Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

Narito ang mga sintomas ng UTI pati ang mga paraan para ito ay malunasan at tuluyan ng maiwasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakaramdam ka ba ng sakit sa iyong puson lalo na kapag umiihi? Baka mayroon kang UTI! Alamin ang iba pang sintomas ng UTI sa babae at kung paano maiiwasan ito.

UTI sa mga babae

Ang urinary tract infection o UTI ay isang uri ng sakit na tumatama sa ating urinary system kasama ang kidney, pantog at urethra. 

Isa sa pangunahing sanhi ng UTI ay ang bacteria na E.coli. Ito ang uri ng bacteria na nagmumula sa intestines o tiyan na lumalabas sa ating anus o puwet.

Habang 1 sa 10 lalaki lang ang nagkakaroon ng UTI, mas malaki naman ang posibilidad na magkaroon ng ganitong sakit ang mga babae.

Ayon sa Healthline, mas mataas ang posibilidad ng mga babae na magkaroon ng UTI dahil mas maiksi ang ating urethra kung saan dumadaloy ang ihi, kaya mas madaling makapasok ang bacteria at makarating sa ating pantog.

Malapit din ang puwet sa puwerta o vaginal opening ng mga babae kaya mas madaling makapasok ang bacteria sa loob nito at makaakyat sa bladder o pantog at makapagdulot ng impeksyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng UTI sa babae| Image from Freepik

Sanhi ng UTI 

Isa sa mga posibleng sanhi ng sakit na UTI ay kapag pinapasukan ng bacteria ang urethra ng isang tao. Madalas nangyayari ito kapag hindi nalinis  ng maigi ang bahaging ito pagkatapos umihi.

Kung pinipigilan mo rin ang iyong pag-ihi at hindi ka madalas uminom ng tubig, mas malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng sakit na ito.

Gayundin, mataaas din ang tiyansa na magkaroon ng UTI kung sexually active o mahina ang immune system ng isang tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng UTI sa babae

Pero paano mo nga ba masasabi na mayroon ka ng sakit na ito? Narito ang ilang sintomas ng UTI sa babae na dapat mong bantayan:

  • Mahapding pakiramdam kapag umiihi.
  • Madalas na pag-ihi at pakiramdam na laging naiihi kahit wala o kaunti lang ang lumalabas.
  • Pananakit o pressure sa iyong likod o puson.
  • Malabo, madilim (dark) o kulay pink na ihi (kung pink, maaaring may kasama itong dugo).
  • Malakas o kakaibang amoy ng ihi.
  • Matinding pagod.
  • Lagnat at panginginig ng katawan (senyales na ang impeksyon ay umakyat na sa iyong kidney).

Kung makakaranas ng mga sumusunod na sintomas ng UTI, agad na magpunta sa doktor para masuri at makumpirma kung positibo ka sa sakit na ito.

Isang paraan para matukoy ang UTI ay sa pamamagitan ng urinalysis, o pagkuha ng urine sample mula sa tao para makita kung ito ay may taglay na UTI-causing bacteria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng UTI sa babae| Image from Freepik

Gamot sa UTI

Kung matutuklasan sa iyong urinalysis na mayroon kang UTI, maaari kang resetahan ng iyong doktor ng antibiotics. Ito ay para puksain ang mga bacteria na nagdudulot ng impeksyon.

Dapat tapusin ang prescribed cycle ng antibiotic para siguradong tuluyang gagaling mula sa impeksyon. Sa loob ng 3 araw ng pag-inom ng antibiotic, maaari nang mawala ang mga sintomas ng UTI.

Napakahalaga rin ang pag-inom ng maraming tubig para mailabas sa katawan ang mga bacteriang ito.

Maaari ring magreseta ang doktor ng gamot sa UTI para maibsan ang pananakit sa pag-ihi. Makakatulong din ang paggamit ng heating pad para sa pananakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May ilang pag-aaral naman ang nagsabi na ang pag-inom ng cranberry juice ay makakatulong din para lunasan ang sintomas ng UTI. Ito ay dahil ang red berry ay nagtataglay ng tannin na pinipigilan ang E.coli bacteria na dumikit o manatili sa bladder at magdulot ng impeksyon. 

