Ano ang skin care na pwede sa buntis? Alamin ang mga pwede at bawal ipahid sa iyong balat

Kahit nagbubuntis, may mga moms na sinisiguro pa ring alaga ang kanilang skin. May mga skin care ba na pwede sa buntis? Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahit nagbubuntis, may mga moms na sinisiguro pa ring alaga ang kanilang skin. May mga skin care ba na pwede sa buntis? Alamin dito.

Mga moms! Congrats sa inyong ever-wanted na pagdating ni baby! Pero, alam ninyo rin bang maaari pa ring mapanatili ang inyong shine and glowing skin? Ano nga ba ang mga paraan at skin care na pwede sa buntis? Iyan ang ating pag-uusapan sa article na ito.

Imahe mula sa | Freepik

Skin care na para at pwede sa buntis

Sa panahon na nagbubuntis ang mga moms, maraming pagbabago ang nagaganap sa kanilang katawan – mula internal maging sa external. Kasama na rito ang pagtaas ng level ng hormones bilang paghahanda at suporta sa paglaki ng baby.

At the same time, dulot ng pagbabago sa hormones, may mga pagbabago rin sa katawan gaya ng constipation, pagkaramdam ng pagkaliyo o nausea, at pagbabago sa balat.

Gaya ng pag-itim ng nipples at pagkakaroon ng linea nigra, may pagbabago sa balat na nagdudulot ng anxious feelings at pagbaba ng confidence ng mga moms. Kasama na dito ang pangingitim at pag dry ng balat, stretch marks at pagtubo ng acne.

Hindi masama na alagaan pa rin ang inyong skin kahit nagbubuntis. Ngunit, ayon sa mga pag-aaral, sa pagbabago sa balat ng buntis, may mga skin care products na pwede at may mga bawal din.

May mga skin care din na para sa buntis batay sa tulong ng mga health care professionals. Iyan ang dapat alamin ng mga moms upang mapanatili ang iyong skin care habang ikaw ay nagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede ba mag skin care ang buntis?

Dahil wala pang tiyak na mga ebidensiya hinggil sa tuwirang epekto ng mga over-the-counter skin care products sa buntis, OO ang sagot sa kung pwede ba mag skin care ang buntis.

Ngunit, may iilang mga pag-aaral na maaaring magdulot ng masamang epekto ang ilang ingredients na makiktia sa OTC skin care products. Mas dito dapat matyagan ng mga moms ang basta bastang paggamit ng produkto.

Dagdag pa, kailangan din ng konsultasyon mula sa health care professional bago magpahid ng cream lalo na sa mga stretch marks. Ayon sa rekomendasyon ng American Academy of Dermatology Association (AAD), may mga produktong nagsasabing nakakapagpawala ng stretch marks na naglalaman ng retinol.

Ang retinol ay ingredient ng ilang mga skin care products na mga bawal sa buntis. Ito ay nakakasama sa iyo at sa fetus sa sinapupunan.

Skin care na para sa buntis

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Imahe mula sa | pexels.com

May mga skin care na para sa buntis na maaaring mabili sa malapit na drug store o pharmacy. Tulad na lamang ng naitala ng American College of Obstetrician and Gynecologists, ito ang mga sumusunod na ingredient ng skin care para sa acne ng buntis at walang threat sa kalusugan ni baby:

  • azelaic acid
  • glycolic acid
  • topical benzoyl peroxide
  • topical salicylic acid

Dagdag pa, may mga moms na buntis na maaaring bilhin din ang produktong may natural ingredients gaya ng mga sumusunod:

  • cocoa butter
  • aloe vera
  • anti oxidants tulad ng vitamin C at E
  • shea butter
  • coconut oil

Tiyakin pa rin sa inyong doktor kung ito ba ang mga skin care porducts na para sa buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga bawal na skin care sa buntis

Tulad ng mga OTS na skin care products, may mga bawal sa listahang ito sa buntis. Maaaring nagiging bawal ang mga produktong ito sa sa skin care ni mommy dahil sa dami ng mga bawal na ingredients.

Imahe mula sa | freepik.com

Mula sa Healthline, walang tiyak o kulang ang ebidensiya ng mga epekto ng skin care products para sa buntis. Ngunit, may mga skin care product experiment na ginawa sa hayop na nagkaroon ng epekto sa fetus. Dito nagbatay ang Healthline sa mga ingredients ng skin care products na bawal sa buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Retinoids

Dahil sa Vitamin A na inaabsorb ng katawan, nagiging retinol ito bunga ng retinoids. Nakakatulong ito sa pag rejuvenate ng balat.

Ang kaso, batay sa mga ebidnesiya ng mga doktor, naiuugnay ang isyu ng lower birth rate sa dami ng natagpuang retinoid.

Sobrang salicylic acid sa katawan

Maihahalintulad sa anti-inflammatory treatment ng aspirin ang salycylic acid. Ngunit, may pag-aaral na ang sobrang salicylic sa katawan ay dapat iwasan habang nagbubuntis. Maaari nitong maapektuhan ang fetus at iyong pagbubuntis.

Tandaan mga moms, may mga skin care products na pwede at bawal sa buntis. Mainam na laging kumonsulta sa inyong OB o sa doktor para matiyak ang kaligtasan ninyo ni baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Nathanielle Torre