Ang anemia sa bata ay isang karaniwang kondisyon kung saan ang bilang ng pulang selula ng dugo o ang antas ng hemoglobin sa dugo ay mas mababa kaysa sa normal. Ito ay nagdudulot ng kakulangan ng sapat na oxygen na naihahatid sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng bata. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga pangunahing sintomas ng anemia sa bata:
Mga karaniwang sintomas ng anemia sa bata
Mahalagang malaman kung ano ba ang sign na anemic ang bata. Kaya naman, narito ang mga sintomas na may ganitong karamdaman ang iyong anak:
1. Pagod at nanghihina
Ang pagkapagod at panghihina ay mga karaniwang sintomas ng mababa ang hemoglobin ng bata. Madalas silang makikitang tila laging pagod at walang sigla kahit na sa kaunting pisikal na aktibidad.
2. Maputla ang balat
Ang maputlang balat ay isang sign na anemic ang bata. Mapapansin na ang kulay ng kanilang balat ay hindi kasing kulay ng dati, lalo na sa mukha, labi, at kuko.
3. Iritable
Ang mga bata na may anemia ay madalas na iritable o madaling magalit. Ito ay dahil sa kakulangan ng sapat na oxygen sa utak na nagiging sanhi ng pagbabago sa kanilang mood.
Larawan mula sa Shutterstock
Iba pang sintomas ng mababa ang hemoglobin ng bata
4. Hirap sa paghinga
Ang mga bata na anemic ay maaaring makaranas ng hirap sa paghinga kahit sa simpleng mga gawain tulad ng pag-akyat ng hagdan.
5. Pananakit ng ulo
Isa rin sa sintomas ng mababa ang hemoglobin ng bata ay ang madalas na pananakit ng ulo. Ang anemia ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo dahil sa kakulangan ng oxygen na pumapasok sa utak.
6. Malamig na kamay at paa
Ang mga bata na may anemia ay madalas na may malamig na kamay at paa dahil sa kakulangan ng sapat na dugo na umiikot sa kanilang katawan.
Ayon sa Healthline, narito pa ang ibang sintomas ng anemia sa bata
- Diarrhea o pagtatae
- Pananakit ng tiyan at pagsusuka
- Bukol sa leeg
- Pagsusuka ng dugo
- Dugo sa dumi
- Problema sa cognitive development ng bata
- Pagdurugo ng ilong
Larawan mula sa Shutterstock
Mga gamot sa anemia ng bata
Ang gamot sa anemia ng bata ay nakadepende sa sanhi at kalubhaan ng kondisyon. Narito ang ilang gamot sa anemic na bata:
- Iron Supplements – Kung ang sanhi ng anemia ay kakulangan sa iron, ang pag-inom ng iron supplements ay karaniwang inirerekomenda ng mga doktor na gamot sa anemic na bata.
- Pagkaing mayaman sa iron – Ang pagpapakain ng mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng pulang karne, manok, isda, itlog, beans, at madahong gulay ay makakatulong upang madagdagan ang antas ng iron sa dugo ng bata.
- Vitamin C – Ang pag-inom ng vitamin C supplements o pagkain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C tulad ng citrus fruits, berries, at kamatis ay nakakatulong sa mas mahusay na absorption ng iron sa katawan.
- Blood transfusions – Sa mga malalang kaso ng anemia, maaaring kailanganin ng bata ang pagsasalin ng dugo upang madagdagan ang bilang ng pulang selula ng dugo o red blood cells.
Larawan mula sa Shutterstock
Paano maiiwasan ang anemia sa bata
Upang maiwasan ang anemia sa bata, mahalagang tiyakin na sila ay nakakakuha ng sapat na nutrisyon mula sa kanilang pagkain. Bilang magulang, mahalagang dalahin natin ang ating anak sa doktor. Magpakonsulta sa espesyalista upang malaman ang tamang dami ng iron na kailangan ng ating anak. Importante na obserbahan ang anumang sintomas ng anemia at agad na kumonsulta sa doktor kung may mapansing kakaiba sa kalusugan ng bata.
Ang anemia sa bata ay isang seryosong kondisyon na maaaring magdulot ng malubhang epekto sa kanilang kalusugan at pag-unlad. Ang pagiging alerto sa mga sintomas ng anemia sa bata at ang maagap na paggamot ay mahalaga upang maiwasan ang anumang komplikasyon. Sa tulong ng tamang nutrisyon at gabay ng doktor, maaaring mapanatili ang kalusugan ng mga bata at masiguro ang kanilang magandang kinabukasan.
Pag-inom ng growing-up milk na mayaman sa iron
Marami nang gatas na mabibili sa Pilipinas na mayaman sa iron. Ang pagpili ng growing-up milk na mayaman sa iron ay mahalaga upang maiwasan ang anemia sa bata. Ang anemia ay isang kondisyon kung saan kulang ang red blood cells o hemoglobin sa dugo, na nagdudulot ng kakulangan sa oxygen na naihahatid sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Sa mga bata, ang kakulangan ng iron ay maaaring magresulta sa pagiging mahina, madaling mapagod, at kawalan ng gana sa pagkain. Maaari rin itong makaapekto sa kanilang paglaki, pag-aaral, at kabuuang kalusugan.
Ang iron ay isang mahalagang mineral na tumutulong sa produksyon ng hemoglobin. Kaya’t mahalaga na siguraduhin na ang bata ay nakakakuha ng sapat na iron mula sa kanyang diyeta, lalo na mula sa gatas na iniinom niya araw-araw. Ang mga growing-up milk na may iron ay nakakatulong upang mapunan ang mga pangangailangan ng bata sa nutrisyon, lalo na kung hindi sapat ang nakukuha niyang iron mula sa ibang mga pagkain.
Sa pamamagitan ng pagpili ng tamang gatas, maaari mong masiguro na ang iyong anak ay makakaiwas sa mga sintomas ng anemia at magkakaroon ng masiglang paglaki at maayos na kalusugan.
Iba pang benepisyo ng growing-up milk na mayaman sa iron
Bukod sa pagpigil sa anemia, ang growing-up milk na mayaman sa iron ay may iba pang mahahalagang benepisyo para sa kalusugan at paglaki ng bata:
- Pagsuporta sa cognitive development: Tumutulong ang iron sa cognitive functions ng bata, kabilang ang memorya, konsentrasyon, at learning ability. Ang sapat na iron ay maaaring magresulta sa mas mahusay na academic performance at development ng mga skills.
- Napalalakas ang immune system: Tumutulong ito sa pagbuo ng mga white blood cells, na lumalaban sa mga impeksyon. Ang mga bata na may sapat na iron ay may mas malakas na resistensya laban sa mga sakit.
- Ang iron ay tumutulong sa pagdadala ng oxygen sa mga cells ng katawan, na nagreresulta sa mas mataas na enerhiya. Ang mga bata na may sapat na iron ay mas maliksi, mas aktibo, at hindi madaling mapagod.
- Kadalasan, ang mga growing-up milk na mayaman sa iron ay mayroon ding iba pang nutrients tulad ng calcium at vitamin D. Ang kombinasyong ito ay tumutulong sa pagpapatibay ng buto at ngipin, na mahalaga sa mabilis na paglaki ng bata.
- Mahalaga rin ang iron sa proseso ng metabolism at sa pagbuo ng mga enzymes na kailangan para sa digestion. Ang sapat na iron ay nakakatulong sa maayos na pagproseso ng pagkain at nutrients sa katawan.
- Ang mga batang may sapat na iron ay karaniwang may mas malusog na gana sa pagkain. Ito ay mahalaga upang masigurong nakakakuha sila ng tamang dami ng nutrients mula sa kanilang diyeta, na mahalaga para sa kanilang overall growth and development.
Ang pag-inom ng growing-up milk na mayaman sa iron ay hindi lamang nakakatulong upang maiwasan ang anemia, kundi nagbibigay din ito ng komprehensibong suporta sa iba’t ibang aspeto ng paglaki ng bata.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!