X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sintomas ng 18 weeks na buntis at development ng iyong sanggol

5 min read

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang sweet potato sa 18 weeks. Alamin sa article na ito ang mga sintomas na nararanasan tulad ng paninigas ng tiyan ng buntis pagsapit ng 18 weeks at iba pang mahahalagang impormasyon.

Talaan ng Nilalaman

  • 18 weeks na buntis
  • Gaano na kalaki ang iyong anak?
  • Ang development ng iyong anak
  • 6 na sintomas ng 18 weeks na buntis
  • Paninigas ng tiyan ng buntis pagsapit ng 18 Weeks
  • Pangangalaga sa buntis sa paninigas ng tiyan ng buntis ng 18 weeks
  • Checklist

18 weeks na buntis

Ano na ba ang kalagayan at development ng baby kapag 18 weeks ng buntis? Batay sa ilang mga sintomas, isa ang paninigas ng tiyan ng buntis pagsapit ng 18 weeks.

Mula rin sa iba pang pagbabahagi, kung nasa 18 weeks o 2nd trimester ka na ng iyong pagbubuntis, mararanasan ang paggalaw ni baby sa loob ng tiyan. Ngunit, dahil magkakaiba ang pagbubuntis ng bawat moms, maaaring sa mga susunod pang weeks ito pwedeng maramdaman.

Pagsapit din ng ng 18 weeks ng pagbubuntis, maaari nang makita sa ultrasound scan ang paghikab at pagsinok ni baby. Dito rin sa stage na ito mas nakikita at mas nagiging visible ang pregnant belly ni mommy.

Ano ang nangyayari sa tiyan ng 18 weeks na buntis?

Mas lumalayo ang uterus mula sa pelvic area kapag 18 weeks na buntis na. Magsi-shrink na rin ang baywang dahil patuloy na lumalapit ang uterus sa abdomen.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang sweet potato. Siya ay may habang 14.2cm at timbang na 189.9g. 

paninigas ng tiyan ng buntis 18 weeks - sintomas ng 18 weeks na buntis

Imahe mula sa | freepik

Ang development ng iyong anak

Narito ang mga development ng 18 weeks na buntis.

  • Ang iyong anak ay malikot na. Nararamdaman mo na ang kaniyang sipa.
  • Siya ay nakakahikab na at maaari ninyo itong matyempuhan sa ultrasound.
  • Ang pandinig ng iyong anak ay developed na kaya iwasan ang mga malalakas na ingay.
  • Kung ang iyong anak ay lalaki, ang kaniyang genitals ay buo na. Kung babae naman ang iyong dinadala, ang obaryo niya ay nagsisimula nang mag-produce ng mga itlog.

6 na sintomas ng 18 weeks na buntis

Isa sa mga madaling mapansing sintomas ng 18 weeks na buntis ay madalas na pagkahilo at lightheadedness kapag tumatayo ng mabilisan.

Ito ay dahil sa pagtulak ng uterus sa artery, na pinapabagal ang pagdaloy ng dugo. Nangangahulugan din ito na kapag ang 18 weeks na buntis ay tumayo o umupo ng mabilis, ang rush ng dugo ay nagbubunga ng pagkahilo.

Nangangailangan din ang uterus ng malaking volume ng dugo bilang support sa fetus. Kung kaya, nagiging madalas ang pakiramdam ng lightheadedness.

Makakaramdam ka rin ng pananakit ng likod, dahil naiiba ng paglaki ni baby at ng uterus ang center of gravity pa-forward. Ito ang nagdidiin ng stress sa iyong spine.

Narito ang iba pang mga sintomas na maaaring maranasan ng 18 weeks na buntis:

  • Dahil sa paglaki ng iyong anak, ikaw ay madalas na gutom kaya napapadalas din ang iyong pagkain.
  • Maaaring maging manas ang iyong mga kamay at paa. Natural lamang ito.
  • Mararamdaman mo din ang pananakit ng iyong likod dahil sa paglaki ng bata sa iyong sinapupunan.
  • May mga pagkakataon na ikaw ay makaranas ng pagdudugo ng ilong o nosebleed dahil sa pressure sa mga ugat sa iyong ilong.
  • Siguraduhin na ikaw ay hydrated upang maiwasan ang mga leg cramps.
  • Minsan, nagiging karaniwan ang paninigas ng tiyan ng 18 weeks na buntis

Paninigas ng tiyan ng buntis pagsapit ng 18 Weeks

Kung ikaw ay nasa 18 weeks o second trimester ng pagbubuntis, minsan, maaari kang makaranas ng paninigas ng tiyan. Ang paninigas ng tiyan na ito ang nagdadala ng discomfort ng buntis na 18 weeks.

Batay sa terminong medikal, ang paninigas ng tiyan na ito ay tinatawag na Braxton-Hicks contraction, lalo na kung 18 weeks o 4-6 months ka nang buntis. Ang ganitong klase ng contraction, o tinatawag ding “practice or false contraction”. Kaya, iba ang pattern nito kaysa sa mararamdaman sa labor contractions.

Kadalasan, ang paninigas ng tiyan na ito o contraction ay mapagkakamalang contraction na maaaring lumabas na si baby. Pero, mas nakakatulong ang Braxton-Hicks bilang paghahanda sa uterus pagdating ng labor.

Para malaman kung anong safety measures pagdating sa paninigas ng tiyan ng buntis ng 18 weeks, mag-set ng prenatal visit sa inyong OB-Gyne. Pwede kang payuhan ng iyong OB kung bakit mo ito nararamdaman at ano ang maaaring gawin dito.

paninigas ng tiyan ng buntis 18 weeks - false contraction at pagpapacheck up sa docctor

Imahe mula sa | pexels.com

Pangangalaga sa buntis sa paninigas ng tiyan ng buntis ng 18 weeks

  • Umupo ng tuwid at mag-ehersisyo tulad ng prenatal yoga upang maiwasan ang pananakit ng likod.
  • Matulog ng nakatagilid. Ang pagtulog ng nakatihaya ay maaaring makabawas sa pagdaloy ng dugo papunta sa iyong puso na maaaring maging dahilan ng pagkahilo.
  • Mapapansin mo na ang iyong kamay at paa ay namamanas. Itaas ang mga ito upang bumaba ang sobrang tubig.
  • Gumamit ng iba ibang breathing techniques bago matulog para makapahinga ng maayos.

Checklist

  • Magrelax sa pamamagitan ng pregnancy massage.
  • Maghanap ng maternity insurance.
  • Maghanap ng kasambahay na makakasama mo matapos manganak.

 

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Dagdag na kaalaman na isinulat ni Nathanielle Torre

NHS UK, Medical News Today, Raising Children, Lamaze

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September:  Pure Moms, Pure Love Video Podcast
Absolute Celebrates Mommy Welfare Month this September: Pure Moms, Pure Love Video Podcast

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

feiocampo

Maging Contributor

Inedit ni:

Nathanielle Torre

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Sintomas ng 18 weeks na buntis at development ng iyong sanggol
Share:
  • Buntis Guide: Gabay sa ika-24 linggo ng pagbubuntis

    Buntis Guide: Gabay sa ika-24 linggo ng pagbubuntis

  • Buntis Guide: Mga sintomas ng buntis ng 8 weeks at iba pang dapat malaman

    Buntis Guide: Mga sintomas ng buntis ng 8 weeks at iba pang dapat malaman

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Buntis Guide: Gabay sa ika-24 linggo ng pagbubuntis

    Buntis Guide: Gabay sa ika-24 linggo ng pagbubuntis

  • Buntis Guide: Mga sintomas ng buntis ng 8 weeks at iba pang dapat malaman

    Buntis Guide: Mga sintomas ng buntis ng 8 weeks at iba pang dapat malaman

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.