Slater Young shares secret on happy marriage: “"We still have disagreements... we talk it over very maturely, no voices raised."

Kryz at Slater, hindi daw gusto noong una ang isa’t isa at umabot pa sa puntong nagkapisikalan sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Slater Young at Kryz Uy ibinahagi ang kanilang love story. Pati na ang sikreto sa masaya nilang pagsasama.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Slater Young and Kryz Uy love story.
  • Sikreto sa masayang pagsasama nina Kryz Uy at Slater Young.

Slater Young and Kryz Uy love story

Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy

Maliban sa maganda nilang bahay na tinatawag nilang Skypod, hinahangaan rin ng marami ang pagsasama nina Slater Young at Kryz Uy. Dahil kahit ngayong sila ay may dalawa ng anak ay makikitang sweet na sweet pa rin sila sa isa’t isa.

Sa isa sa mga vlog episode ng broadcaster na si Karen Davila ay ikinuwento nina Slater at Kryz ang kanilang love story.

Kuwento ni Kryz noong una ay hindi nila gusto ni Slater ang isa’t isa. Si Kryz ay nayabangan noon kay Slater na pogi-poging daw sa sarili nito. Habang si Slater naman ay maarte ang first impression kay Kryz. Sa sobra ngang hindi nila pagkakagusto sa isa’t isa ay minsan na daw silang nagkapisikalan. Si Kryz tinapunan ng plastic cups si Slater.

“We actually really didn’t like each other. We met and palagi kaming nag-aaway. Every time na magkasama kami there something bad that will always happen.”

Ito ang kuwento ni Kryz. Nagbago nga lang daw ang pagkakakilala nila sa isa’t isa ng mabigyan sila ng pagkakataong lumabas at makapag-usap.

“We kinda got to talk and I’m like oh interesting pala tong girl na ‘to. After talking to her, I was like this girl is pretty and may lalim pala, may substance.”

Ito ang kuwento naman ni Slater.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagdaan ng panahon ay nagkagaanan ng loob si Slater at Kryz. Natuklasan rin nilang marami silang pagkakapareho lalo na pagdating sa values at paniniwala sa buhay.

“To me, it was so weird when we started hanging out together. Because we had the same values, whatever I would say, he will say it first. Parang na-shock nalang ako na why is he reading my mind. This is so weird.”

Ito ang pag-aalala pa ni Kryz ng magsimula na ang pagkakaibigan sa pagitan nila ni Slater.

Pagpapatuloy pa ni Kryz, dahil marami silang pagkakapareho ni Slater ay parang iisa silang tao. Kaya naman noong sila ay maging mag-asawa na ay parang naging madali ang lahat. Sa katunayan, dahil sa alam nila ang ugali ng isa’t isa ay bihira lang silang mag-away.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“There’s so much more to him not just the pretty face. It’s so weird like we are the same person split in to two. It’s so strange like our values are exactly the same. His family and my family, we are kinda like raised the same too, from the same community. Everything was so easy.”

Si Kryz at Slater ay ikinasal noong Pebrero ng 2019.

Sikreto sa masayang pagsasama nina Kryz at Slater

Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kung may sikreto daw talaga sa masaya at tahimik na pagsasama nila Slater at Kryz, ito ay ang constant communication sa pagitan nilang dalawa. At ang pag-iintindi sa nararamdaman ng isa’t isa.

“The secret to a happy marriage is I feel like the sense of understanding or where the person is coming from. Kami we still have disagreements naman.”

“What makes us different than most o compare to my past relationships is we get to talk it over very maturely like walang voices raised. We talk it over like 30 minutes, an hour max and then ok na. That’s communication.”

Ito ang sabi pa ni Slater.

Si Kryz naman sumang-ayon sa sinabing ito ni Slater. Pagdating nga daw sa kanilang pagsasama kung para sa iba ang misis ang laging tama, para kay Kryz ay baligtad. Siya daw ang sumusunod kay Slater na maraming beses niya ng napatunayan na tama para sa kaniya at sa kanilang pamilya.

“You know they always joke, a happy wife, happy life. But I feel like maybe because Slater is such a strong, he’s always there for me. I feel like if you listen to your husband, your life would be better.”

Sa ngayon, masayang ginagampanan nina Slater at Kryz ang role nila bilang mga magulang sa mga anak nilang si Scottie at Sevi. Si Kryz kung isalarawan nga si Slater ay isa daw “great husband and dad”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Slater enjoy na enjoy naman ang pagiging padre de pamilya sa kanilang Sky Fam. Sa pagkakaroon nga daw ng mga anak at pagiging isang ama, ay mas nagkaroon ng purpose ang buhay niya.

“Personally I feel like I’m more inspired, parang may purpose yung ginagawa natin.”

Ito ang sabi pa ni Slater.

Larawan mula sa Facebook account ni Kryz Uy

Si Slater ay ang kauna-unahang male winner ng Pinoy reality TV show na Pinoy Big Brother ng ABS-CBN. Siya ay nagmula sa pamilya ng mga engineers mula sa Cebu. Si Kryz ay mula rin sa isang buena de familia sa Cebu at nakilala sa kaniyang pagba-vlog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement