Solenn Heussaff sa ina sa 70th birthday nito: “Thank you for being the best to our family and my children.”

Anne Curtis may pagbati rin sa kaniyang mother-in-law.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Solenn Heussaff nagbigay tribute sa kaniyang mom na si Cynthia Heussaff sa 70th birthday nito. Anne Curtis may pagbati rin sa kaniyang mother-in-law.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Solenn Heussaff birthday message to mom Cynthia Heussaff.
  • Birthday message ni Anne Curtis sa kaniyang mother-in-law.

Solenn Heussaff birthday message to mom Cynthia Heussaff

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Maikli pero very sweet ang naging birthday message ni Solenn Heussaff sa kaniyang mommy na si Cynthia Heussaff. Si Cynthia nagdiwang kamakailan lang ng kaniyang 70th birthday. Kaya naman si Solenn hindi pinalampas na batiin ang ina. At higit sa lahat ay pasalamatan ito sa nagagawa ng ina sa kanilang pamilya.

“Happy 70th mom!!!! Thank you for being the best to our family and my children. I LOVE YOU.”

Ito ang pagbati ni Solenn sa kaniyang Mommy Cynthia. Kalakip ng birthday greeting niya ay ang mga larawan ng ina kasama ang mga anak niyang sina Thylane at Maelys. Pati na ang throwback photo nila ng ina noong si Solenn ay baby pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Birthday message ni Anne Curtis sa kaniyang mother-in-law

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Ang aktres at TV host na si Anne Curtis ay may pagbati rin sa kaniyang mother-in-law. Tampok ang larawan nito karga ang anak niyang si Dahlia ay ito ang naging birthday greeting ni Anne sa Mommy Cynthia ng mister niyang si Erwann.

“Happy birthday Lola @cynthiaheussaff ? We love you!”

Si Cynthia Heussaff ay sinasabing dating miyembro ng Bayanihan Dance Company. Siya ay ikinasal sa former sailor ng French Navy na si Louis Paul Heussaff. Si Louis ay ang head ngayon ng service company na SOS para sa mga petroleum industry.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban kay Solenn at Erwan Heussaff, si Cynthia ay may isa pang anak na nagngangalang Vanessa Heussaff-Small.

Sa isa mga latest Instagram post ni Cynthia ay ipinakita niya ang isang painting na ginawa daw ni Erwan noong ito ay 5 years old palang. Ibinida niya rin ang isang painting na siya naman ang may gawa. Dito nakapagconclude ang mga netizens kung saan nakuha ni Solenn ang talent niya sa pagpipinta.

Larawan mula sa Instagram account ni Cynthia Heussaff

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement