Ikaw ba ay laging nahihilo, inaantok at naninibago sa iyong nararamdaman? Para mas mapalagay ang loob mo, alamin na kung parte ito ng sintomas ng pagiging buntis.
Kahit ang pinakapasensyosang babaeng kilala mo ay naiinip na malaman kung buntis ba siya o hindi. Kadalasan kasi, kailangan mo pang maghintay ng ilang linggo para makumpirma kung nagdadalangtao ka nga.
Sa loob ng panahon na iyon, ang dami mong maaring maisip at maramdaman para akalain na buntis ka na. Pero maaaring senyales lang pala ito na paparating na ang iyong iyong period.
Talaan ng Nilalaman
Kailan dapat mag-take ng pregnancy test?
Isa sa mga pinakamadaling paraan para malaman kung buntis ang isang tao ay ang pagsasailalim sa isang home pregnancy kit o pregnancy test.
Sa isang pregnancy test, isinusuri ang iyong ihi kung mayroong itong hormone na tinatawag na human chorionic gonadotropin (HCG). Magkakaroon ka lang nito sa iyong sistema kung buntis ka.
Ayon sa Healthline, mas maiging maghintay ng isang linggo pagkatapos mong hindi datnan ng regla bago ka mag-pregnancy test. Para makasiguro na tama ang magiging resulta nito.
Para sa ibang tao, napakahirap maghintay ng isa o dalawang linggo para malaman kung buntis siya. Inaasahan man niya ito o hindi.
Buti na lang, mayroon mga senyales na ibinibigay ang ating sariling katawan bilang paghahanda sa pagbubuntis. Narito ang ilang sintomas ng buntis na pwede mong bantayan:
Sintomas ng buntis: 10 maagang palatandaan
1. Pagiging mas sensitibo ng nipples
Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ng kanilang utong o nipples dahil sa pagtaas ng kanilang mga hormones na estrogen at progesterone.
Sa mga unang linggo ng pagbubuntis, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng mas maraming fat at milk ducts. Dahilan para lumaki ito at nagiging mas sensitibo. Mapapansin mo rin na nangingitim ang iyong areolas kaysa sa dating kulay nito.
Ayon sa paglalarawan ng isang ina, tila “razor blades against the nipples” ang pakiramdam. Kaya kung ganito ang nararamdaman mo, baka buntis ka nga.
2. Implantation bleeding
Kapag ang blastocyst ay nakarating na sa iyong uterus, maaari kang makaranas ng pagdurugo. Ito’y tinatawag na spotting o implantation bleeding at karaniwang nararanasan ng mga buntis sa unang trimester.
Kadalasan, napagkakamalan ng ibang babae na ito ang simula ng kanilang regla. Pero mas mahina ang daloy ng dugo kapag spotting at hindi nagtatagal ng ilang araw ‘di tulad ng monthly period.
Pero huwag mabahala. Ayon sa The Royal Women’s Hospital sa Melbourne, “One in four women will bleed in early pregnancy, many of whom go on to have a healthy baby.”
Pinapayuhan ang mga babae na nakakaranas ng pagdurugo sa unang buwan ng pagbubuntis na magpatingin agad sa isang OB-gynecologist para malaman agad ang sanhi nito.
3. Pananakit ng puson
Bahagi ng monthly period ng kababaihan ang pananakit ng puson. Pero maari rin itong maging sintomas na ikaw ay buntis.
May mga babaeng nakakaranas ng pagsakit ng kanilang puson sa unang linggo ng pagbubuntis. Ito ay maaaring dulot ng implantation, paglaki ng uterus, o pagkakaroon ng corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone, hanggang sa mapalitan ito ng placenta sa ika-12 linggo.
Inabisuhan ng Royal Women’s Hospital ang mga pasyente na pumunta agad sa ospital kapag nakaranas ng matinding pagdurugod na nakakapuno ng dalawang napkin pads sa loob ng dalawang oras, pamumuo ng dugo o blood clot (kasing laki na ng golf ball) at matinding pananakit ng tiyan o balikat.
