Namamaga ang leeg? 6 na sintomas ng goiter sa bata at matanda na dapat bantayan

Mahalagang malaman ng mga magulang kung anu ano ang sintomas ng goiter dahil kapag mas maaga itong natagpuan ay mas mapapabilis ang paggaling sa sakit na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Namamaga ba ang leeg ng bata? Narito ang ilang sintomas ng goiter na dapat mong bantayan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sanhi ng goiter
  • Karaniwang sintomas ng goiter
  • Mayroon bang halamang gamot sa goiter?

Ayaw na ayaw natin na nagkakasakit ang ating anak. Lalo na kung wala tayong alam tungkol sa sakit at hindi natin alam kung paano matutulungan ang ating anak dito. Isa sa mga sakit na hindi natin gaanong naririnig sa mga bata ay ang goiter.

Karaniwan nating naririnig ang goiter sa matatanda, pero alam mo ba na maging mga bata ay puwede ring magkaroon nito? Alamin natin ang mga sintomas ng goiter sa bata at kung paano ba nakukuha ito, pero bago ang lahat, alamin muna natin kung ano ang goiter.

Ano ang goiter?

Larawan mula sa Shutterstock

Ayon sa Healthline, ang ating thyroid gland ay matatagpuan sa ilalim ng ating vocal chord o adam’s apple. Ito ang naglalabas ng hormones na may kinalaman sa ating metabolism, ang proseso na gumagawa ng energy mula sa ating pagkain. Kaya naman ito ay mayroong kinalaman sa pagpapanatili ng tamang tibok ng ating puso, paghinga, digestion, at maging ating emosyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan, kapag tayo ay nagkakasakit, nagkakaroon tayo ng lymph nodes o nodule. Napapansin na namamaga ang ating thyroid gland. Kadalasan ay nawawala naman ito ng kusa. Subalit kung hindi karaniwan at kitang-kita na o halatang-halata na ang paglaki ng ating thyroid gland, ito ay tinatawag nang goiter,

Sanhi ng goiter

Maaaring magkaroon ng goiter dahil sa pamamaga ng thyroid gland, o kapag hindi regulated (masyadong marami o masyadong kaunti) ang thyroid hormone.

Posible rin namang magkaroon ng goiter dahil sa ibang problema sa thyroid dala ng infection, pwede ring thyroid cysts, tumor o maging thyroid cancer.

Ang mga taong walang sapat na iodine sa kanilang diet ay maaari ring magkaroon ng namamagang thyroid gland. Sa mga bata naman, puwedeng ipinanganak silang mayroong goiter, o di kaya ay magkaroon sila nito habang lumalaki.

Ang congenital goiter (mayroon na noong ipinanganak) ay posibleng sanhi ng mga sumusunod:

  • isang namamanang sakit na pumipigil sa sanggol na gumawa ng sapat na thyroid hormone
  • mayroong problema sa thyroid ang ina noong ipinagbubuntis siya
  • mayroong mga iniinom na gamot o droga ang ina na nakaapekto sa thyroid ng kaniyang ipinagbubuntis
  • ang bata ay ipinanganak na kalahati lang ang thyroid.

Samantala, ang goiter na nakukuha lang ng isang tao habang lumalaki ay tinatawag na acquired goiter. Ang mga karaniwang sanhi nito ay ng mga sumusunod na karamdaman:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inaatake ng immune system ang thyroid, dahilan para mamaga ito. Minsan naman, sobra ang pamamaga nito kaya nagiging goiter. Kapag patuloy ang pag-atake ng immune system sa thyroid, nawawalan ito ng kakayahang gumawa ng hormone.

Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng goiter at mataas na thyroid hormone levels sa mga bata, at pangunahing sanhi ng hyperthyroidism sa mga babae.

Sa sakit na ito, inaatake ng immune system ang iba’t ibang bahagi ng thyroid gland, kaya namamaga ito. Pero kabaliktaran ng Hashimoto’s thyroiditis, sobra-sobra naman ang paggawa ng thyroid hormones. Mapapansin na nagkakaroon din ng pamamaga sa paligid ng mata dahil rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

  • Mayroon ding tinatawag na colloid goiter (o”adolescent goiter”)

Sa kondisyong ito, lumalaki ang thyroid nang husto sa panahon ng puberty, kaya namamaga ang thyroid gland. Subalit normal pa rin ang thyroid, kaya pangkaraniwan lang ang pamamaga, at kusa namang nawawala nang hindi ginagamot.

  • Viral o bacterial infections

Minsan, mga impeksyon rin dala ng virus o bacteria ang nagdudulot ng pamamaga at paglaki ng thyroid gland. Sa mga kasong ito, nakakaramdam ng sakit ang taong may goiter.

 

Sino ang posibleng magkaroon ng goiter?

Ayon sa Healthline, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng goiter ang mga taong:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • May family history ng thyroid cancer, nodules at iba pang problema sa thyroid
  • Walang sapat na iodine sa kanilang diet
  • May kondisyon na kumukonsumo ng maraming iodine sa katawan
  • Babae; mas maraming babae ang nagkakaroon ng goiter kaysa lalaki
  • Edad 40 pataas
  • Buntis o nakakaranas ng menopause, dahil nakaka-trigger ito ng mga problema sa thyroid
  • Sumailalim na sa radiation therapy sa bandang leeg o dibdib.

Ano ang sintomas ng goiter?

Ang isang pinakamadaling makitang sintomas ng goiter ay ang paglaki o pamamaga ng leeg ng isang tao. Ngunit hindi lahat ng goiter ay may ganitong sintomas.

Narito ang ilang palatandaan na dapat mong alamin:

  1. Pamamaga sa leeg na nakakapa o nahahawakan
  2. Paninikip ng lalamunan
  3. Pagkapaos
  4. Nahihirapang lumunok
  5. Nahihirapang huminga kapag nakahiga
  6. Pagkahilo kapag itinataas ang kamay sa ibabaw ng ulo

Kung mayroong ganitong sintomas ang iyong anak, mas mabuting dalhin siya sa doktor upang masuri kung goiter nga ba ang kaniyang karamdaman.

Posibleng mayroong goiter ang iyong anak dahil sa kakulangan ng iodine, pero posible rin itong dahil sa iba pang kondisyon. Kaya’t mahalagang dalhin siya sa doktor upang makapagsagawa ng karagdagang pagsusuri upang matukoy ang mismong sanhi ng pamamaga.

BASAHIN:

Kulani: Sanhi, Sintomas at Gamot sa Pamamaga ng Lymph Nodes

Hyperthyroidism sa mga bata: Sanhi, sintomas, at epekto

6 warning signs ng goiter o problema sa thyroid na dapat bantayan

Paano malalaman kung goiter nga ito?

Para makasiguro, mayroong iba-ibang paraan ang mga doktor upang malaman kung mayroong goiter ang isang tao. Isa sa mga unang gagawin ay ang pagkapa sa bandang leeg. Maaari ring matukoy kung may goiter sa pamamagitan ng mga blood test upang malaman kung mayroong pagbabago sa hormone levels.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede ring magsagawa ang doktor ng thyroid scan, ultrasound at biopsy upang malaman kung gaano kalaki ang goiter, kung ano ang posibleng sanhi nito, at kung gaano kita kalubha.

Gamot para sa goiter

Depende sa laki, sanhi at sintomas ng goiter na mayroon ang pasyente, magbibigay ng payo ang iyong doktor sa kung anong dapat gawin.

Kung hindi gaanong malaki ang goiter, at wala naman itong epekto sa iyong anak, madalas ay hinahayaan lang ito ng doktor at inoobserbahan. Maaari ring magbigay ng payo ang doktor na dagdagan ang iodine sa diet ng iyong anak.

Kung dahil naman ito sa hypothyroidism, posibleng magbigay ng reseta ang doktor upang magamot ang hypothyroidism at maglabas ng tamang hormones ang thyroid ng iyong anak.

Kung hyperthyroidism naman ang sanhi, nagbibigay rin ang doktor ng reseta para sa mga gamot na nakakapagpababa ng lebel ng hormones sa iyong anak.

Mayroong mga pagkakataon na kinakailangang operahan ang goiter, pero ito ay madalas na ginagawa lang para sa malalaking goiter, o kaya kapag ito ay naging thyroid cancer.

Posible ring gumamit ng tinatawag na radioactive iodine upang gamutin ang thyroid gland na masyadong aktibo. Sinisira nito ang cells sa thyroid gland, ngunit posible rin itong magdulat ng pagkakaroon ng underactive na thyroid.

Para naman sa mga nagnanais ng natural na pamamaraan ng paggamot sa goiter, narito ang ilang home remedies na pwede mong subukan:

Larawan mula sa Shutterstock

  • Kumain ng mga gulay na hitik sa iodine tulad ng seaweed.
  • Nakakabawas umano nang pamamaga ang pagkain ng bawang dahil isa itong anti-inflammatory na gulay.
  • Ang pag-inom din ng green tea ay nakakatulong upang maibsan ang pamamaga na sanhi ng goiter.
  • Ang mga herbs tulad ng bugleweed, oat-straw, lemon balm and horsetail ay nakakatulong raw upang balansehin ang hormone levels ng iyong katawan at makabawas sa pamamaga ng thyroid.

Gaya ng nabanggit, minsan ay hindi na nangangailangan ng gamot sa goiter dahil kusa itong nawawala. Subalit para makasiguro, mas makabubuting kumonsulta sa doktor upang malaman kung anong dapat gawin.

Kapag napapansin na patuloy na lumalaki ang goiter, o kung biglaan ang paglaki nito na may masamang pananakit, pagbabago sa kaniyang boses at hirap sa pagkain, huwag magdalawang-isip na dalhin siya sa doktor.

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Source:

Mayo Clinic, Healthline, Kids Health

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara