Pangontra sa pagsusuka ng buntis: Morning sickness at hyperemesis gravidarum

Kapag sobra ang pagsusuka ng isang buntis, maaaring ito ay hyperemesis gravidarum. Alamin ang mga sintomas at kung paano ito gagamutin, dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagkakaroon ng Hyperemesis Gravidarum o pagsusuka ng kulay dilaw na mapait ng buntis, karaniwan ba ito? Pero ano nga ba ang pangontra sa pagsusuka ng buntis? Inilista namin ang mga dapat mong malaman patungkol rito!

Lahat halos ng nagbubuntis ay nakakaranas ng morning sickness, o pagkahilo at pagsusuka sa umaga. Mayroong mas malala sa pagkahilo ang nararamdaman.

Ano nga ba ang morning sickness at pagkakaiba nito sa hyperemesis gravidarum?

Ayon sa WebMD Medical Reference, halos 3% ng mga nagbubuntis ang may kalagayang tinatawag na hyperemesis gravidarum. Walang gamot dito, ngunit ito ay pansamantala lang naman at maraming paraan para mapagaan ang pakiramdam ng mga may ganitong karamdaman.

Ang morning sickness at hyperemesis gravidarum ay dalawang karamdamang nauugnay sa pagbubuntis na nagdudulot ng matinding pagkahilo at pagsusuka. Ito ay karaniwang nararanasan ng mga kababaihan sa unang trimester ng kanilang pagbubuntis, ngunit may ilang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang kondisyon.

Morning Sickness:

  • Ang morning sickness ay ang pangkaraniwang tawag sa pagkahilo at pagsusuka na nararanasan ng karamihan ng mga buntis, partikular sa unang trimester ng pagbubuntis (1st hanggang 3rd months).
  • Karaniwan itong nagsisimula sa umaga (kaya tinatawag itong “morning” sickness), ngunit maaari ring mangyari sa iba’t ibang oras ng araw.
  • Ang mga sintomas ng morning sickness ay maaaring hindi gaanong matindi o maaari ring maging matinding pagkahilo at pagsusuka.
  • Karaniwan, ang morning sickness ay pansamantalang kondisyon at bumubuti na sa paglipas ng mga linggo o buwan.

Hyperemesis Gravidarum:

  • Isang mas malubhang kondisyon ng pagkahilo at pagsusuka na mas matindi kaysa sa pangkaraniwang morning sickness.
  • Ilan sa mga sintomas nito ay mas matagal at mas malubha, kung saan maaaring magdulot ng dehydration, malnutrition, at labis na pagbaba ng timbang sa buntis.
  • Ang mga taong may hyperemesis gravidarum ay maaaring mawalan ng gana sa pagkain at tubig, at maaaring humantong ito sa komplikasyon tulad ng elektrolit imbalances.
  • Maaari itong makaapekto sa kalusugan ng ina at sanggol, kung hindi ito agad naagapan.

Ang pagkakaiba ng dalawang kondisyon ay nakabatay sa kalubhaan ng mga sintomas at ang kanilang epekto sa kalusugan ng ina at sanggol. Karaniwan ang morning sickness ay pansamantalang kondisyon, samantalang ang hyperemesis gravidarum ay isang mas malubhang karamdaman na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon, sapagkat tumatagal ito hanggang 3rd trimester ng pagbubuntis.

Kung ikaw o ang iyong kaibigan o kamag-anak ay nagdaranas ng malubhang pagkahilo at pagsusuka habang buntis, mahalagang makipag-ugnayan sa isang doktor upang ma-diagnose ang kondisyon at makakuha ng tamang pangangalaga at tulong medikal.

Image from Freepik

Ano naman ang pagsusuka ng kulay dilaw na mapait ng buntis?

Pagsusuka maya’t maya ang isang pangunahing sintomas nito. Ano ang sinusuka ng buntis? Halos bawat kainin mo ay inilalabas sa pagsusuka, kahit anong oras pa—gabi man o umaga. Kaya naman kapag hindi naagapan, maaaring maging sanhi ng dehydration at pagbaba ng timbang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ang morning sickness ay sa umaga lang at nawawala na paglagpas ng unang trimester, mas matagal nararamdaman ang hyperemesis gravidarum. Ilang buwan ang pagsusuka ng buntis? Minsan nagsisimula ito sa ika-apat na linggo ng pagbubuntis at maaaring tumigil ang paglala sa ika-20 linggo, ngunit hindi tuluyang nawawala.

Ang pagkahilo, pagsusuka, pagbaba ng timbang habang buntis ay ang mga pangunahing sintomas ng hyperemesis gravidarum. Nariyan na rin ang pakiramdam na palaging sobrang pagod, hindi makaihi, madalas na pagsakit ng ulo, nahihimatay, jaundice, mababang blood pressure, mabilis na heart rate, at secondary anxiety o depresiyon.

Ano ang sanhi?

Ayon sa libro ni Elizabeth Kaledin na “The Morning Sickness Companion”, wala pang lubusang nakakaalam ng sanhi nito. Hinuha ng mga doktor, ang isang maaaring dahilan ay ang pagtaas ng hormone levels ng isang buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinasabing kung ang isang babae ay nagkaroon na ng HG sa unang pagbubuntis, mas malaki ang posibilidad na magkakaron siya ulit nito sa mga susunod na pagbubuntis, katulad nga ng nangyari kay Princess Kate. Ito ay nakakaapekto sa mga kababaihan na mas sensitibo sa tumataas na level ng hormones kapag nagbubuntis.

Ano ang mga posibleng komplikasyon nito, lalo sa sanggol?

Alam mo bang maaaring maapektuhan ang iyong timbang, kidneys o baga, mineral balance, at may posibilidad na maipanganak ng maaaga sa due date o premature ang bata o ‘di kaya’y mababa ang timbang nito pagkapanganak kung hindi maaagapan.

Kung ang timbang na nababawas sa iyo ay nasa 5% lamang ng iyong nakaraang timbang, normal lang ito. Pero kung mas malaki dito at patuloy ang pagbaba ng timbang, kailangang ikunsulta agad sa doktor.

Pangontra sa pagsusuka ng buntis: Mga paggamot sa HG

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Una na rito ay ang ilang pagbabago sa kinakain. Kailangan ding maging maigting ang pagpapahinga. May mga mas malalang kalagayan ng HG ang nangangailangan ng pagpapaospital upang matugunan ang mga nutrisyonal na pangangailangan ng nagbubuntis.

Huwag basta basta uminom ng gamot na hindi ibinigay ng doktor. Ang bawat paggamot sa HG ay maaaring maging iba sa bawat sitwasyon at bawat tao.

Sabi ng iba, ang pag-inom ng multi-vitamins bago pa man magbuntis o kung nagpaplano nang mabuntis ay makakatulong. Kumpletong pagpapahinga o bed rest ay maaaring makatulong sa stress at sakit na nararamdaman. Siguraduhin lang na may oras ding bumangon at maglakad-lakad kahit sa loob ng bahay para ma-ehersisyo ang mga muscles. May mga naniniwala sa acupressure, na hindi naman din masama.

Tandaan lang na kahit anong iniinom o ginagawa mo sa iyong katawan ay may direktang epekto sa dindadalang sanggol. Ikunsulta palagi sa doktor ang mga planong gawin o inumin para sigurado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangontra sa pagsusuka ng buntis: Ano nga ba ang pwede kong gawin?

Subukan ang mga sumusunod:

  1. Kumain ng pakonti-konti, ngunit mas madalas sa loob ng isang araw para hindi lalong lumala ang pagsusuka.
  2. Uminom ng fluids, pero iwasan ang pag-inom ng masyadong marami sa isang inuman lamang. Gumamit ng straw.
  3. Iwasan ang mainit na pagkain dahil nakaka-trigger ito ng pagkahilo.
  4. Subukan ang mga mas malalamig na pagkain.
  5. Maaaring ipayo ng doktor ang pag-inom ng inuming mayaman sa electrolytes tulad ng inuming sports at nutritional supplements.
  6. Matulog ng nasa oras ng sapat na oras.
  7. Mag-relax at iwasan ang stress.
  8. Ang luya daw ay nakakatulong. Maaring gawing tsaa o ilaga ang luya at inumin ang pinaglagaan.
  9. Itanong sa doktor kung maaaring uminom ng antacids.

Walang dapat ipag-alala kung mayroong ganitong kalagayan, basta kumunsulta agad sa espesyalista at huwag pababayaan ang sarili.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement