Simula na ng iyong second trimester sa ika-4 na buwan ng iyong pagbubuntis. Sa panahong ito ay mas mabuti na ang pakiramdam mo kompara noong unang tatlong buwan.
Sa first trimester kasi nararanasan ng isang buntis ang tinatawag na paglilihi at iba pang sama ng pakiramdam dulot ng pregnancy. Ngayon, anu-ano nga ba ang mga sintomas na maaaring maranasan ng 4 months na buntis?
Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng 17 weeks o 4-months nang buntis at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Ang mga development ng iyong anak sa ika-4 na buwan
Narito ang mga development na nararanasan ng baby sa loob ng sinapupunan ng baby sa ika-4 na buwan ng pagbubuntis.
- Handa nang tumanggap ng oxygen sa halip na amniotic fluid ang air passage ng iyong anak.
- Ang kaniyang mga buto ay nagsisimula na rin na tumigas. Tinatawag ito na ossification. Ang kaniyang mga binti at loob ng tenga ang unang mag-ossify.
- Sa puntong ito’y maaari ka na ring marinig ng iyong anak mula sa loob ng tiyan. Puwedeng-puwede mo na siyang kausapin at kantahan sa panahong ito. Magandang paraan din ito bilang early bonding niyo ng iyong anak.
- Magisisimula nang magkaroon ng myelin, isang layer ng protein at fatty substance ang kaniyang nerves. Ang myelin ang nag-i-insulate ng mga nerve upang magkaroon ng mabilis na transmission ng electrical impulses. Napakahalaga nito para gumana nang maayos ang kaniyang nervous system pagkapanganak.
- Ang kaniyang umbilical cord ay mas matibay at makapal sa panahong ito.
- Mayroon nang pilik-mata, talukap, at kilay ang iyong baby. Ang ilang sanggol ay mayroon na ring buhok sa ika-4 na buwan.
- Kaya na rin ng baby na i-suck ang kaniyang daliri, humikab, at mag-make face.
- Nagsisimula na ring mag-function ang nervous system ng baby sa point na ito.
- Fully developed na ang reproductive organs ng baby sa ika-4 na buwan. Sa puntong ito, makikita na ng doktor sa ultrasound kung babae o lalaki ang iyong magiging anak.
- Maririnig na rin ang tibok ng puso ng bata sa pamamagitan ng medical instrument na tinatawag na doppler.
Mga sintomas ng 4-months na buntis
Sa pagsisimula ng second trimester o sa 4 months na ikaw ay buntis, unti-unti nang makikita ng ibang tao ang mga sintomas ng pregnancy sa iyo. Mas magiging kapansin-pansin na ang iyong baby bump sa puntong ito.
Kung tila bloated lang ang pakiramdam mo noong first trimester, sa 4 months na ikaw ay buntis ay mas mararamdaman mo ang pagbigat ng tiyan.
Narito ang iba pang mga sintomas o senyales ng 4-months na buntis:
Habang lumalaki ang iyong anak sa iyong sinapupunan, mataas ang tiyansa na bumigat din ang iyong timbang. Dahil nagbabago ang iyong timbang at nagkakaroon ng pagkabanat sa balat, magsisimula na ring lumabas ang stretch marks.
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa vaginal discharge. Makararanas ng pagpapawis at mucus dahil sa increase ng blood flow sa iyong katawan.
Bukod sa mga ito ay maaari ring makaranas ng mga sumusunod na senyales o sintomas ng 4-months na buntis:
- Pakiramdam na barado ang ilong o nasal passage
- Pananakit ng likod
- Heartburn at indigestion
- Constipation o hirap sa pagdumi
- Pagdurugo ng gilagid
- Hirap sa paghinga
- Paglabas ng mga varicose veins o tinatawag ding spider veins
- Pananakit ng round ligament
Larawan mula sa Pexels kuha ni Mart Production
Normal na makaranas ng mga sintomas na ito kung ikaw ay 4 months nang buntis. Ang mga sintomas tulad ng heartburn, indigestion, constipation, at hirap sa paghinga ay dulot ng paglaki ng baby sa iyong sinapupunan.
Habang lumalaki ang baby ay naapektuhan ang posisyon ng mga internal organs ng mommy. Ito ang mga sintomas na kailangan mong indahin hanggang sa ikaw ay makapanganak.
Samantala, ang mga senyales ng 4 months na buntis tulad ng hirap sa paghinga, varicose veins o spider veins, pananakit ng ligament, at nasal congestion ay sanhi naman ng pagtaas ng production ng dugo.