Maaari rin itong samahan ng lagnat, pagkahilo, pagkawala ng malay at kakaibang amoy mula sa ari.
4. Labis na pagod at nagiging antukin
Kuwento ng maraming kababaihan, napapansin nilang buntis sila kapag madalas silang inaantok at nakakatulog ng bandang alas-3 ng hapon.
Kung mahilig kang magpuyat sa gabi, maaring ito ang salarin. Subalit kung mayroon ka namang sapat na pahinga pero inaantok ka pa rin bago maghapunan. Puwede ngang sintomas ito na buntis ka.
Payo ng NSW Health sa mga babaeng nagdadalangtao, ugaliing matulog nang nakatagilid para maiwasan ang posibilidad ng stillbirth.
5. Nausea
Hindi mawawala sa listahan ito ang morning sickness. Ito ang nararanasan ng mga kababaihan sa mga unang linggo ng pagbubuntis. Kung saan nakakaramdam sila ng panghihina at pangangasim ng tiyan. O kaya naman matinding pagsusuka.
Puwede itong mangyari anumang oras pero mas matindi ang sintomas na ito sa umaga, kung kailan walang laman ang tiyan, kaya ito tinawag na morning sickness.
Para mabawasan ang epekto ng morning sickness, makakatulong ang pagkain ng kaunti (kahit crackers lang) sa umaga para mapalagay ang iyong tiyan.
6. Madalas na pag-ihi sa gabi
Kapag ikaw ay nasa huling parte na ng iyong pagbubuntis, ang sanggol sa iyong tiyan ay nagbibigay ng pressure sa iyong pantog na nagiging dahilan para maihi ka ng madalas. Ngunit alam mo bang ito ay puwede ring ituring na maagang palatandaan ng pagdadalangtao?
Sa simula pa lang ng pagbubuntis, nagbibigay na ng lugar ang katawan para sa maliit na taong titira at lalaki rito. Kabilang din rito ang paggawa ng ating hormones ng mas maraming blood flow, na nagreresulta sa madalas na pag-ihi.
7. Constipation
Nahihirapan ka bang maglabas ng dumi kaysa dati?
Habang nagbubuntis, ang ating katawan ay gumagawa ng mas maraming progesterone, isang hormone na nagpapabagal ng ating bowel movement.
Isa pang maaring dahilan ng constipation ay ang iron na isang mahalagang bitamina na kadalasang ibinibigay sa mga buntis.
Ang pag-inom ng maraming tubig at pagdagdag ng mga pagkaing mayaman sa fiber sa iyong diet ay makakatulong labanan ang sintomas na ito.
Kapag nagpatuloy pa rin ang constipation, itanong sa iyong doktor kung maari ka niyang resetahan ng laxative o gamot na makakatulong sa iyong pagdumi.
8. Pagbabago ng panlasa
May mga pagkain ba na gustung-gusto mo dati pero ayaw mo nang kainin ngayon? Maraming kababaihan ang nakapansin na nagbago ang kanilang panlasa nang sila ay mabuntis.
Minsan, nakakatikim sila ng lasang metal sa kanilang bibig o kaya naman dumami ang kanilang laway. Kasama rin dito ang pagdurugo ng kanilang gilagid kapag nagsisipilyo.
Kaya naman kung napansin mo na ayaw mo na ng lasa ng tsokolate samantalang paborito mo ito dati, o kaya ayaw mo na ng amoy ng kape, baka ibig-sabihin nito ay magiging nanay ka na!
9. Pagkahilo
Bahagi rin ng morning sickness ang pagkahilo at pananakit ng ulo. Pero kahit hindi ka nasusuka pero madalas kang mahilo, maari pa rin itong maging senyales ng pagbubuntis.
