34 weeks ng pagbubuntis: 8 na bagay na kailangan mong malaman
Sa ngayon ay kasing laki na ng cantaloupe ang iyong baby. Nagsisimula naring magkaroon ng taba ang kaniyang katawan. Narito pa ang ilang pagbabago at mga bagay na dapat mong gawin para mas maging komportable ang iyong pagbubuntis.
Alamin kung ano ang sintomas ng buntis ng 34 weeks tulad ng pananakit ng puson at ang mga pagbabagong nagaganap sa sanggol na nasa loob ng iyong sinapupunan.
Talaan ng Nilalaman
34 weeks na buntis
Sa bilis ng panahon, nasa 34 weeks ka na ng pagiging buntis. Sa panahong ito, kailangan na ring magdahan-dahan sa mga sinasabi. Posibleng naririnig na ni baby ang iyong boses, at maramdaman din kung stress ka. Maaari itong makasama sa iyong baby.
Sa ganitong pagiging 34 weeks din na buntis, may mga pangamba ka na baka dumating na agad si baby. Nariyan ang nararamdamang pananakit ng puson ng buntis sa 34 weeks na aakalain mong labor contractions na.
Sa pagiging 34 weeks na buntis din tila nawawala ang mga sintomas ng buntis. Mas nabibigyan na ng space ang iyong baga dahil sa pagbaba ng baby o tinatawag na lightening. Nababawasan din ang pressure sa iyong stomach, kaya ang sintomas ng heartburn ng buntis ay maaari ring mawala.
Ang mga pagbabagong ito ay relief para sa iyo, ngunit hindi ito nangangahulugang manganganak ka na agad. Kailangan mo pa ring maghintay ng ilan pang mga weeks.
Gaano na kalaki si baby sa ika 34 weeks ng buntis?
Mga developments ni baby sa kaniyang ika-34 na linggo
Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:
- Nagsisimula ng mag-develop ng excessive fat layers ang iyong baby para mapanatiling mainit ang kaniyang katawan.
- Unti-unti na ring nakukumpleto ang kaniyang nervous system.
- Tumubo na rin ang mga kuko sa kaniyang mumunting daliri.
- Kung ang iyong sanggol ay isang baby boy, ngayong linggo ay nagsisimula ng bumaba ang testicles ng kaniyang ari mula sa kaniyang tiyan pababa sa kaniyang scrotum.
Sintomas ng 34 weeks na buntis
Ang isa sa pinakamalaking pagbabago na maaari mong maranasan sa pagiging 34 weeks na buntis ay reduction ng pressure sa iyong dibdib at baga. Bumababa na si baby sa bandang pelvic area. Dagdag pa, mas nagkakaroon na ng space ang iyong baga.
Ngunit, ang sintomas naman ng 34 weeks na buntis sa pagbaba ng baby ay pananakit ng puson. Maliban pa rito, narito ang mga sintomas ng 34 weeks na buntis na kailangan mong malaman.
- Mas makakaramdam ka ng labis na pagkapagod ngayong linggo.
- Mas lalakas rin ang iyong vaginal discharge dahil sa pagbabago sa iyong hormones.
- Ang low blood pressure ay magdudulot sayo ng pagkahilo.
- Pananakit ng puson ng buntos sa 34 weeks o tinatawag na Braxton Hicks contraction.
- Paninigas ng tiyan ng buntis sa 34 weeks ay normal din hangga’t walang nangyayaring pagdurugo at hindi madalas.
- Makakaranas ka rin ng paglabo ng iyong paningin na pansamantala lamang.
- Madalas pa rin ang pagbisita mo sa banyo dahil sa maya-mayang pag-ihi.
- Dahil sa lumalaki mong tiyan, ay hindi makakaexpand ng maayos ang iyong lungs at mas mabilis kang makakaramdam ng pagkahingal.
- Asahan na rin ang pananakit ng iyong binti o leg cramps dulot ng pregnancy weight, swelling at fatigue.
Kung may nararanasang mga sintomas ng 34 weeks na buntis na maaaring hindi na normal, at may pagdurugo, pumunta agad sa inyong doktor.
Pananakit ng puson ng buntis sa ika 34 weeks
Ang nararamdamang pananakit ng puson ng buntis ng 34 weeks ay normal para sa panahong ito. Ito ay tinatawag na Braxton Hicks contraction. Napagkakamalan itong madalas na labor contraction, kaya aakalain ng isang buntis na siya ay manganganak na.
Normal lang maramdaman ang pananakit ng puson ng 34 weeks na buntis dahil naghahanda na ang iyong katawan sa nalalapit na panganganak.
Kung hindi nawawaglit ang pananakit ng iyong puson sa loob ng isang oras at may matinding pagdurugo at pananakit ng lower back, tumawag agad ng emergency para madala ka sa ospital. Maaari kasing ito ay sintomas na ng preterm o premature labor.
Paninigas ng tiyan ng buntis 34 weeks
Katulad ng Braxton Hicks contraction, kasabay din ng pananakit ng puson ng buntis ng 34 weeks ang paninigas ng tiyan ng buntis. Normal itong nararanasan dahil naghahanda na ang iyong katawan sa nalalapit na panganganak.
Ngunit, tulad ng pananakit ng puson, ang paninigas ng tiyan ng buntis ng 34 weeks ay mabilis lamang dapat maranasan sa bawat pagkakataon.
Kung ito ay nararanasan pa rin ng higit na sa isang oras at sinasabayan ng vaginal bleeding at lower back pain, pumunta na agad sa inyong OB-Gyne. Posible na ito ay sintomas na rin ng preterm labor.
Pag-aalaga sa iyong sarili
- Magpahinga hangga’t maari. Ngunit maari paring gawin ang mga activities na makakapagpasaya sayo.
- Panatilihin pa rin ang pag-eexercise ngunit dapat ay ang mga magagaan na uri ng ehersisyo lamang.
- Uminom ng maraming tubig sa araw para hindi makaramdam ng pagkauhaw sa gabi. Iwasan ang aerated drinks.
Ang iyong checklist
- Simulan ng ayusin ang iyong hospital bag.
- Kung nagpaplano kang i-consume ang iyong placenta pagkapanganak ay magsign-up na sa encapsulation ngayong linggo.
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz
Karagdagang ulat na isinulat ni Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.