X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Mas high risk sa abnormal na pagtibok ng puso ang mga big babies

4 min read
STUDY: Mas high risk sa abnormal na pagtibok ng puso ang mga big babies

Ayon sa pag-aaral, kinakailangang bantayan ang sintomas ng sakit sa puso ng baby lalo na kung ito ay mayroong mabigat na timbang nang sila ay ipinanganak. | Lead image from iStock

Maaaring maging banta sa kalusugan ang mga sanggol na mayroong mabigat na timbang. Ayon sa isang pag-aaral na ipinakita sa 31st Great Wall International Congress of Cardiology (GW-ICC) noong October 19, 2020, kinakailangang bantayan ang sintomas ng sakit sa puso ng baby lalo na kung ito ay mayroong mabigat na timbang. Mas high risk kasi sila na magkaroon ng heart rhythm disorder kapag sila ay tumanda.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng Heart rhythm disorder
  • Payo ng mga doktor upang maiwasan ito
sintomas ng sakit sa puso ng baby

Sintomas ng sakit sa puso ng baby: Heart rhythm disorder | Image from Unsplash

Ayon sa may akda na si Dr Songzan Chen ng Zhejiang University,

“Our results suggest that the risk of atrial fibrillation in adulthood may be higher for large newborns (over 4,000 grams or 8 pounds 13 ounces) than those with normal birth weight.”

Ang Atrial Fibrillation sa malalaking sanggol

Mahigit 40 million na tao sa buong mundo ang nakakaranas ng atrial fibrillation. Ito’y isang pangkaraniwang uri ng heart rhythm disorder. Upang malaman ng mas malalim ang pinagmulan nito at kung ano ang maaaring maging hakbang para mapigilan, nagsagawa ng pag-aaral ang mga researcher sa posibleng koneksyon ng birth weight at atrial fibrillation.

Ginamit sa pag-aaral na ito ang Mendelian randomisation. Kabilang ang 321,223 na mga indibidwal para masuri ang 132 genetic variants na konektado sa birth weight. Tinatayang nasa 537,409 na participant ang kasali sa Atrial Fibrillation Consortium. Ang 55,114 dito ay nagkaroon ng atrial fibrillation habang ang 482,295 ay hindi. Gamit ang datos na nakuhang ito, malalaman nila kung sino ang unang grupo na kabilang.

Advertisement
sintomas ng sakit sa puso ng baby

Sintomas ng sakit sa puso ng baby: Heart rhythm disorder | Image from Dreamstime

Sa findings ng pag-aaral, ang mga sanggol na ipinanganak na lagpas sa average normal weight ay 30% na high risk na magkaroon ng heart rhythm disorder habang sila ay lumalaki.

Ayon pa kay Dr. Chen,

“A major strength of our study is the methodology. Which allows us to conclude that there may be a causal relationship between high birth weight and atrial fibrillation. However, we cannot discount the possibility that adult height and weight may be the reasons for the connection. Birth weight is a robust predictor for adult height, and taller people are more likely to develop atrial fibrillation. Previous research has shown that the link between birth weight and atrial fibrillation was weaker when adult weight was taken into account.”

BASAHIN:

Sakit sa tiyan, Kawasaki disease at iba pang sakit na lumalabas sa mga batang may COVID-19

Mga sakit na maaaring matukoy sa pamamagitan ng Congenital Anomaly Scan

Babae nagkaroon ng malalang sakit dahil sa sugat na natamo sa pagpapa-pedicure

Paano mapipigilan ito sa mga sanggol?

Matapos malaman ng mga researcher ang genetic evidence at koneksyon ng timbang ng sanggol kapag pinanganak sa magiging risk nila sa atrial fibrillation, ang payo nila ay gawin ito hanggat maaga pa.

Payo ni Professor Guosheng Fu ng Sir Run Run Shaw Hospital (SRRSH) sa mga buntis na babae ay kinakailangan nilang bigyan ng pansin ang kanilang diet at regular na pagbisita sa doktor,

“Pay more attention to the diet control and regular check-ups. Especially for those with obesity or diabetes.“

Para naman sa mga sanggol na ipinanganak na mayroong mabigat na timbang, kinakailangang ipatingin o ipasuri ang kanilang lifestyle at alamin ang maaaring maging epekto ng heart rhythm disorder sa kalusugan.

sintomas ng sakit sa puso ng baby

Sintomas ng sakit sa puso ng baby: Heart rhythm disorder | Image from Unsplash

Isang payo ang iniwan ni Professor Michel Komajda, maiiwasan ang atrial fibrillation sa pagkakaroon ng regular na physical activity at pagiging disiplinado sa pagkontrol ng timbang.

Dagdag pa ni Dr. Chen na,

“Preventing elevated birth weight could be a novel way to avoid atrial fibrillation in offspring. For example with a balanced diet and regular check-ups during pregnancy, particularly for women who are overweight, obese or have diabetes.”

 

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • STUDY: Mas high risk sa abnormal na pagtibok ng puso ang mga big babies
Share:
  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko