Sintomas ng polio sa matanda at bata, anu-ano nga ba? At ano ang pinakamabisang paraan upang ito ay maiwasan?
Kaso ng polio sa Pilipinas nadagdagan
Sa kabila ng isinagawang massive vaccination sa buong bansa noong mga nakaraang buwan, iniulat ng DOH na may 4 na bagong kaso ng polio ang naitala sa Pilipinas.
Dalawa sa mga ito ay nagmula sa Maguindanao na parehong batang lalaki, na edad 2 at 3 taong gulang. Ang pangatlo ay isang taong gulang na batang lalaki mula sa Sultan Kudarat. At ang pang-apat ay batang lalaki mula naman sa Quezon City.
Sa kabuuan ay may naiulat na 16 na kumpirmadong kaso ng polio sa Pilipinas mula noong September 2019. Kaya naman kaugnay nito ay muling mag-iikot ang DOH para magbigay ng libreng bakuna. Ang libreng bakuna ay para sa mga batang 5 anyos pababa. Dahil ayon sa mga eksperto, ang bakuna kontra polio ang pinaka-mabisang paraan upang makaiwas ang isang bata sa epekto ng sakit. Lalo pa’t sa ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas para dito.
Sabayang Patak Kontra Polio campaign extension
“I urge all parents and caregivers of children under five years old to take part in the coming SPKP campaign rounds scheduled in your respective areas. Have your children, including those with private physicians or pediatricians, vaccinated with oral polio vaccine by health workers and bakunators. Additional polio doses can provide additional protection to your children. There is no overdose with the oral polio vaccine.”
Ito ang panghihikayat ni DOH Secretary Francisco Duque III. Lalo na sa mga magulang na hindi pa napapabakunahan ang kanilang anak laban sa polio kahit isang beses.
Surveillance ng Acute Flaccid Paralysis o AFP
Pinaalalahanan din niya ang mga local health centers na i-report ang mga kaso ng mga batang nakakaranas ng acute flaccid paralysis o AFP. Ito ay ang biglaang pagka-paralyze o panghihina ng kahit anong parte ng katawan. Partikular na sa mga batang 15 anyos pababa. Dahil ayon sa World Health Organization ay makakatulong ang surveillance sa mga kaso ng sakit upang ma-detect at matukoy kung ito ba ay dulot ng poliovirus at agad na ma-kontrol kung kinakailangan.
“The outbreak must be put to a halt, and we can only do this if all our health facilities are achieving the targets for all AFP surveillance indicators, and if every SPKP round, ALL of the target population are reached and vaccinated. The DOH, its partners, and the LGUs will continue to work hand-in-hand to ensure that no child is left behind in our fight against polio.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni DOH Secretary Duque.
Samantala, ang extension ng Sabayang Patak Kontra Polio campaign o SPKP ay muling magsisimula ngayong January 20-February 2 sa lahat ng rehiyon sa Mindanao. At Janury 27-February 7 naman sa National Capital Region o NCR.
Sintomas ng polio sa bata at matanda
Ayon sa WHO, ang poliomyelitis o polio ay isang highly infectious viral disease. Ito ay karaniwang umaatake sa nervous system ng isang tao. At madalas maliliit na bata ang nakakakuha ng sakit na ito.
Ito ay maaaring mai-transmit sa pamamagitan ng paghawak, pagkain o pag-inom ng mga pagkaing na-contaminate ng dumi o feces ng taong may taglay ng polio virus.
Ang mga sintomas ng polio ay lagnat, fatigue, pananakit ng ulo, pagsusuka at pananakit ng leeg, pananakit ng kalamnan at pangangalay ng binti at mga kamay. Kapag napabayaan ang mga nasabing sintomas ay maaring mauwi ito sa paralytic polio o pagka-paralisa ng pasyente. Maari ring umakyat ang virus sa utak na magiging sanhi naman ng pagkamatay.
Paano maiiwasan ang polio
Ayon sa CDC o Center for Disease and Control Prevention, ang poliovirus ay may tatlong uri. Ito ang type 1, type 2 at type 3. Ang pinakamagandang paraan para maiwasan ng isang tao ang pagkakaroon ng sakit na ito ay sa pamamagitan ng anti-polio vaccine. Ito ay libreng ipinamimigay sa mga pampublikong health centers at ospital.
Maliban sa anti-polio vaccine na ibinibigay sa mga bata ay ipinapayo rin ng DOH na panatilihin ang proper hygiene at proper sanitation para maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Siguraduhing laging maghuhugas ng kamay. Dapat ay malinis ang tubig na iniinom at niluluto nang maigi ang pagkaing hinahain. Sa pamamagitan ng mga paraan na ito at pagkakaroon ng sapat na bakuna ay malalabanan ang sakit na polio.
SOURCES: Rappler, Relief Web, WHO, CDC
BASAHIN: Epekto ng sakit na polio: Kwento ng isang polio survivor, 21 hospitals na nagbibigay ng libreng bakuna kontra polio, Polio Outbreak: 4 na bagong kaso ng polio sa bansa, kumpirmado ng DoH
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.