Bilang magulang, hindi natin maiwasan na minsan ay mainis sa sobrang iyakin na bata. Lalo na kapag tayo ay nasa public places, hindi mapigilan na mapagalitan ang bata at pagsabihan na tumigil na sa pag-iyak.
Pero masama nga bang sabihan sila na “wag kang umiyak”? Bakit naman?
Sobrang iyakin na bata
Image from Freepik
Kapag nagiging iyakin ang bata, kadalasan ay mayroon lang silang gusto. Pero bakit nga ba masamang pagsabihan sila na tumigil sa pag-iyak? May mas malalim na epekto ba ito sa kanila kapag sila ay tumanda?
Ayon kay Michael Gurian na isang New York bestselling author at counselor, “constant suppression of a child’s emotional life is harmful; crying and expressing feelings are important social-emotional skills.”
Ang mga bata raw na pinipigilan sa pag-iyak ay maaring lumaki na mapaglihim ng emosyon. Sila rin kadalasan ang hindi masyadong nabibigyan ng emotional support at sa katagalan ay hindi ito makabubuti para sa kanila.
Image from Freepik
Ayon pa rin kay Gurian, maaaring na-oversimplify lang ang sitwasyon na ito. Dahil mayroon din namang mga nagsasabi na magandang disiplina ang pagpapatigil sa anak sa pag-iyak. Ito rin daw kasi ay maaring magturo sa kanila na maging resilient, maging matatag at matutong makisama nang maigi.
Tamang pagdisiplina sa sobrang iyakin na bata
Habang bata pa sila, iparamdam sa kanila na maari nila kayong maging sandigan. Karamihan kasi sa mga kabataan ngayon ay mas open pa sa kanilang mga kaibigan kaysa sa mismong magulang. Hindi rin natin masisisi ito sa mga bata dahil maaaring hindi nila maramdaman ang comfort sa kanilang tahanan. Kung bata pa lang ay naiparamdam na ng magulang na sila ay bukas sa pakikinig sa kanilang anak, maiiwasan na itong mangyari.
Ngunit paano nga ba madidisiplina nang tama ang batang iyakin?
Pairalin pa rin ang pagmamahal sa kanila
Image from Freepik
Sa tuwing mapapagalitan mo ang iyong anak, mas pairalin mo pa rin ang iyong pagmamahal. Mahirap pahabain ang pasensya pero tandaan palagi na lahat ng mga ipinapakita mo sa iyong anak ay may long-term effect sa kanya. Ang pagpalo ba sa kanya ay mas epektibo kaysa sa pagsasabi sa kung ano dapat ang kanyang gawin? Siguraduhin lang na sa kung paanong paraan mo man piliing disiplinahin siya ay magtatanda ito para hindi na umulit.
Mag-set ng rules
Ang pagkakaroon ng rules ay mahalaga sa parenting. Siguraduhin na kapag ikaw ay nag-set ng rules para sa iyong pamilya ay kaya mong maging tuwid dito. Huwag basta bastang baliin ang iyong sinabi para maramdaman nila ang iyong sinseridad. Kahit ang mga simpleng rules lang ay importante para magkaintindihan kayo ng iyong anak.
Libangin sila
Imbis na magalit sa tuwing sila ay nagta-tantrums, bakit hindi mo na lang libangin siya para matigil sa pag-iyak? Bukod sa maaalis ang stress mo dahil napigilan mong magalit, napatunayan ding mas epektibo ito sa mga bata.
Ang pagdidisiplina sa bata ay hindi biro. ‘Wag ka rin maging sobrang hard sa iyong sarili dahil ang parenting naman ay dapat may room for errors. Matututo ka habang ginagawa mo ito at wala naman talagang perpektong magulang. Gabayan lamang sila at pairalin palagi ang iyong pagmamahal at siguradong lalaki sila nang tama.
SOURCE: Psychology Today
BASAHIN: 5 paraan para maiwasan ang pagiging iyakin ng bata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!