Posibleng may kinalaman ang sintomas na ito sa pagtaas ng iyong blood supply at mga pagbabago sa circulatory system. Puwede rin namang dahil sa pagbaba ng iyong blood sugar dala ng pagbubuntis.
Makakatulong ang pagkain ng madalas (pero hindi marami) at pagsusuot ng mas maluluwag na damit para mabawasan ang pagkahilo. Kapag nakaramdam ka ng pagkabalisa o parang umiikot ang iyong paligid, mahiga ka muna o maupo at ilagay ang ulo sa pagitan ng iyong mga mga binti.
10. Mood swings
Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa mga unang araw ng kanilang pagbubuntis.
Bakit nga ba nagiging emosyonal ang babae kapag buntis? Narito ang ilang dahilan:
- Kapag nabubuntis, gumagawa ang katawan ng mas maraming estrogen (hormone na may kinalaman sa nerbyos, pagiging iritable o emosyonal) at progesterone (hormone na nagdudulot nang pakiramdam na pagod, katamaran at kalungkutan) na maaring dahilan ng mood swings.
- May mga pagbabago sa iyong katawan na nakakaapekto sa iyong tulog at pahinga, kabilang na rito ang hirap na dala ng morning sickness, kaya naman mas madali kang maging emosyonal o iritable.
- Para sa mga bagong nanay, maari silang makaramdam ng kaba at pag-aalala kapag iniisip nila ang panganganak at pag-aalaga sa kanilang baby.
Ang ilan sa mga sintomas ng buntis o senyales nito sa unang linggo (week 1) ng pagbubuntis na nabanggit ay maaring maging normal lang para sa mga ibang kababaihan, pero kung nakakaramdam ka ng mahigit isa sa mga ito, panahon na para bumili ka ng pregnancy kit o kumonsulta sa iyong OB-gynecologist.
1 week pregnant belly
Tandaan na sa unang linggo ng pagbubuntis, hindi ka pa ganap na buntis sa puntong ito. Ngunit ang iyong katawan ay naglalabas na ng uterine lining mula sa nakaraang buwan at nagsisimulang bumuo ng bago.
Lalo na sa unang dalawang araw ng pagbubuntis – o sa unang dalawang araw ng iyong regla – karamihan sa mga kababaihan ay nakakaranas ng mas mabigat na daloy ng regla.
Fear not, ladies! Sapagkat ito ay makakatulong sa iyong katawan na maghanda para sa isang bagong cycle o sa mga susunod na yugto ng pagbubuntis.
Sa unang linggo ng pagbubuntis, asahang wala at hindi pa magkakaroon ng baby bump. Sapagkat mayroon at magkakaroon pa ng menstruation sa linggong ito.
Ang mga unang senyales ng pagbubuntis ay hindi mararamdaman kaagad. Sa katunayan, nawawala lamang ang regla sa ika-4 na linggo bago sila magsimulang makaramdam ng “kakaiba” sa kanilang mga katawan.
Kulay ng discharge sa buntis sa early pregnancy
Ang white mens, lalo na sa mga 1 week delayed ang regla, ay maaaring senyales at sintomas na ng buntis sa early pregnancy. Ang discharge na ito ay kalimitang pahiwatig ng paparating na regla o dalaw, pero nagiging signal din ito na buntis na ang isang babae.
Tiyakin, kung nag-aabang o nangangambang buntis na, na gumamit ng pregnancy test kit upang malaman kung positibo ka na ngang buntis. Magpakonsulta rin sa doktor kung ito ay pinangangambahang senyales ng iba pang kondisyon. Halimbawa, kung ang white mens ay nag-iiba na ang kulay o napansing hindi normal ang itsura.
Alamin natin kung ano nga ba ang white mens o discharge, at ano ang nagiging kulay nito kapag 1 week delayed ka na at nasa early stage na ng pregnancy.
Ano ang white mens o discharge sa early pregnancy?
