Walang pinipiling tao ang virus. Maaaring mahawaan kahit ang mga bata. Sa ilang pag-aaral, ang mga bata na nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 ay maaaring asymptomatic. At hindi natin alam na sila ay carrier na pala ng nasabing sakit.
Sintomas ng COVID-19 sa bata: Asymptomatic nga ba silang maituturing?
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa South Korea, napag-alaman na ang mga bata ay maaaring isang dahilan kung bakit kumakalat ng mabilis ang COVID-19.
Nakita sa pag-aaral na ang mga batang nasa 10 pababa ay maaaring mahawaan at makahawa ng COVID-19 ngunit mababa lamang ang tyansa. Habang ang mga nasa 11 years old hanggang 19 years old ay maaaring makahawa ng nasabing virus katulad rin ng sa matatanda.
Kinakatakot rin nila na ang pagbubukas ng school ay maaaring maging dahilan ng mabilis na pagtaas ng COVID-19 sa mga bata.
Ayon sa isang infectious diseases expert sa University of Minnesota na si Michael Osterholm, posible talaga ang ‘transmission’. At ang tangi na lang na magagawa ay isama sa plano ang mga bata.
“I fear that there has been this sense that kids just won’t get infected or don’t get infected in the same way as adults and that, therefore, they’re almost like a bubbled population.”
Sang-ayon rin sa pag-aaral na ito ang director ng Harvard Global Health Institute na si Dr. Ashish Jha. Ang mga pag-aaral rin na mababa ang transmission ng COVID-19 sa mga bata ay wala pang sapat na ebidensya.
97,000 na bata sa America nag-positibo sa COVID-19 sa loob lamang ng dalawang linggo
Samantala, malaki ang naitalang bilang ng mga nag posibo sa COVID-19 na bata sa Amerika.
Ayon sa isinagawang research at pag-aaral ng American Academy of Pediatrics and Children’s Hospital Association, ang mga bata ay sumailalim sa COVID-19 test at halos 97,000 sa kanila ay nag positibo sa nasabing virus.
Dahil sa isinagawang pag-aaral na ito at hindi biro ang naging bilang ng mga batang nag positibo sa COVID-19, sumangayon ang pediatric infectious disease specialist ng Children’s Hospital Colorado na maaari nga talagang makahawa at mahawaan ng COVID-19 ang mga bata.
“I think it’s showing that, yes, kids can get infected and can spread the infection.”
Noong magsimula pa lang ang pandemya sa America, umabot na ng halos 340,000 na bata ang nakumpirmang nagpositibo sa COVID-19.
Sa positibong bahagi, ang mga batang nagkakaroon ng virus ay wala gaanong epekto sa kanilang kalusugan. Mababa rin ang bilang ng mga batang na-o-ospital ng matagal dahil rito.
Sa Pilipinas naman, maliit pa rin ang porsyento ng mga batang isinailalim sa COVID-19 testing.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
Mas mataas nga ba ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga matatangkad?
STUDY: Mga batang edad 10 pataas dahilan din ng pagkalat ng COVID-19
Skin rashes, bagong sintomas ng COVID-19 ayon sa pag-aaral