Maaari ring makatulong ang pagkain ng mga probiotics at mga pagkain o inuming natural na diuretic gaya ng sambong, banaba at buko juice para mailabas sa ihi ang bacteria at malinis ang urinary system.

Chronic UTI

Samantala, may ilang kaso ng UTI na bumabalik kahit gumaling na mula rito. Ilan sa mga babaeng may malaking posibilidad na magkaroon ng chronic UTI o secondary urinary tract infection ay ang sumusunod:

  • Mga may diabetes
  • Mga buntis
  • May multiple sclerosis
  • Mga sakit na umaapekto sa pag-ihi gaya ng kidney stones, stroke at spinal cord injury

Gamot sa UTI na pabalik-balik

Kung nagkakaroon ng UTI ng tatlong beses o higit pa sa loob ng isang taon, nirerekomenda ng mga doktor na dumaan sa isang special treatment. 

Narito ang ilan sa mga posibleng hakbang:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pag-inom ng mas mababang dose ng antibiotic ng mas mahabang panahon para maiwasan ang pagbabalik ng mga sintomas ng UTI at impeksyon.
  • Ang pag-inom ng single dose ng antibiotic pagkatapos makipagtalik (ang sex ay isa sa mga common triggers ng UTI).
  • Pag-inom ng antibiotics sa loob ng isa o dalawang araw, tuwing nakakaranas ng sintomas ng UTI.
  • Paggamit ng at-home urine test kit kapag nakakaranas ng sintomas ng UTI. Ito ay para alam mo na kung kailangan mo nang magpunta sa doktor para magpareseta ng gamot sa UTI.

Samantala para maiwasan ang pagbalik ng UTI ay may ilang bagay ang dapat gawin at tandaan. Ito ay ang mga sumusunod:

Sintomas ng UTI at gamot sa UTI | Image from Freepik

Mga dapat tandaan para maiwasan ang UTI

  • Huwag magpigil ng ihi, lalo na sa mahabang oras.
  • Ugaliing magpunas ng ari mula harap papunta sa likod pagkatapos umihi o dumumi.
  • Uminom ng maraming tubig. Dapat higit sa 8 baso sa isang araw. 
  • Uminom ng Vitamin C supplements o kumain ng mga prutas na mayaman sa bitaminang ito. Ito ay dahil sa napapataas ng Vitamin C ang acidity ng ating ihi na makakapatay sa mga bacteria.
  • Gumamit ng shower imbis na magbabad sa bathtub.
  • Iwasan ang paggamit ng feminine hygiene sprays, scented douches, at scented bath products dahil nagdudulot ang mga ito ng irritation.
  • Linisin ang genital area bago makipagtalik. Ugaliin ding umihi pagkatapos makipagtalik.
  • Kung nagkaroon ng UTI habang gumagamit ng diaphragm, unlubricated condoms, o spermicidal jelly bilang birth control, sumubok muna ng ibang method. Nagdudulot din ang mga ito ng irritation na maaaring pagsimulan ng sintomas ng UTI.
  • Panatilihing tuyo ang genital area sa pamamagitan ng pagsusuot ng cotton underwear at maluluwag na damit. Iwasan ang masikip na jeans at nylon underwear dahil mas nagpapawis ang genital area na mas gustong pamahayan ng mga bacteria.
  • Magpalit din ng underwear ng madalas para maiwasang maipon at makapasok ang bacteria.
  • Ugaliin ring maging malinis sa paligid. Linisin ang iyong banyo at gumamit ng antibacterial toilet bowl cleaner para puksain ang mga bacteria gaya ng E.coli

Ang pagpapanatili ng malinis na katawan, tamang nutrisyon at malakas na immune system ay makakatulong para maiwasan ang sakit na UTI.

Tandaan: karaniwan man ang sakit na ito sa ating mga babae, hindi dapat ito ipagwalang-bahala dahil maari itong magdulot ng mga komplikasyon.

Kung nakakaramdam ng mga sintomas ng UTI (lalo na sa mga bata), kumonsulta agad sa iyong doktor.

 

 

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.