Buntis Guide: Lahat ng kailangan mong malaman sa ika-21 week ng pagbubuntis

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang pomelo. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 21 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagsapit ng ika-21 week, nalagpasan na ng isang buntis ang kalahati ng panahon ng pagbubuntis. Ngayon ay siguradong magsisimula ng maramdaman ang presensiya ni baby sa loob ng kaniyang sinapupunan. Sa bawat paglipas ng mga araw at linggo ay mararanasan na rin ng isang ina ang mabilis na paglaki ng sarili.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Laki ng sanggol sa loob ng sinapupunan pagsapit ng 21 weeks
  • Development ng baby sa ika-21 weeks
  • Pangangalaga sa buntis
  • Checklist o mga dapat na isaisip sa ika – 21 week ng pagbubuntis

Mararamdaman na ang pamaya’t mayang pagsipa at siko habang siya ay naglalaro sa amniotic fluid sa loob ng iyong sinapupunan at paminsan-minsang pag-ikot.

Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 21 weeks at iba pangmga mahahalagang impormasyon.

Gaano na kalaki ang iyong anak?

Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang pomelo. Siya ay may habang 26cm at timbang na 360g. Sa puntong ito ng pagbubuntis, ang iyong tiyan ay makikitaan na ng paglaki at kinakailangan ng magsuot ng maluluwag na mga damit para mas maging komportable.

Dapat na iwasan ang masisikip na mga damit na siyang makakapaglagay ng anumang pressure sa may bandang tiyan.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang development ng iyong anak

Kahit na maliit pa ang iyong baby sa sinapupunan, may mga mararamdaman kang paggalaw mula sa kaniya. Ang kaniyang mga binti ay patuloy na lumalaki mga daliri sa kamay at paa.

Ang mga paggalaw ni baby ay nakikita o nararamdaman na dahil siya ay nasa stage na kung saan ang kaniyang mga cartilage tissue ay tumitigas na para maging buto at ang mga neurons ay nagdidikit-dikit na upang mapagana ang kaniyang mga kamay at paa. Mas nagiging coordinated na ang kanyang mga galaw.

Sa mga nakaraang linggo bago ang ika-21 week, ang atay at lapay (spleen) ng isang baby ay gumagana na upang makagawa ng kinakailangang blood cells para sa lumalaking fetus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa oras naman ng ika-21 week, ang bone marrow ng mga mahahabang buto ni baby ay magsisimula ng tumulong sa paggawa ng blood cells at kalaunan ay titigil na rin ang atay (liver) at lapay (spleen) sa pag-produce nito bago ang kaniyang kapanganakan.

Ang digestiive system ni baby ay nagde-develop na at kaya ng lumunok ni baby ng kaunting dami ng amniotic fluid. Ang fetus ay maaari nang sumipsip kaya naman maaari na rin siyang makaranas ng pagsinok (hiccup) na siyang mararamdaman ng kanyang ina.

Narito ang iba pang mga development at sintomas ng baby sa pagsapit ng ika-21 weeks ng pagbubuntis: 

  • Nagded-evelop na ang kilay at talukap ng mata ang iyong baby. Natutulog na ang iyong anak ng 12 hanggang 14 oras araw-araw.
  • Maaari ng makarinig ng paunti-unti ang iyong baby ngunit hindi pa ito masyadong nade-develop.
  • Gumagana na ang taste buds ng iyong anak kaya nalalasahan ng iyong anak ang iyong mga kinain.
  • Kung babae ang iyong anak, mayroon nang sapat na dami ng itlog sa kaniyang matris at nabuo na ang kaniyang vagina na siyang patuloy pang ma-develop hanggang sa paglabas niya.

Mga sintomas at pagbabago ng buntis sa 21 weeks ng pagbubuntis

Dahil sa paglaki ni baby, sabay din na lumalaki ang tiyan ni mommy. Dahil halata na ang bukol sa tiyan ay dapat ng magdalawang isip sa pagsusuot ng mga masisikip na pantalon at palda. Ang mga maluluwag at komportableng damit ang inaaabisong gamitin tulad na lamang ng loose pants at maternity dresses.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa paglaki ng tiyan, hindi madalas nakakayanan ng balat ang pagbabagong ito kaya naman nauuuwi ito sa paglabas ng mga stretch marks at kung paminsan pa nga ay sinasamahan pa ng mga rashes.

Huwag kalimutan na maglagay ng oil o moisturizer upang maibsan ang epekto nito dahil ang sakit at kati nito maaari ring maging sanhi ng hirap sa pagtulog.

Tumataas lalo ang appetite ng ina dahil kinakailangang suplayan ng mas maraming nutrients si baby para sa kaniyang paglaki. Ito ang dahilan kung bakitmadalas na naghahanap ng makakain atespesipikong pagkain ang babaeng nagbubuntis.

Ang pagsakit ng katawan ay isang normal na kaganapan na rin partikular na sa ibabang bahagi ng likuran. Sa pagsapit ng ika-21 week ng pagbubuntis, ang paglaki ng iyong tiyan ay nagiging dahilan para magbago ang center of gravity na siyang nagtutulak sa iyong likuran paharap.

Samantala, ang mga hormone naman na tumutulong sa pagre-relax ay tumutulong upang lumuwag ang iyong mga kasu-kasuhan sa katawan para mag-expand ang iyong balakang para sa darating na panganganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng buntis ng 21 weeks. | Larawan mula sa iStock

BASAHIN:

Buntis Guide: Ika-26 weeks ng pagbubuntis, mga dapat mong malaman

Ito ang rason kung bakit madalas maglaway ang buntis

LOOK: Buntis, nag-breastfeed sa panganay habang nagle-labor bago manganak

Ang mga iba pang pagbabago at sintomas ng buntis ng 21 weeks na mararamdaman ay:

  • Nararanas na heartburn at indigestion noong first trimester ay maaaring lumala at maranasan ng mgas madalas dahil sa patuloy na paglaki ng matris (uterus).
  • Ang pagkaranas ng constipation ay pangkaraniwan dahil sa mataas level ng progesterone at sa pressure na nailalagay ng lumalaking matris (uterus). Ito rin an dahilan kung bakit madalas ay nakararamdam ng pagiging bloated. Uminom lamang ng maraming tubig at kumain ng fiber-rich food upang maibsan ang constipation.
  • Maaaring makaranas ng hot flashes. Dahil sa mga hormone at magtaas ng metabolismo, makakaramdam ng pamaya’t mayang init at pagpapawis. Subukan lamang na panatilihing kumportable ang sarili at manatili sa malamig na pwesto habang umiinom ng maraming tubig.
  • Ang pagbigat ng timbang ay maaaring maging dahilan ng pananakit sa katawan sa mga susunod pang araw at linggo.
  • Pagkakaroon ng Urinary Tract Infection (UTI) ay madalas na nangyayari sa mga buntis dahil sa paglaki at pagbigat ng kanilang matris sa pantog dahilan para maharangan ang daluyan ng ihi.
  • Ang Braxton Hicks Contractions ay maaari ring maranasan, ito ay ang mga false labor na nangyayari na kung saan paraan ito ng katawan upang maghanda para sa panganganak. Ito ay hindi naman nakasasama hanggat nawawala rin ito sa pagbabago ng posisyon ng upo o paghiga.
  • Maaari ka rin magkaroon ng pregnancy acne dahil sa pagbabago ng oil production ng iyong balat.
  • May mapapansin ka rin na mga naglalabasang varicose veins dahil sa tumataas na pressure sa mga ugat ng iyong binti. Mabuti ang pag-eehersisyo tulad ng paglalakad para maiwasan ang ganitong sitwasyon.
  • Mas mapapadalas na ang leg cramps. Normal lang ito para sa kababaihan na umabot na sa second trimester ng pagbubuntis.
  • Pamamaga at magdurudo ng mga gilagid (gums).
  • Patuloy na pagkakaranas sa ma naunang sintomas tulad ng mood swings, morning sickness, pananakit ng suso, at discharge.

Pangangalaga sa buntis

Larawan mula sa iStock

  • Pag-isipan mo kung gusto mong sumali sa mga antenatal class para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagbubuntis.
  • Maghilamos ng mukha gamit ang mild cleanser upang mapanatiling oil-free ang iyong balat.
  • Mag-ehersisyo araw-araw at itaas ang iyong paa ng madalas upang maiwasan ang varicose veins.
  • Kumain ng nasa healthy diet at samahan ito ng pag-inom ng mga fresh fruit at vegetable. Ang mga masustansiyang pagkain ay mas makapagbibigay ng energy kumpara sa mga junk food at mas makatutulong din sa paglaki ni baby.
  • Para maibsan ang sakit sa ibabang bahagi ng likuran, gumawa ng mga adjustments sa pang-araw-araw na routine. Kung nakatayo na ng matagal, itaas at itapak lamang ang isang paa sa maliit na upuan o bagay upang mawala ang pressure sa likuran at kung nakaupo naman ay gumamit din ng pagpapatunganng paa at iangat ng kaunti ang mga ito.
  • Ang B Vitamins ay mahalaga lalo na ang B1, B2, at B6. Ito ay key nutrients para masuplayan ang energy ni baby na tutulong para sa kanyang development. Kung may iniinom ng supplements ay maaaring nakakukuha na ng maraming B Vitamins ngunit kung hindi ay maaari naman itong makuha sa mga pagkain tulad ng. atay, karne ng baboy, karne ng manok, saging at mga beans.
  • Ang pagsusuot ng mga flat na sapatos ay mainam din para maging maingat lalo na sa tuwing bumababa sa hagdanan. Iwasan din ang pagdaan sa mga madudulas na daanan upang maiwasan ang pagkahulog.

Checklist

  • Hikayatin ang iyong asawa na kausapin ang iyong anak.
  • Maaaring kumuha ng ultrasound dahil sa oras na ito ay maaari ng makita at marinig ang development ni baby.
  • Makinig sa mga soothing music upang makatulong sa iyong pare-relax
  • Iwasan ang maaanghang at mamamantikang pagkain para maiwasan ang heartburn
  • Maligo sa mainit o maligamgam na tubig para maibsan ang sakit sa likuran.
  • Magsimulang maghanap ng mga mag-aalaga sa iyong anak lalo na kung ikaw ay babalik sa trabaho pagkapanganak.
  • Maaari ng gumawa at maghanda para sa preparasyon sa pagdating ni baby. Sa pagpasok ng third trimester ay bababa na ang energy level at mahihirapan na ang mag-aayos sa mga gamit ni baby katulad ng nursery.

Mga maaaring itanong sa doktor

  • Ano ang mga senyales ng gestational diabetes at maaari ba akong magkaroon nito
  • Makatutulong ba ang maternity belt para maibsan ang sakit sa likuran?
  • Ano ang mga dapat pang inumin na supplement at nutrients?

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo

Karagdagang ulat ni Sofia Joco

Source:

NHS, Flo.Health, WhatToExpect

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jasmine Yeo