Nagsimula nang pakainin ni Saab Magalona ng solid food ang 4 months niyang baby!
Screenshot from Saab Magalona’s Official Instagram
Sa isang Instagram post ni Saab Magalona, ipinakita niya dito na sinimulan na niyang pakainin ng solid food si baby Vito.
www.instagram.com/p/B8JBqpjnUf1/
Marami ang natuwa kay baby Vito dahil sa sobrang cute nito habang pinapakain ng kanyang mommy. Ngunit may iba din ang nagulat dahil nagsimula na itong kumain ng solid food kahit na 4 months pa lang ito.
Ayon kay Saab Magalona, ang pagpapakain niya ng solid food (banana and avocado with her breastmilk) ay may consent ng kanyang pediatrician.
Ngunit isang paalala na ang pagpapakain ng solids foods sa isang baby ay dapat sa kanyang ika-anim na buwan pa. Ang tanging pwede lang nitong kainin ay ang breastmilk ng kanyang ina. Ngunit sa ganitong kalagayan, maaari na ring tumikim ng solid food ang mga baby na nasa 4 months to 6 months. Ito rin ang panahong tinatanggap na nila ang pagkaing ibinibigay sa kanila at hindi nila ito magawang tanggihan. ‘Wag lang itong dalasan at siguraduhing parang tubig pa rin ito para madaling ma-digest at malunok ng bata.
Image from Christian Hermannsolid on Unsplash
Ito ang mga senyales na handa na ang baby mo na kumain ng solid food:
- Naitataas na ng baby ang kanyang ulo ng steady.
- Kaya na nitong umupo, kahit may suporta.
- Pilit nitong sinusubo ang kanyang kamay at mga laruan.
- Kapag sinusundan o binubuksan niya ang kanyang bibig kapag inalok mo ng pagkain.
Kung papakainin mo na ng solid food ang iyong baby, maaari lang na magpakonsulta muna sa iyong pedia. Mabuting may confirmation mula sa eksperto bago gawin ito.
Paalala: Ang solid food para sa mga baby ay maaring makamatay sa kanila kung basta-basta na lang itong pakakainin. Mas mabuting magpakonsulta muna sa iyong pediatrician.
Kung may tamang gabay na at ramdam mo na ready na kumain si baby ng solid food, maaari lamang na ibigay muna sa kanya ay malambot o durog na pagkain. Para hindi ito mahirapan sa pag-nguya at pag-digest ng pagkain. Tandaang first time lang niya ito kaya hinay-hinay lang.
Kailangan ng isang baby ng iba’t ibang variety ng pagkain. Ito ay makatutulong sa kanila upang matutong ngumuya at para na rin sa pag-ngingipin nito.
Sa pagsapit niya ng kanyang 12 months, maaari na rin siyang kumain ng pagkaing nasa hapag niyo. Ngunit kailangan pa rin nitong maging maliliit at luto dahil hindi pa lubusang kaya ng iyong baby.
Image from Unsplash
Food Allergies
Ang pagtigil sa pagkain ng mga allergenic foods katulad ng peanuts, itlog at isda ay hindi nakakapigil ng asthma, eczema, rhinitis at food allergy. Samakatuwid, nakakatulong pa nga itong mabawasan ang tyansang magkaroon ang isang baby ng allergy sa partikular na pagkain.
Kung sakaling pinakain mo ito ng isang pagkain at nagkaroon ng reaction sa kanya, maaaring ito ay allergic sa binigay mong pagkain. Kung sakaling ito ay mangyari, ipaalam agad sa pediatrician.
SOURCES: Mayo Clinic
BASAHIN: Baby Food 101: Mga kailangan mong malaman sa pagpapakain kay baby , The new parent & guide to preparing homemade baby food the safe way!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!