Alam agad ng isang magulang kapag may sakit ang kaniyang anak. Maging sipon man yan, ubo o tigdas, alam ni “doctor mommy” o “doctor daddy” ang gagawin. Subalit, may ibang mga magulang na napapagkamalang ang sipon ang sinusitis ng kanilang anak. Kung isa ka sa kanila, alamin sa article na ito ang sintomas ng sinusitis at paano ito gagamutin.
Pediatric sinusitis vs common cold o sipon
Madalas mapagkamalan na sipon ang sinusitis sa bata. Bagama’t magsisismula ito na halos magkapareho, mayroon silang pagkakaiba.
Sa sipon o common colds, ang lining ng ilong at sinus cavities ng isang bata ay namamaga. Ito ang nagiging dahilan kaya tumutulo ang sipon. Kapag nagamot na ang sipon, ang lining at sinus cavities ay bumabalik na sa original na size nito.
Subalit may mga pagkakataon na ang pamamaga ay hindi nawawala. Nagkakaroon ng blockage sa likod ng ilong at napupuno ang sinus ng bacteria at fluid. Ito ang tinatawag na sinusitis sa mga bata.
Find out how to tell if your child is dealing with sinusitis!
Sintomas ng sinusitis sa mga bata
Ang sintomas ng sinusitis sa mga bata ay halos kapareho ng sa sipon. Narito ang ilan sa mga pagkakaiba na kailangang bigyan ng pansin:
- Pamamaga sa paligid ng mata, lalo na sa umaga
- Madalas na mabaho ang hininga kahit pa ang iyong anak ay palaging nagto-toothbrush
- Masakit ang ulo
- Lagnat na tumatagal ng 4-5 araw
- Iba pang sintomas ng sipon na hindi nawawala pagkalipas ng sampung araw, kabilang na ang ubo.
Gamot sa sinusitis ng mga bata
Ang mga batang may sinusitis ay kinakailangan na dalhin sa doctor, lalo na kung hindi nawawala ang mga sintomas ng sinusitis pagkalipas ng isang linggo. Sila ay papainumin ng antibiotic at bubuti ang pakiramdam sa loob ng 3 hanggang 4 na araw. Dahil sa gamot, mawawala ang ubo at sakit ng ulo hanggang sa bumalik ang size ng sinus sa normal na laki.
Makakatulong din ang paglalagay ng mainit na tuwalya sa mukha ng bata habang nagpapahinga. Maaari mo din bigyan ng saline nose drops ang iyong anak kung makapal ang nasal discharges, upang maging madali ang kaniyang pagsinga.
Puwede din gumamit ng cool-mist type ng humidifier upang mabawasan ang bara ng ilong pati na din mas maging magaan ang pakiramdam ng bata.
Sinus Surgery
May mga matatanda na may sinusitis na pinipiling magpaopera. Ito ba ay kailangang gawin para sa bata? Hindi. May mga iba’t ibang factors kung bakit nangyayari ang sinusitis sa mga bata. Subalit, may mga espesyal na pagkakataon din na kinakailangan ng sinus surgery ng isang bata.
May alam ka ba na tips para sa sinusitis ng bata? Ibahagi ang mga ito sa amin sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa ibaba!
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Basahin: Trangkaso o sipon lang: Alamin ang pagkakaiba ng dalawa
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!