Isang taong gulang na bata nagkaroon ng spastic-dystonic cerebral palsy dahil sa natamong brain injuries nito sa kanyang inang sinampal siya.
Kuwento sa likod ng nangyari sa bata
Noon ngang ika-25 ng Marso noong nakaraang taon, sinampal ng isang ina ang 23-month old na anak dahil di-umano sa kadahilanang pinaglaruan ng anak ang kanyang diaper na may dumi nito kahit na kakaligo pa lamang niya.
Marahil nagdilim ang paningin ng ina kung kaya’t sinampal niya ng magkabilaan sa pisngi ang anak at sa pangalawang sampal nga ay tumumba ang anak at tumama sa paanan ng kanilang mesa.
Pagkatumba nga ng anak niya umiyak ito nang sobra-sobra at waring nagwawala sa sakit na kanyang naramdaman nang bumagsak ito.
Sinubukan pa ngang pakalmahin ng ina ang anak sa pamamagitan ng pagmasahe sa kanyang ulo. Sa takot ng ina, tinawagan nito ang isang kaibigan at nirekomenda na nga ng kanyang kaibigan na tumawag na ng ambulansya.
Nang dumating ang ambulansya dinala nila agad ang bata sa Khoo Teck Puat Hospital (KTPH), Singapore, at naiwan ang ina kasama pa ng kanyang dalawa pang anak—isang apat na taong gulang at isang buwang gulang sa kanilang bahay.
Spastic-dystonic cerebral palsy
Pagkarating nga sa KTPH, inoperahan nga agad ang bata dahil sa natamo niyang pinsala sa kanyang ulo. Ang ginawang opera sa kanya ay inalis ang parte sa kanyang bungo at inalis din ang namuong dugo sa ulo nito.
Matapos ang kanyang operasyon nilipat siya sa KK Women’s and Children’s Hospital (KKH) at doon nga’y nasuri siyang may spastic-dystonic cerebral palsy na naging resulta nga di-umano ng kanyang mga natamong brain injuries.
Ang spastic-dystonic cerebral palsy ay isang kondisyon ng paninigas ng mga kalamnan at involuntary muscles spasms. Dumanas din ang bata ng mahinang kontrol sa kanyang ulo at itaas ng bahagi ng kanyang katawan, hindi rin siya masyadong makaintindi, at hindi rin mapakain.
Ang developmental age nga daw di-umano na ng bata ay parang sa mga sanggol na anim na buwan pa lamang at marahil maging depende na siya sa ibang tao sa araw-araw.
Pero dahil nga sa treatment na ginawa sa kanya, noong ika-25 ng Enero ngayong taon, umayos kahit papaano ang kondisyon ng bata—natutunan na nga niya di-umano ang gumapang ng mag-isa at maglakad naman ng may tulong, pero kailangan pa rin siyang pakainin sa artipisyal na paraan—gamit ang isang artipisyal na external opening nito sa tyan.
Kasaysayan ng pang-aabuso ng ina sa kanyang anak
Mayroon na palang kasaysayan sa pananakit ang ina sa kanyang isang taong gulang na anak. Ayon nga di-umano sa prosekusyon ang relasyon ng ina sa kanyang anak ay hindi maganda sapagkat napapansin nga ng ina na medyo mabagal ang development ng kanyang anak.
Noon nga raw 21-month old pa lamang ang anak sinabi sa kanya ng KKH na mayroon ang anak na mild global development delay dahil raw sa social deprivation. Dahil nga sa mabagal na development na natuklasan ng ina sa anak, madalas ngang nafru-frustrate ang ina sa kanya.
Bago nga raw ang insidente na nangyari noong ika-25 ng Marso kung saan nauntog ang anak sa paanan ng mesa nila, may mga nangyari na ring pananakit ang ina sa anak.
Sinuntok di-umano ng ina ang kanyang anak sa dibdib nito ng higit pa sa limang beses dahil lamang na-frustrate siya sa anak ng hindi raw ito nakinig sa kanyang instruksiyon.
Mayroon ding isang beses na kinaladkad di-umano ng ina ang anak at nahila ng matindi ang kanyang kaliwang braso na nagresulta ng malakas na tunog ng “crack” sa paghila ng ina.
Ginawa di-umano ito ng ina dahil sa frustration niya sa kanyang anak na lalake na sinabihan niya raw na maghanda ng maligo ngunit hindi raw ginawa o sinunod ng anak. Matapos nga raw ang insidenteng iyon ay nagkaroon ng pamamaga ang kaliwang braso ng anak at ng mapansin ng ina ay minasahe niya ito ngunit hindi dinala sa doktor kahit na namalaging masakit pa rin siya.
Patuloy na nagpapagaling
At noon ngang nailipat na sa KKH ang bata, nadiskubre rin ng mga doktor na may bali ito sa kanyang kaliwang braso.
Nakita sa x-ray na isinagawa sa bata na matagal na raw na may bali ito at nasa dalawa hanggang tatlong linggo na nga ang kanyang bali. Ang nadiskubreng bali ay sa kanyang humerus—ito ang buto sa itaas na bahagi ng kanyang braso na nagkokonekta sa kanyang balikat at siko.
Ayon nga sa korte nasa early intervention programme ang bata ngayon kung saan nasa treatment siya tungo sa pagsasaayos sa kanyang paninigas ng mga kalamnan.
Nag-plead ng guilty ang ina
Nito ngang Biyernes lamang, nag-plead na ng guilty ang ina sa kanyang nagawang paulit-ulit na pananakit sa anak at ang pinakabago nga ay yung spastic-dystonic cerebral palsy na naging resulta sa natamong brain injuries ng bata.
Maliban nga sa isang kaso ng pagmamaltrato sa kanyang anak sa ilalim ng Children and Young Persons Act, mayroon pa siyang dalawang kaso ng kusang matinding pananakit. Pero ayon sa korte, mayroon pa silang kinonsider na apat pang kaso laban sa ina, kung kaya’t kapag nahatulan na siya maaaring makulong siya ng sampung taon at mayroon pang pagmumulta na kasama.
Paalala sa mga magulang, kapag nararamdaman na nauubusan na ng pasensya sa mga bata, huminto muna at huminga bago makagawa ng isang bagay na pagsisisihan din sa huli. Huwag mag atubili na humingi ng tulong sa pamilya kung pakiramdam mo na overwhelmed ka na sa pag-aalaga ng bata.
Source: CNA
Basahin: Baby nagkaroon ng brain injury matapos maalog nang marahas
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!