Solenn Heussaff nagpasilip sa new house nila ng kaniyang pamilya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Solenn Heussaff lumipat na sa new house nila ng kaniyang pamilya.
- Preparations na ginawa ni Solenn sa paglilipat.
Solenn Heussaff lumipat na sa new house nila ng kaniyang pamilya
Larawan mula sa Instagram ni Solenn Heaussaff
Nakalipat na ang pamilya ng aktres at model na si Solenn Heussaff sa kanilang bagong bahay. Ito ang ibinahagi ni Solenn sa kaniyang latest Instagram post.
“The big move to our new place! After a journey with water proofing, we are now settlesld. :)”
Ito ang caption ng post ni Solenn kalakip ng maikling video na kung saan makikita ang pag-iimpake ng aktres.
Si Solenn ay nagbahagi rin ng kaniyang feelings sa pag-alis ng kanilang pamilya sa bahay na tinirahan nila sa loob rin ng pitong taon.
“So we are all packed up and will say goodbye to our house and move to the new one. It feels so weird, we’ve been here for 7 years. Goodbye house!”
Ito ang sabi ni Solenn.
Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff
Preparations na ginawa ni Solenn sa paglilipat
Samantala, sa kaniyang YouTube vlog ay pinasilip rin ni Solenn ang ilang bahagi ng kanilang bagong bahay. Ibinahagi rin ni Solenn ang ilang paghahanda na ginawa niya bago sila tuluyang makalipat dito.
Base sa vlog ni Solenn, Hunyo palang nitong taon ay unti-unti na silang naglipat sa bago nilang bahay. Hanggang nito ngang Setyembre ay tuluyan na silang nakalipat dito.
Si Solenn nag-share rin ng mga ginawa niyang preparations sa paglilipat-bahay.
Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff
“When you move into a new house, you really need to clean because imagine, it’s years of building with the dust and everything just accumulating.”
Ito ang pagbabahagi ni Solenn.
Ayon pa sa aktres ay nag-hire talaga siya ng team para tulungan siya sa pag-iimpake at paglilipat ng mga gamit sa kanilang bagong bahay. Dahil alam niyang magiging mahirap daw ito at higit sa lahat hindi niya rin ito maiaasa sa mister niyang si Nico Bolzico. Ito ang dahilan ni Solenn kung bakit.
“I needed the extra help because I’m not gonna ask Nico to move the house. That’s not a guy thing, they are not as organized as we are so I liked things really really organized.”
“I used to do the moving with myself before but then we were just two. Now we have to move in kids and stuff. It’s a little harder.”
Ito ang sabi pa ni Solenn tungkol sa paglilipat-bahay nila sa kanilang new home.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!