Ang white mens o cervical mucus ay pino-produce ng cervix. Nagbabago ang discharge na ito habang nagaganap ang menstrual cycle o dalaw.
Ang wet at slippery o madulas na white mens ay maaaring senyales ng buntis, kapag 1 week delayed ang isang babae. Ang ganitong uri ng discharge ang nagpapadali para sa sperm na makalangoy patungo sa egg cell habang nasa period ng ovulation.
Sa ibang pagkakataon, may mga babae na ginagawan ng chart ang kanilang cervical mucus. Nakakatulong daw ito para matiyak kung kailan posible na mabubuntis.
Kapag naman nasa phase ka na ng early pregnancy, ang pagbabago sa white mens o kulay ng discharge ng buntis ay hindi reliable na sintomas ng pagbubuntis. Pero, kapansin pansin ang pagdami nito. Bunga ito ng pagtaas ng estrogen levels sa katawan ng buntis.
Dagdag pa, ang pagkakaroon ng mataas na white mens o discharge habang nagbubuntis ay nakakatulong sa fetus na makaiwas sa anumang impeksyon.
1 week delayed sintomas ng early pregnancy at kulay ng white mens o discharge ng buntis
Kapag 1 week delayed na, at may napapansin kang milky white discharged o white mens ay isa rin sa mga senyales na ikaw ay may sintomas ng buntis. Ang discharge o white mens na ito kapag 1 week delayed ka na ay normal lamang. Maaari itong maging kulay clear to milky white, malabnaw o malapot, at mild smelling o maamoy.
Sa maagang pagbubuntis o early pregnancy (karaniwan sa unang tatlong linggo ng unang trimester), ilan sa mga kababaihan ay maaaring magkaroon ng malabnaw na puting discharge.
Bilang karagdagan, ang white mens na ito ay resulta ng pagbabago ng hormones, na manipestasyon ng pagsisimula ng pagbubuntis. Maliban pa dito, nakakatulong din ang white mens para malinis ang ari mula sa bacteria, germs, at dumi.
Kulay ng discharge o white mens ng buntis sa early pregnancy
Ang senyales at kulay ng white mens o discharge ay maaaaring magkaiba sa buntis at hindi buntis. Maaari itong magkaiba sa kulay, texture, at maging sa lapot o labnaw.
Bagaman may mga functions ang discharge o white mens sa babae, pinakamahalagang function nito ay ang panatilihing malinis ang kanyang maselang bahagi. Nagtataglay ito ng mga dead cells at bacteria na nakakatulong para mapanatiling malinis at malusog ang vagina.
Dagdag pa, ang dami at itsura tulad ng kulay ng discharge at maaaring maiba-iba sa loob ng menstrual cycle.
Maaaring maiba-iba ang kulay ng discharge o white mens bilang senyales ng mga sumusunod:
- White: nangyayari ito sa simula at pagtatapos ng mesntrual cycle
- Clear at watery o malabnaw: Ang discharge na malinaw at malabnaw ay nagaganap sa buong cycle, at mas nangyayari ito sa tuwing nag-eexercise.
- Clear at stretchy: Kapag ganito ang kulay ng discharge, fertile ang isang babae.
- Brownish: nangyayari ito madalas kapag tapos na ang cycle dahil nililinis ng katawan ang natirang dugo
- White at creamy o may pagkalapot: Dahil sa estrogen sa early pregnancy, nagiging mas marami ang white at malapot na discharge o white mens ng buntis
Kasama ang edad at ibang kondisyon ng kalusugan na nakakaapekto sa dami ng discharge na meron ang isang tao.
Kapag naman nasa early pregnancy ang buntis na babae, senyales nito ang malinaw o clear na kulay ng white mens o discharge at mas marami kaysa normal. Ngunit, hindi laging reliable na senyales ng buntis kapag may pagbabago sa dami, consistency at kulay ng discharge.
