Solenn Heussaff on breastfeeding, mahirap, masakit pero pinaka-rewarding na parte ng pagiging ina ayon sa model at aktres. Celebrity mom ibinahagi rin ang sikreto sa malakas niyang milk supply.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Solenn Heussaff on breastfeeding.
- Sikreto ni Solenn sa malakas niyang breastmilk supply.
Solenn Heussaff on breastfeeding
Enero nitong taon ng isilang ni Solenn Heussaff ang pangalawa nilang anak ni Nico Bolzico. Ito ay isang baby girl na pinangalanan nilang si Maelys Lionel. Si Solenn tulad ng ginawa sa panganay na si Thylane ay binebreastfeed rin si Maelys.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Solenn ang karanasan niya sa pagpapasuso. Ayon sa celebrity mom, ang pagpapasuso ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng pagiging isang ina. Pero ito rin naman daw ang pinaka-rewarding para din sa kaniya.
“To Breastfeed. May be one of the hardest parts of motherhood. Some have it easier than others, but it is still a long journey, painful many times and also rewarding.”
Ito ang bahagi ng IG post ni Solenn na kung saan binanggit niya rin ang ilan sa mga pagsubok na kaakibat ng pagpapasuso. Tulad nalang ng clogged ducts, pananakit ng suso at puyat. Kasabay pa ang malaking tanong lagi ng mga ina kung tama ba ang pag-aalagang ginagawa nila para sa anak. Pero ang mga ito daw ang mas nagpapatibay ng bond sa pagitan ng anak at ina base sa karanasan ni Solenn.
“The bond is greater than any you will ever encounter. Whether you are breast feeding 1 week or 3 years, these moments are everything.”
Ito ang sabi pa ng aktres.
Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff
Sikreto ni Solenn sa malakas niyang breastmilk supply
Ibinahagi rin ni Solenn ang sikreto niya sa malakas niyang milk supply. Ito ay walang iba kung hindi ang malunggay na ayon sa mga eksperto ay nagdagdag ng maternal serum na prolactin sa katawan ng isang babaeng bagong panganak. Ito ang nakakatulong sa malakas niyang breastmilk supply.
“And if you are like me and low on supply for life, Mega-Malunggay capsules always do the trick to help with this journey!”
Ito ang sabi pa ni Solenn Heussaff ukol sa breastfeeding.
Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!