Sa panahong ito ay maraming extra blood ang dumadaloy sa iyong ugat. Mararamdaman mo ito mula sa 17th week hanggang 35th week ng iyong pagbubuntis.
Sa ika-4 na buwan ng pagbubuntis ay normal lang din na madagdagan ang timbang. Hindi ka na kasi madalas na magsuka tulad noong first trimester ng iyong pagbubuntis. Bukod pa rito ay dumadami na rin ang iyong kinakain dahil sa food cravings na normal na nararanasan ng buntis.
Unti-unti na ring magiging kapansinpansin ang baby bump mo sa panahong ito. Subalit tandaan na hindi lahat ng babae ay halatang-halata na agad ang baby bump sa ika-4 na buwan. Normal ito at hindi dapat ikabahala. Lalo na kung ikaw ay first-time mom.
Kailan dapat pumunta sa doktor?
Kung nababahala ka sa iyong pagbigat o paglaki ng iyong katawan, puwede ka namang magpakonsulta sa doktor. Alam ng iyong medical provider ang history ng iyong kalusugan, pati na rin ang timbang mo bago ka magbuntis at noong first trimester.
Dahil rito, masasabi ng doktor kung sapat lang ba ang iyong timbang o kailangan mo itong bawasan. Mahalagang kumonsulta sa doktor para malaman kung ano ba ang healthy pregnancy weight para sa iyo. Magkakaiba kasi ito sa bawat babae.
Bukod pa rito, magpakonsulta rin sa doktor kung nakararanas ng mga sumusunod:
- Mataas na lagnat
- Matinding pananakit ng likod at tiyan
- Watery vaginal discharge na tila pumutok na agad ang iyong panubigan.
- Matinding pananakit ng ulo
- Labi-labis na bleeding
- Suka nang suka o may diarrhea
- Panlalabo ng paningin o pagkahilo
- Masakit na pakiramdam kapag umiihi
Kapag nakaranas ng mga ganitong senyales sa panahong ikaw ay 4 months nang buntis, posibleng sintomas ito na may problema sa iyong pagbubuntis. Kaya naman mahalagang magpatingin agad sa doktor.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Mart Production
Pangangalaga sa buntis
- Tanungin ang iyong doktor kung sapat ba ang lahat ng iyong prenatal vitamins para sa pangangailangan ng iyong anak.
- Magsimulang gumamit ng mga flat na footwear sa halip na high heels.
- Kumain ng masusustansiyang pagkain. Piliin ang mga pagkaing mayaman sa fiber, whole grains, vitamins, iron, at antioxidants. Mahalaga rin ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa monounsaturated fats na matatagpuan sa nut butters at avocado. Habang iwasan naman ang mga fats mula sa mga pritong karne o fast food. Dagdagan din ang pagkonsumo ng pagkaing mayaman sa calcium para mapalakas ang buto at muscle.
- Manatiling hydrated. Uminom ng maraming tubig para hindi ma-dehydrate. Maaaring magdulot ng pananakit ng ulo, pakiramdam ng labis na pagkapagod, at pagkahilo ang dehydration.
- Bumili na ng mga damit para sa buntis. Mahalaga ang pagsusuot ng maternity clothes para sa mas maging komportable sa paglaki ng iyong tiyan.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Ashwin Shrigiri
Iba pang dapat tandaan
- Pag-usapan ninyong mag-asawa kung gusto niyo ba malaman ang kasarian ng inyong anak.
- Puwede na ring mag-isip ng posibleng ipangalan sa inyong anak kung napagdesisyonan niyo na kung gusto niyo na bang malaman ang kasarian ni baby.
- Maaari niyo na ring pagplanuhan ng iyong asawa kung saan ka manganganak. Puwedeng pumili ng ospital o clinic na sakop ng iyong insurance. Mahalaga rin na malaman kung magiging komportable ka ba sa mga staff ng pipiliing clinic. Puwedeng bumisita muna roon bago ang itinakdang araw ng panganganak.
- Sa puntong ito ay magandang umattend na rin sa mga childbirth class. Puwedeng isama ang iyong asawa para kapwa niyo mapaghandaan ang pagdating ni baby.
- Puwede na rin syempreng magdecorate ng nursery room at bumili ng mga damit ng baby.
Ang susunod na linggo: Buntis ng 18 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 16 linggo
Isinalin sa wikang Ingles ni Fei Ocampo na pahintulot mula sa theAsianparent Singapore
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!