Kalusugan sa unang linggo ng pagbubuntis
Kung nalaman mo na ikaw ay nagdadalang tao, matapos ang pagtake ng pregnancy test at nararanasan ang mga early signs ng pagbubuntis.
Natural lamang isipin kung paano mo ihahanda ang katawan o mapaghahandaan ang pagsilang ng isang sanggol. Nararapat lamang din na alam ang dapat gawin, kung paano maaalagaan ang katawan, at ano ang dapat kainin at mga gamot na mainam sa unang linggo ng pagbubuntis. Isa itong responsableng pamamaraan sa paghahanda ng iyong katawan sa pagbubuntis.
Checklist na dapat gawin sa first week ng pagbubuntis:
- Iwasan ang mga unhealthy habits tulad ng labis na pag-inom ng kape, paninigarilyo at maging ang pag-inom ng mga alak.maaaring ma-damage ang development ng utak at baga, at maaaring maging dahilan ito ng miscarriage, kung ang mga habit na ito ay ipagpapatuloy.
- Mag-take ng mga prenatal vitamins araw-araw na mayroong 400 micrograms (mcg) folic acid. Makatutulong ito sa pagbabawas ng mga defect sa panganganak mula sa hindi kompletong pagdevelop ng utak at ng spinal cord.
- Healthy diet. Hangga’t maaari, kumain ng maraming plant-based na pagkain. Ang immune system ng isang nagdadalangtao ay mag-iiba at hindi na parehas ang lakas na mayroon noong hindi pa buntis, dapat panatlihin ang malusog na diet para sa malusog na pagbubuntis.
- Mahalaga rin ang pagpapabakuna para sa mas ligtas na pagbubuntis. Maaaring ikonsidera ang chickenpox vaccine, mumps vaccine at flu shot. Tandaan, dapat na isangguni muna sa iyong doktor ang tungkol sa pagpapabakuna bago ito isagawa.
- Staying active. Makatutulong ito sa maayos na pagtulog at pagbabawas ng stress at anxiety.
- Mainam din na maging aware sa mga red-flag symptoms.
- Pagbisita sa iyong doktor upang mapayuhan ng mga vitamins at supplements na maaring inumin upang makasiuguradong maayos ang iyong pagbubuntis.
- Track your cycle. Mainam na nasusubaybayan ang iyong menstruation upang matukoy kung kailan magsisimula ang iyong cycle, ilang araw ito tumatagal at ano ang petsa ng iyong ovulation.
Narito naman ang ilan sa mga dapat iwasan sa unang linggo ng pagbubuntis:
- Iwasan ang pagkain ng mga hilaw o undercooked meat at itlog. Maaaring maging dahilan ito ng pagkakaroon ng sanggol ng life-threatening diseases o illnesses.
- Iwasan ang madalas na pagkain ng mga processed foods at maging ang ilan sa mga seafoods na mayroong high mercury content.
- Iwasan ang labis na pagkain. Malaki ang tsansa na mailagay sa panganib ang kalusugan ng bata kung ikaw ay nag-gain ng sobrang timbang. Siguraduhing balanse lamang ang timbang at hindi rin bababa ito, magreresulta ito nang kakaunting nutrients na makukuha ng sanggol sa kaniyang development.
- Iwasan ang pagpapamasahe. Ligtas ang ganitong therapy para sa mga buntis, ngunit sa 1st week ng pregnancy, hindi dapat minamasahe ang tiyan sa yugtong ito, sapagkat hindi ito ligtas para sa bata.
- Iwasan ang mga unsafe sports, activities at exercises.
- Iwasan ang mga recreational drugs. Magdudulot ito ng seryosong komplikasyon hindi lamang sa katawan mo, kundi sa sanggol na iyong dinadala.
- Iwasan ang pagpupuyat. Mas malaki ang tsansa ng hirap sa pagbubuntis at panganganak kung sa unang linggo pa lamang nito ay wala nang maayos na tulog ang isang buntis.
Karagdagang ulat mula kina Jasmin Polmo at Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.