pagkahapo sa period na ito. Sa kasamaang palad, iyan ay normal na maramdaman ng isang nagbubuntis na 3 months.
Samantala, ang ibang mommies ay maaaring veteran na kaya para sa kanila, ang 3 months na pagiging buntis ay okay lang sa kanila, pero maaari pa rin silang maapektuhan ng morning sickness sa 8 hanggang 10 linggo. Pero, nanatili ka pa ring nag-aalmusal mula sa umpisa.
Para sa iyo, ay normal naman na ang mga ganitong nararanasan ng isang nagbubuntis ng 3 months o kahit buntis ng 16 weeks. Sa pagiging 3 months na buntis, kagaya ng 16 weeks ng buntis, ito ang mga sintomas na maaaring maranasan:
- nausea na may kasamang pagsusuka
- constipation, gas at heartburn
- pagbabago sa dibdi o suso, tulad ng pamamaga at paninigas, paninigas, at pangingitim ng nipples
- sobrang pagkapagod o fatigue
- pagkahilo at pagsakit ng ulo
- pagtaas ng appetite
- mood swings
- pagdami ng vaginal discharge
- pagdami ng mga pagkaing nagugustuhan at inaayawan
Maaaring ang mga sintomas ng buntis ng 3 months at 16 weeks ay nakakapangamba kung ang nagbubuntis ay hindi nakakaranas ng morning sickness. Marahil, may mali sa kanilang baby na nasa tiyan. Bagaman ipinapakita ng pag-aaral na nakuha ng Healthline.com na ang pagkakaroon ng morning sickness ay katumbas ng mas mababang tiyansa ng miscarriage, hindi naman napapatunayan ng pag-aaral na totoo ang kabaligtaran nito.
Gaano kalaki ang 3 months na buntis
Gaano kalaki ang tiyan ng 3 months na buntis? Kung may matibay na core muscles ang isang babeng nagbubuntis, maaaring hindi pa makita ang sintomas ng paglaki ng tiyan mula 12 weeks hanggang 16 weeks o 3 months hanggang 4 months na buntis.
Sa kabilang banda, kung nakikita na ang paglaki ng iyong tiyan ay wala naman itong problema. Ang katawan ng bawat babae naman ay magkakaiba, gayundin sa pagbubuntis. Maaaring kahit sa 7 o 8 weeks pa lang ng isang babae ay makita na ang paglaki ng kanyang tiyan.
Pangangalaga sa panahon ng 16 weeks na buntis
Larawan mula sa iStock
Sa pangalawa at pangatlong trimester, ang isang buntis ay hindi na dapat humiga ng flat sa likod sa loob ng mahabang panahon.
Ang paghiga sa gilid ay nagtataguyod ng mas mahusay na daloy ng dugo sa fetus at maaari ring mapabuti ang likod at balakang.
Mayroong mga unan na para sa pagbubuntis upang makatulong na mapadali ang proseso ng paghiga sa iyong tagiliran sa mahabang panahon.
Iwasan ang alak, paninigarilyo, at lahat ng iba pang nakakalason o ipinagbabawal na sangkap sa oras na ito.
Siguraduhin na alam ng iyong doktor ang tungkol sa anumang mga gamot na maaari mong iniinom. Kung ito ay malamang na makagambala sa pagbubuntis, maaari nilang isaalang-alang na bawasan ang dosis o baguhin ang uri ng gamot na iyong iniinom.
Larawan mula sa Shutterstock
Sundin ang isang balanseng, masustansyang diyeta sa anumang yugto ng pagbubuntis, pati na rin ang pagtutok sa pananatiling aktibo.
Ang fetus ay nagsisimula nang mabilis na lumaki at nangangailangan ng mas maraming enerhiya sa puntong ito ng pagbubuntis. Inirerekomenda na kumain ka ng dagdag na 300 calories araw-araw pagsapit gn 16 weeks na pagbubuntis.
Iwasang dagdagan ang laki ng bawat pagkain at sa halip ay kumain ng meryenda bilang karagdagan sa iyong karaniwang pagkain. Ang mga halimbawa ng angkop na meryenda ay kinabibilangan ng tig-iisang:
- Mansanas na may isang kutsara (tbsp.) ng peanut butter
- Tasa ng sabaw
- Hard-boiled na itlog
- isang dakot ng almond at isang cheese stick
Bagama’t ang iyong doktoray maaaring nagreseta ng mga suplemento upang palakasin ang mga antas ng ilang partikular na bitamina at mineral, hindi nito ibibigay ang lahat ng sustansyang kailangan para sa iyo at sa fetus.
Siguraduhing kumain ng maraming madahong gulay para sa digestion, gayundin ng mga pagkaing naglalaman ng mataas na nutritional value, tulad ng prutas at mani.
Ayon sa Medical News Today, iwasan ang mga sumusunod na pagkain sa panahon ng pagbubuntis:
- Hilaw na karne
- Cold cuts
- Smoked seafood
- Isda na naglalaman ng mercury, tulad ng pating at swordfish
- Malalambot na keso
- Hilaw na shellfish
- Hilaw na itlog
- Unpasteurized milk
Siguraduhing hugasan nang mabuti ang anumang mga gulay sa isang pagkain.
Paninigas ng tiyan ng buntis 16 weeks
Normal ang anumang paninigas ng tiyan ng buntis ng 16 weeks. Dahil ito sa sobrang fluid sa katawan at pressure mula sa lumalaking uterus na nagdudulot ng paninigas o edema sa tiyan, paa at sakong. Mas lumalala ang paninigas at pamamanas kapag mas lumalapit na ang panganganak. Maaari ring lumala ito sa mga panahong tag-init.
Mga dapat tandaan sa iyong 16 weeks na pagbubuntis
- Magsimulang mag-ehersisyo para tumibay ang iyong likod at pelvic muscles.
- Patuloy na kumain ng masusustansiyang pagkain.
- Gumamit ng moisturizer kung ang iyong balat ay nagsisimula na maging dry.
- Kumain ng mga pagkaing mataas ang fiber at mayroong good calories.
- Iwasan ang pagkakaroon ng varicose veins habang nagbubuntis. Hindi naman itong harmful o nakakasama sa iyong baby, at madalas hindi rin ito masakit. Upang maiwasan ito, huwag tumayo sa iisang posisyon lamang. I-elavate din ang iyong paa kung ika’y uupo.
- Huwag makalimot sa iyong appointment sa iyong doktor.
Checklist
- Kausapin ninyong mag-asawa ang iyong anak.
- Sumali sa mga prenatal classes.
- May mga pagkakataon na ikaw ay nagiging makakalimutin. Gumawa ng listahan upang walang makalimutan.
Kailan dapat tumawag ng doktor
Kung pakiramdam mo ay regular na gumagalaw ang iyong sanggol, ngunit pagkatapos ay napansin mong hindi ka nakakaramdam ng anumang paggalaw nang hindi bababa sa 12 oras, tawagan ang iyong doktor.
Kung hindi mo naramdaman na gumagalaw ang iyong sanggol sa linggong ito, maging matiyaga. Maraming kababaihan ang hindi napapansin ang pag-flutter hanggang 20 linggo o higit pa.
Habang ang panganib ng pagkalaglag ay mas mababa sa ikalawang trimester kaysa sa una, hindi mo dapat balewalain ang pagpuna, pagdurugo, o matinding pananakit at paninigas ng tiyan.
Ang susunod na linggo: Buntis ng 17 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 15 linggo
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!