Bunsong anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Sixto Dantes nag-celebrate ng kaniyang 4th birthday party. Dingdong tinawag si Marian na “Super Mama” sa pag-aarange ng birthday party ng anak.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Sixto Dantes 4th birthday party.
- Mensahe ng pasasalamat ni Dingdong sa misis na si Marian Rivera.
Sixto Dantes 4th birthday party
Kitang-kita ang kasiyahan ni Sixto Dantes sa kaniyang 4th birthday celebration. Sa Instagram ay ibinahagi ng kaniyang celebrity mom na si Marian Rivera ang ilang tagpo sa naging birthday party ni Sixto.
“Happy 4th Birthday Six. We love you so much, my sweet baby boy! 😘♥”
Ito ang caption ng kaniyang IG post tungkol sa 4th birthday celebration ng kaniyang anak.
Ang 4th birthday party ni Sixto ay may theme na Pinocchio. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Marian na napakasaya ng anak sa party na kung saan may bubble show, puppet show, magician at face painting.
Very cute din si Sixto sa larawang kuha habang siya ay masayang kumakain ng cotton candy. Pati narin ang mga selfies nila ng ate niyang si Zia ay nagpapakita ng labis na kasiyahan ng little boy nila Marian at Dingdong sa birthday celebration niya.
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
Mensahe ng pasasalamat ni Dingdong sa misis na si Marian Rivera
Samantala, dahil sa hindi maikakailang kasiyahan ng anak sa kaniyang 4th birthday ay pinasalamatan ni Dingdong si Marian. Tinawag niya pa itong “Super Mama” na siyang nag-arrange daw sa lahat ng kailangan sa 4th birthday ng kanilang bunsong anak.
“Thanks for arranging everything, SuperMama.”
Ito ang mensahe ni Dingdong kay Marian.
Sa kaniyang Instagram ay may post din si Dingdong tungkol sa anak na si Sixto. Ang caption niya ay ito.
“The fourth of The Fourth. 🎂”
Dahil si Sixto ay nagngangalang Jose Sixto G. Dantes IV na nag-celebrate ng kaniyang 4th birthday kamakailan lang. Ang pangalan ni Sixto ay isinunod sa kaniyang ama na si Dingdong Dantes na si Jose Sixto Raphael Gonzalez Dantes III sa totoong buhay.
View this post on Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!