Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

Si Nina may pitong taong gulang ng anak na nagngangalang Ysabela.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Soul siren Nina, may asawa at anak na. Ito ang rebelasyon ng singer tungkol sa kaniyang pribadong buhay.

Mababasa dito ang sumusunod:

Pribadong buhay ng singer at kilalang Soul Siren na si Nina

Larawan mula sa Instagram account ni Nina

Lingid sa kaalaman ng publiko na may asawa’t anak na ang Soul Siren na si Nina. Ito ang rebelasyon kamakailan lang ng kilalang singer sa latest na panayam sa kaniya.

Ayon kay Nina, masaya siya na nagtagumpay siya na maitago sa publiko ang pribado niyang buhay. Paliwanag ni Nina, ginawa niya ito para makaiwas sa gulo at ma-enjoy umano ng kaniyang pamilya lalo na ng anak niya ang normal na buhay.

“Kasi para kapag lumabas kami, hindi masyadong pagkaguluhan sila or kunwari sila man lang lumabas on their own, kumbaga kunwari tatawagin ‘yung anak ko, ‘Ysabela,’ magugulat siya. ‘Bakit ako kilala?”

Ang anak ni Nina ngayon na si Ysabela ay pitong taon na. Ito ay ipinanganak Disyembre ng taong 2015.

Larawan mula sa Instagram account ni Nina

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bakit mas pinili ni Nina na isapribado ang personal na buhay niya

Pahayag pa ni Nina, ang pagsasapribado ng kaniyang buhay may asawa at may pamilya ay kagustuhan rin ng mister niya. Bagamat, kailangan niya rin noong una na ipaliwanag dito kung bakit ito ang desisyon niya.

“In-explain ko rin sa husband ko. Siyempre nakikita niya na bakit ‘yung ibang celebrities pino-post ‘yung family ganyan, tapos ako in-explain ko sa kanya na parang gusto ko mas private. Para mayroon tayong private mode ganyan. Hindi masyadong magulo.”

Sabi pa ni Nina, marami ang nagbago sa kaniya at natutunan niya ng siya ay makapag-asawa. Tulad nalang daw pagluluto na natutunan niya ng gawin ngayon. Nai-enjoy niya rin daw ang pagiging ina lalo na’t mahilig siya sa bata.

Larawan mula sa Instagram account ni Nina

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement