Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Sintomas ng buntis ng 41 weeks at ang mga paghahanda sa nalalapit na pagdating ni baby.
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-41 na linggo?
Mga developments ni baby sa kaniyang ika-41 na linggo
Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:
- Ang endocrine system ng iyong baby na responsable sa pagpo-produce ng hormones ay handa na sa kaniyang paglabas. Habang ipinapanganak ang iyong baby, siya ay magpo-produce ng pinakamalaking amount ng stress hormones sa buong buhay niya. Ngunit huwag mag-alala! Ang mga hormones na ito ay kakailanganin niya sa pag-aadjust sa bagong mundong lalabasan niya.
- Ang pagbagal sa pag-galaw ni baby sa loob ng iyong tiyan ay indikasyon na narating niya na ang kaniyang ganap na laki. Kaya naman nahihirapan na siyang kumilos at gumalaw sa loob ng iyong tiyan.
Sintomas ng buntis ng 41 weeks
- Sa linggong ito, ikaw ay maaring mag-labour na anumang oras. Ilan sa mga palatandaan na dapat mong bantayan ay ang sumusunod: Pagputok ng iyong panubigan o ang patuloy na pag-agos ng clear na tubig sa iyong pwerta na hindi tumitigil kahit na ikaw ay mag-Kegel exercise, pagkakaroon ng discharge na may hibla ng dugo, at regular at madalas na contractions sa iyong tiyan(Alamin ang kaibahan nito sa Braxton Hicks contractions).
- Habang hindi pa dumadating ang oras na iyon ay patuloy ka paring makakaranas ng maya-mayang pag-ihi, pelvic pains, nesting instincts, hemorrhages, at diarrhea.
Pag-aalaga sa iyong sarili
- Manatili malapit sa mga bathrooms o comfort rooms, para hindi na mahirapan sa maya-mayang pag-ihi.
- Bigyan ng oras ang iyong katawan na makapag-relax. Umupo sa warm tub o pool. Dahil ang tubig ay pinipigilan ang gravity na magbibigay comfort sa iyo sa mga natitirang araw ng iyong pabubuntis.
Ang iyong check list
- Mag-relax at magpahinga. Ang paglagpas sa 40 weeks ng pagbubuntis ay hindi nangangahulugan na ikaw ay overdue na. 70% ng mga post-term pregnancies ay dahil sa maling kalkulasyon ng pagbubuntis o conception.
- Kung hindi ninyo na napa-uusapan ng iyong doktor ang induced labor ay ito na ang tamang panahon. Ngunit, dapat mong maintindihan na kung ang iyong cervix ay hindi pa handang mag-labour, ang iyong doktor ay maaring gumamit ng hormones para palambutin muna ito bago i-induced. Ang gamot na kung tawagin ay Oxytocin ay maaring gamitin para simulan ang induced labor.
- Ihanda ang mga emergency numbers na dapat mong tawagan. Kung makakapansin ka ng malaking pagbabago sa paggalaw ng iyong baby at patuloy ang pagkakaroon ng fluid leakage mula sa iyong vagina ay ipaalam na agad sa iyong doktor.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 42 weeks
Ang iyong nakaraang linggo: 40 weeks pregnant
Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento!
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz