Usually ang mga romantic partners magkasamang natutulog sa isang kama, at ang sabi ng mga mananaliksik mayroon silang nahanap na link sa pagitan ng sleep habits ng mga tao at relationship experiences ng mga ito.
Ano ang kinalaman ng iyong sleep habits sa kalidad ng iyong relasyon?
Karaniwan di-umano, ang mga taong nasisiyahan sa kanilang mga relasyon ay may magandang sleep habits o nakakatulog ng maayos. Ayon sa isang report, kapag katabi raw nila ang kanilang mga partner sa buhay mas maayos ang kanilang mga pagtulog. Sa kabilang banda, ang sleep habits nila ay hindi maganda matapos ang isang pag-aaway. At dahil naging pangit ang kanilang sleep cycle, most likely mag-aaway ang mag-partner at hindi madaling mareresolbahan ang kanilang pag-aaway lalo na kung hindi sila nakatulog ng maayos.
Ano ang kinalaman ng iyong sleep habits sa seguridad na iyong nararamdaman sa iyong relasyon?
Ayon sa pananaliksik, ang mga taong di-umano’y “anxiously attached” mas less ang deep sleep ng mga ito, lalo na’t nagpapakita ng more brain activation habang tulog na consistent na may kasama pang “hyperarousal,” kung kaya’t lower sleep efficiency ang epekto (mas maraming oras na gising kahit na gusto talagang matulog), kung kaya’t mas pangit ang sleep quality ng mga ito.
Nalulungkot ka ba?
Ang mga taong di-umano’y malungkot marahil worse ang sleep efficiency ng mga ito, fragmented ang sleep, at mas matindi ang daytime fatigue. Ayon sa isang report nga raw ang mga taong mas lugmok sa kalungkutan lalo na kung very poor ang sleep habits nito.
May kinalaman ba ang pagtulog ng in-sync ng mag-partner?
Ayon sa mga ilang pag-aaral, ang mga mag-asawang di-umano’y may in-sync sleep, sa kanilang overall “sleep-wake” patterns at parehong bilang ng minuto na gising ay mas satisfied sa kanilang relasyon at nakaka-experience ng less marital conflict. Ang mga mag-asawa namang may hindi tugma ang “sleep-wake” pattern pero satisfied naman sa kanilang relasyon ay mas flexible at mas nakaka-adapt ang mga ito kung kaya’t mas madali rin nilang nareresolbahan ang kanilang mga problema. Sa kabilang banda, ang mga mag-asawa namang hindi talaga tugma, tulad na nga lamang kapag ang isa ay morning person at ang isa naman ay evening person, mas less ang kanilang quality time sa mga activities tulad na nga lamang ng sex.
Sa mga mag-asawa magkatugma talaga, sabi nila ang mga morning couples di-umano ay mas maraming sex activities sa umaga at ang evening couples naman ay mas maraming sex activities sa gabi, overall hindi naman daw talaga ito nagkakaiba dahil marami silang aktibidad na nagagawa ng magkasama. Ang “sleep in-sync” di-umano ay may kinalaman sa kalusugan—ang mag-asawang di-umano’y sobrang match ang oras ng kanilang “sleep-wake” pattern ay mas mababa daw ang blood pressure sa gabi at mas mababa ang systemic inflammation.
Ang sleep habits ay may pinapakita rin tungkol diumano sa mga nakapaligid sa atin
Ang mga taong nanonood di-umano ng video ng isang sleep-deprived individual, hindi lang ni-rate ang sleep-deprived na tao na ito na malungkot, kundi sila rin daw mismo ay nalungkot. Sa mag-asawa naman, ang mga tao di-umano’y mas satisfied sa kanilang relasyon kung ang kanilang partner ay good sleeper at less epathically accurate daw kinagabihan kapag ang partner daw nila ay hindi nakatulog ng maayos.
Sa araw-araw, ginugugol natin ang 1/3 ng ating buhay sa pagtulog at marami ng saliksik na nagpatunay na mayroon koneksiyon ito sa ating mga social lives.
Source: Psychology Today
Basahin: 5 bagay na dapat baguhin sa sarili para mas gumanda ang relasyon
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!